16/09/2026
๐ฉท WEDNESDAY! CLINIC DAY! ๐ฉบโจ
Wednesday na naman, mga kabaleyans! Iba-iba man ang ating pinagdadaanan at pangangailangan, isa lang ang gusto ko, mapalapit sa inyo ang serbisyong medikal na tunay na makakatulong. ๐ฉท
Sa bawat pasyenteng pumupunta sa clinic, sa bawat kwento na aking napapakinggan, at sa bawat simpleng tanong tungkol sa kalusugan, lagi kong pinapaalala: huwag nating hintayin na lumala ang nararamdaman bago tayo magpatingin. Ang pag-aalaga sa kalusugan ay hindi lamang kapag may sakit, ito ay dapat nating ginagawa araw-araw. ๐ฉบ๐ท
Kaya ngayong Clinic Day, nandito po tayo para makinig, mag-check, magbigay ng payo, at higit sa lahat, samahan kayo sa pag-aalaga ng inyong kalusugan. Dahil para sa akin, ang bawat pasyente ay hindi lang numero o pangalan sa listahan, kayo ay taong may kwento, pamilya, pangarap, at buhay na dapat alagaan. โค๏ธ
At patuloy pa rin po ang ating mga serbisyong medikal:
๐ฉบ FREE MEDICAL CHECK-UP
๐ FREE HOME VISITS & CHECK-UP
โ๏ธ FREE MINOR SURGERY
๐ At iba pang serbisyong kaya nating maibahagi sa ating mga kabaleyans.
Kung hindi kayo makapunta, hanggaโt maaari, tayo ang lalapit sa inyo. Dahil ang pangakong ilalapit ang serbisyong medikal sa bawat tao ay patuloy nating isinasabuhay, hindi lang sa salita, kundi sa gawa. ๐ฉท
Hanggat kaya nating tumulong, tutulong tayo.
Hindi kailangang mag-isa sa pag-aalaga ng kalusugan. Hindi ka nag-iisa, andito si Doc Jaja. ๐ค๐ฉท
Happy Wednesday, mga kabaleyans! Alagaan natin ang ating sarili, ang ating pamilya, at ang isaโt isa. ๐ฉบ๐ท
Kay Doc Jaja, Alaga Ka. ๐ฉท