Dagupan City Information Office

Dagupan City Information Office

This is the official multimedia center of the City Government of Dagupan. Welcome!

PARA SA INYONG KAALAMAN: High tide schedule sa Dagupan sa SABADO (MARCH 25) para inyong mapaghandaan.source: Public Aler...
24/03/2023

PARA SA INYONG KAALAMAN:
High tide schedule sa Dagupan sa SABADO (MARCH 25) para inyong mapaghandaan.

source: Public Alert Response and Monitoring Center Dagupan

DAGUPAN CITY, READY NA BILANG SMART AT DIGITAL CITY, MORE JOBS ARE COMING! Handa na ang siyudad ng Dagupan sa pagpapa­tu...
24/03/2023

DAGUPAN CITY, READY NA BILANG SMART
AT DIGITAL CITY, MORE JOBS ARE COMING!

Handa na ang siyudad ng Dagupan sa pagpapa­tupad ng digital initiatives bilang isa sa mga digital cities na tinukoy ng Department of Information and Communications Technology (DICT) sa Pilipinas.

"I have the highest regard for the value of our city's digital transformation." Pahayag ni Mayor Belen bilang pangunahing tagapagsulong ng digital transformation sa Dagupan.

"We have now restored our local economy to full health and we are ready to work harder." dagdag pa ng alkalde.

Makakatuwang ng siyudad sa pagsasakatuparan nito ang United Pangasinan Information and Communication Technology Council (UPICT) bilang official ICT council partner ng siyudad kasabay ng pagbuo ng Committee for the Digital Cities Program ng Dagupan.

Sa pangunguna ito nina UPICT President Ed Casulla kasama sina Atty. Wilson Manalo, Committee for the Digital Cities External Vice Chair.

Ang pagbuo ng ICT committee ay kinikilala rin ng DICT Region 1 sa pangunguna ni OIC Regional Director Rey Parnacio.

Aniya, "The recognized ICT committee will be a great factor in strengthening the city's goal to be one of the well-invested Digital Cities in the Region and possible in the country."

Ang Digital Cities, o kilala rin bilang Smart Cities, ay flagship program ng DICT sa ilalim ng Digital Philippines initiative kung saan isa ang Dagupan 25 high-potential areas for Information Technology - Business Process Management (IT-BPM) Operations na kinilala sa buong bansa.

Kaakibat nito ang job creation para sa mga Dagupeños.

Pinasalamatan naman ni UPICT Council Vice Chairman Nestor Panopio ang administrasyong Fernandez sa pagbibigay halaga sa layuning gawing digitally transformed and siyudad. Aniya, "It was only during the term of Mayor Belen Fernandez that this program was recognized."

Ang digitalization ay alinsunod din sa Administrative Order No. 18, Accelerating Rural Progress Through Robust Development Of Special Economic Zones, ni dating Presidente Rodrigo Duterte.

(Dagupan CIO News)

MGA BABAE, DAPAT BIGYANG HALAGA! 😇  Pinaalalahanan ni Mayor Belen Fernandez ang mga kababaihan na huwag magpa-abuso at a...
24/03/2023

MGA BABAE, DAPAT BIGYANG HALAGA! 😇


Pinaalalahanan ni Mayor Belen Fernandez ang mga kababaihan na huwag magpa-abuso at alagaan ang kanilang mental health sa ginanap na Women’s Forum on Violence Against Women and their Children (VAWC) and Mental Health nitong March 24 sa City Astrodome sa pangunguna ng City Social Welfare and Development Office, City Population Office, City Health Office at Philippine Mental Health Association – (PMHA) Pangasinan Chapter bilang bahagi ng selebrasyon ng National Women’s Month 2023.

Binigyang-halaga rin ng alkalde ang mahalagang role na ginagampanan ng mga kababaihan sa kanilang pamilya at maging sa komunidad kung saan mayroong mga dumaranas ng pang-aapi kung kaya aniya doon dapat maging matapang at malakas ang mga ito.

“As mayor, pinaglalaban ko kung ano ang tama at iyan po ang ating gagawin. Bilang isang babae, tayo po ay kayang magtiis para sa ating pamilya kaya kung ano ang hirap ninyo ay hirap ko rin,” pagbabahagi ni Mayor Belen na tinawag ring ‘gifted’ ang mga babae sa pagiging maunawain .

Nagbigay ng lectures sina City Legal Officer Atty. Aurora Valle at PMHA Psychometrician Alexandra Villanueva sa mga participants na kinabibilangan ng mga barangay health workers, barangay service point officers, barangay nutrition scholars at private institutions.

Nakiusap din si Mayor Belen sa mga barangay frontliners na isama sa mga home visitation activities nila ang pag-report ng mga kababaihan o mga kabataan na biktima ng pang-aabuso upang matulungan sila ng lokal na pamahalaan kabilang dito ang services na available sa Women’s Center.

“Nandito kami, ang inyong gobyerno na pinapakinggan at binibigyan ng importansya ang mga kababaihan,” ayon pa sa alkalde. (Dagupan CIO News)

Business Magnate Elon Musk's Starlink is here in Dagupan! Thanks to Bitstop Incorporated for allowing us to experience t...
24/03/2023

Business Magnate Elon Musk's Starlink is here in Dagupan! Thanks to Bitstop Incorporated for allowing us to experience the smoothest online connection at 200mbps! Mayor Belen Fernandez also welcomes the DICT and stakeholders, as they discuss the importance of creating an ICT council and improve the quality of life of Dagupeños and visitors thru this program.

WELCOME TO DAGUPAN, STARLINK! ✨

PARA SA INYONG KAALAMAN: High tide schedule sa Dagupan sa BIYERNES (MARCH 24) para inyong mapaghandaan.source: Public Al...
23/03/2023

PARA SA INYONG KAALAMAN:
High tide schedule sa Dagupan sa BIYERNES (MARCH 24) para inyong mapaghandaan.

source: Public Alert Response and Monitoring Center Dagupan

𝗧𝗘𝗖𝗛𝟰𝗘𝗗 CENTERS SA BAWAT BARANGAY NG DAGUPAN, TARGET NG DICTMas bagong community ICT hub ang opisyal na binuksan sa lung...
23/03/2023

𝗧𝗘𝗖𝗛𝟰𝗘𝗗 CENTERS SA BAWAT BARANGAY NG DAGUPAN, TARGET NG DICT

Mas bagong community ICT hub ang opisyal na binuksan sa lungsod ng Dagupan nitong Huwebes (March 23).

Ang Ribbon Cutting ng pinabagong Tech4Ed Center sa barangay Pantal ay pinangunahan ni Brgy. Captain Julie Perez at dinaluhan mismo nina DICT OIC Provincial Officer Elvis Cayabyab, at Councilor Jigs Seen bilang kinatawan ni Mayor Belen Fernandez.

Kasunod ito ng naging turn-over ng DICT ng mga IT equipment sa lokal na gobyerno kabilang ang tatlong (3) desktop computers, printers, wifi cloud cameras (cctv), router at iba pang kagamitan.

Bahagi ito ng partnership ng DICT, lokal na pamahalaan at barangay council sa ilalim ng Technology for Education, Employment, Entrepreneurs, and Economic Development program o Tech4Ed.

Layunin nito na mapakaghatid ng libre at continuous computer literacy training sa mga Dagupeño.

Ayon kay Kap. Julie, naging kapalipakinabang ang Tech4Ed Center sa kanilang lugar lalo na para sa mga kabataang nasa ilalim ng Alternative Learning System (ALS), PWDs, BHWs, at hnihikayat din ang mga kababaihan lalo na ngayong women's month.

Ilan sa mga free trainings na maaaring ma-avail sa mga Tech4Ed centers ang
basic Word Processing, troubleshooting,graphic design, canva editing tutorials at iba pa.

Target ng DICT na palawakin pa ang bilang ng mga Tech4Ed centers sa iba pang barangay sa Dagupan.

(Dagupan CIO News)

FAMILY PLANNING SERVICES AT LECTURES, ISINAGAWA BILANG BAHAGI NG NATIONAL WOMEN’S MONTHLibreng family planning services ...
23/03/2023

FAMILY PLANNING SERVICES AT LECTURES, ISINAGAWA BILANG BAHAGI NG NATIONAL WOMEN’S MONTH

Libreng family planning services at lectures tungkol sa kalusugan ang hatid ng City Population Office (CPO) nitong March 17 bilang bahagi ng selebrasyon ng National Women’s Month sa Dagupan City at ng Unliserbisyo sa Kalusugan program ni Mayor Belen Fernandez.

Katuwang ang City Health Office sa pangunguna ni Dr. Ophelia Rivera at City Nutrition Office sa pangunguna ni Ms. Ana Mariel Visperas, ibinahagi sa mga kababaihan ang mga serbisyo tulad ng implant insertion, implant removal, intra-uterine device removal,distribution ng oral contraceptive pills, injection ng depo medroxyprogesterone acetate at iba pa.

Mahalaga rin ang ginampanang tungkulin ng mga barangay service point officers sa pag-promote ng naturang aktibidad sa mga kababaihang dumalo, ayon kay City Population Officer Malen Pilon.

Mayroon namang 196 students mula Grades 7 to 12 ng St. Michael School by the Sea sa barangay Bonuan Gueset ang lumahok sa lectures tungkol sa sexual and reproductive health, HIV and AIDS at teen pregnancy na pinangunahan nina Population Program Officer III Irene Oreta at Population Program Officer I Althea Rei Ugaban. (Dagupan CIO News)

22/03/2023

FACEBOOK POST NI MAYOR BELEN, 'MEDYO
BELOW THE BELT', AYON KAY COUN. RED

Kinuwestiyon ni Coun. Red Erfe-Mejia ang itinuturing niyang 'medyo below the belt' na caption ni Mayor Belen T. Fernandez sa kanyang facebook live tungkol sa budget hearing na naganap nitong Martes, March 21, sa Sangguniang Panlungsod.

Upang maliwanagan ang 7 Majority, partikular na si Coun. Red, binasa ng alkalde ang buong caption na nilalaman ay ganito:

"PERSONAL NA PAKIUSAP KO SA 7 MAJORITY: APRUBAHAN NIYO NA SANA ANG BUDGET, HINDI PARA SA AKIN, KUNDI PARA SA TAUMBAYAN.

Oktubre 12, nakaraang taon, nang isumite natin ang kompletong dokumento sa mga miyembro ng sanggunian. Ngayong araw, March 21, 2023, lampas na rin sa limang buwan, subalit hindi pa naipasa ang ating budget dahil sa prosesong nahaluhan ng pulitika. Ikinalulungkot ko na nag-iisa na lamang po ang Dagupan sa buong Region 1 ang walang aprubadong budget, na dapat sana'y nagagamit na para sa serbisyong napapanahon sa ating mga kabaleyan.

Makuha po sana sila sa pakiusap na ito. This is my third time to face them and defend my budget. THIS IS ALL FOR YOU."

Ayon kay Mayor Belen, "totoo naman at walang kasinungalingang nilalaman ang naturang post".

Kinuwestiyon din ni Coun. Red ang mga katagang "hindi pa naipasa ang budget dahil sa prosesong nahaluan ng pulitika", kaya't paliwanag ng alkalde, "That is the truth... I was also a presiding officer, hindi naman tumatagal ng 6 months, hindi ganito kahaba, at araw-araw may budget hearing kami".

Dagdag pa ni Mayor Belen, "6 months (delayed) is 6 months of 1 year. This program is good for 1 year, ilang buwan na ngayon? 6 months na mula nung kami nagsubmit. 3 months na tapos na ang 1st quarter. Magkakaroon pa kami ng bidding process, programs na gagawin namin, and that would take another 60 days, so ang naiwan na sa amin ay 7 months."

Nilinaw din ni Mayor Belen na base sa Local Government Code at memorandum circular ng Department of Budget & Management, kompleto at naisumite na sa opisina ng 7 Majority noon pang October 12, last year, ang mga dokumentong kailangan sa pagpasa ng annual budget, partikular na ang Annual Investment Program (Integral Plans), Indicative Procurement Plan, Capacity Development Agenda at Devolution Transition Plan (DTP).

Matatandaan na March 2022 (3 months after deadline) na nang isumite ng nakaraang administrasyon ang kanilang DTP na "mandatory requirement" sa pagpasa ng annual budget, ayon sa kumpirmasyon ng DILG Region 1.

Ang pagsumite ng DTP sa tamang panahon ay pagsunod sa Executive Order No. 138 ni Pangulong Rodrigo Duterte base sa Mandanas Ruling ng Korte Suprema.

Watch full video here:

https://fb.watch/jqRf-mpEVZ/?mibextid=qC1gEa

PARA SA INYONG KAALAMAN: High tide schedule sa Dagupan sa HUWEBES (MARCH 23) para inyong mapaghandaan.source: Public Ale...
22/03/2023

PARA SA INYONG KAALAMAN:
High tide schedule sa Dagupan sa HUWEBES (MARCH 23) para inyong mapaghandaan.

source: Public Alert Response and Monitoring Center Dagupan

BALON DAGUPAN CHILDREN & YOUTH CHOIR,IPAPAMALAS ANG GALING SA AYALA MUSEUM 🎶Maipapamalas muli ng internationally-acclaim...
22/03/2023

BALON DAGUPAN CHILDREN & YOUTH CHOIR,
IPAPAMALAS ANG GALING SA AYALA MUSEUM 🎶

Maipapamalas muli ng internationally-acclaimed Balon Dagupan Children and Youth Choir (BDCYC) ang kanilang angking talent sa pag-awit sa isang concert entitiled ‘Bata Ang Bukas’ (The Children, Our Future) na isasagawa ng National Music Competitions for Young Artists (NAMCYA) sa April 29, 2023 sa Ayala Museum.

Ayon kay Ms. Virginia Llamas-Mendoza, conductor ng BDCYC, naimbitahan ang kanilang grupo upang mag-perform at i-represent ang Luzon sa nasabing event kasama ang University of the Philippines Cherubims and Seraphims at ang Loboc Children’s Choir.

Bahagi ito ng kick-off activities para sa 'Gintong Pamana: The 2023 NAMCYA Festivals and Competitions’ ng NAMCYA upang ipagdiwang ang kanilang 50 years ng pag-discover ng mga magagaling na musicians sa Pilipinas.

Nitong March 20 sa City Plaza, personal na nagpasalamat ang BDCYC sa love at support ni Mayor Belen Fernandez sa kanilang mga shows at competitions tulad na lamang noong December ng nakaraang taon kung saan nag-perform sila sa Family Style Fun Fest Night Market sa Rivergrove Lifestyle Center.

Hinirang na champion ang BDCYC sa iba’t-ibang national at international competitions tulad ng 1st Malaysia Festival Choir Competition, Children’s Choir Category noong 2016; National Music Competition for Young Artists, Children’s Category noong 2017; at sa Voyage of Songs, Junior Youth Category nitong 2019 sa Thailand.

(Dagupan CIO News)

DILG FUN RUN VS. ILLEGAL DRUGS, TODO-TODO NA ANG PREPARASYON! 🏃‍♀️🏃Todo-todo na ang preparasyon ng Department of the Int...
22/03/2023

DILG FUN RUN VS. ILLEGAL DRUGS,
TODO-TODO NA ANG PREPARASYON! 🏃‍♀️🏃

Todo-todo na ang preparasyon ng Department of the Interior and Local Government (DILG) at LGU-Dagupan para sa nalalapit na BIDA National Anti-illegal Drugs Advocacy campaign na pangungunahan mismo ni DILG Secretary Benhur Abalos.

Kahapon, Martes, March 21, ay nagsagawa muli ng coordination meeting sa pagitan ng lokal na gobyerno sa pamumuno ni Mayor Belen Fernandez at DILG Regional Office 1 sa pamumuno ni OIC Agnes de Leon kasama ang mga national government agencies tulad ng PNP, PDEA, BFP, BJMP, at iba pang stakeholders and partners.

Sa April 30 nakatakdang ganapin ang event at inaasahang dadaluhan tinatayang 10 thousand runners mula Dagupan at buong region 1.

Una na ring nagpahayag ng pakikipagtulungan dito ang mga siklista/runners ng Metro Dagupan Cycling Club Inc. (MDCCI) na sa naging pagpupulong nila kasama ni Mayor Belen

Iba't ibang aktibidad din ang inihahanda sa pagdalo ni Sec.Abalos sa Dagupan tulad ng imbitasyon ni Mayor Belen sa kalihim na pangunahan ang pagbubukas ng Balay Silangan Drug Reformation Facilty ng lungsod.

Makakasama rin si Sec.Abalos sa pagbabalik ng ipinagmamalaking Bangusan Street Party bilang highlight ng pagdiriwang ng Bangus Festival sa Dagupan.

(Dagupan CIO News)

PARA SA INYONG KAALAMAN: High tide schedule sa Dagupan sa MIYERKULES (MARCH 22) para inyong mapaghandaan.source: Public ...
21/03/2023

PARA SA INYONG KAALAMAN:
High tide schedule sa Dagupan sa MIYERKULES (MARCH 22) para inyong mapaghandaan.

source: Public Alert Response and Monitoring Center Dagupan

Address

AB Fernandez Avenue
Dagupan City
2400

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Dagupan City Information Office posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Dagupan City Information Office:

Share