Kabataan Partylist Pangasinan

Kabataan Partylist Pangasinan Untatalindëg so Kalangwëran na Pangasinan!

🌊 ATIN ANG LINGAYEN GULF! IPAGTANGGOL ANG KARAGATAN, KABUHAYAN, AT KALIKASAN! 🌊Sa kasalukuyan, nahaharap sa matinding kr...
05/06/2026

🌊 ATIN ANG LINGAYEN GULF! IPAGTANGGOL ANG KARAGATAN, KABUHAYAN, AT KALIKASAN! 🌊

Sa kasalukuyan, nahaharap sa matinding krisis at banta ang ating karagatan dahil sa walang-pakundangan at agresibong panghihimasok ng mga dayuhang korporasyon at nandarambong sa ating likas-yaman. 🛑 Kasabay nito, nananatili at pinalalawig pa ang mga anti-mamamayang batas at patakaran sa pangisdaan na sa halip na umalalay ay patuloy na nagpapahirap, nagpapadapa, at nagbabaon sa utang sa ating mga lokal at maliliit na mangingisda sa buong probinsya ng Pangasinan. 🎣📉

Hindi natin maaaring hayaang magpatuloy ang ganitong sistema! ❌ Ang pananahimik sa harap ng pandarambong ay pagpapahintulot sa tuluyang pagkasira ng ating kinabukasan. 🌅

Kaya naman, buong-lakas na nagkakaisa ang mga Tanggol-Kalikasan, malawak na hanay ng mamamayan, mga progresibong Kabataan, at ang Kabataan Partylist Pangasinan upang buuin ang isang matatag na pader ng paninindigan! ✊❤️‍🔥 Narito tayo upang ipaglaban at ipagtanggol ang ating karagatan, ang ating mga pook-pangisdaan, ang paninirahan ng mga komunidad sa baybayin, ang kabuhayan ng libu-libong pamilyang umaasa sa dagat, at ang pangkalahatang kalusugan ng ating kapaligiran! 🏝️🐟🌱



💻 ONLINE EDUCATIONAL DISCUSSION!📌  Mercenary Traditions of AFP-PNP⏰ 7:00 PM | June 04, 2026Sa gitna ng mga krisis na ati...
03/06/2026

💻 ONLINE EDUCATIONAL DISCUSSION!
📌 Mercenary Traditions of AFP-PNP
⏰ 7:00 PM | June 04, 2026

Sa gitna ng mga krisis na ating kinakaharap, natural lang na humingi tayo ng konkretong solusyon. Pero bakit sa halip na tulong, ang isinasagot sa atin ay pananakot at pagpapatahimik? 🤐💥 Sapat na ba ang linyang "To Serve and Protect" kung ang pinoprotektahan lang naman ay ang interes ng iilang makapangyarihan? 🤔🏛️

Huwag nating hayaang masakal ng pasismo ang ating kinabukasan! Gisingin ang diwa ng pagiging kritikal. Halina't hihimayin natin ang kasaysayan at ang tunay na gampanin ng militar at kapulisan sa kurso ng pakikibaka ng sambayanang Pilipino. 🇵🇭💪

IKAW BA AY ISANG 𝓜𝓪𝓷𝓾𝓷𝓾𝓵𝓪𝓽?📝 𝓔𝓭𝓲𝓽𝓸𝓻?💻 𝓐𝓻𝓽𝓲𝓼𝓽𝓪?🎨 May lugar ka dito sa 𝐊𝐚𝐛𝐚𝐭𝐚𝐚𝐧 𝐏𝐚𝐫𝐭𝐲𝐥𝐢𝐬𝐭 𝐏𝐚𝐧𝐠𝐚𝐬𝐢𝐧𝐚𝐧! ✨✊🏻Sa layunin nating...
02/06/2026

IKAW BA AY ISANG 𝓜𝓪𝓷𝓾𝓷𝓾𝓵𝓪𝓽?📝 𝓔𝓭𝓲𝓽𝓸𝓻?💻 𝓐𝓻𝓽𝓲𝓼𝓽𝓪?🎨 May lugar ka dito sa 𝐊𝐚𝐛𝐚𝐭𝐚𝐚𝐧 𝐏𝐚𝐫𝐭𝐲𝐥𝐢𝐬𝐭 𝐏𝐚𝐧𝐠𝐚𝐬𝐢𝐧𝐚𝐧! ✨✊🏻

Sa layunin nating ilaban ang ating karapatan sa libre at dekalidad na edukasyon at sa lipunang malaya, kinakailangan ang kabataan na handang isulong ang kanilang karapatan at isigaw ang boses! Ipamalas ang ‘yong galing sa sining para sa adbokasiya ng bawat kabataan sa pangasinan, at maging bahagi ng kabataang lumalaban!

sign-up here:
bit.ly/JoinKPLPang
bit.ly/JoinKPLPang
bit.ly/JoinKPLPang

LABAN KABATAAN!
ARTISTA NG BAYAN! NGAYON AY LUMALABAN!

Ngayong ika-28 ng Mayo naging tanyag na usapin ang kaguluhan sa pamamahagi ni District 4 Congresswoman Manay Gina de Ven...
28/05/2026

Ngayong ika-28 ng Mayo naging tanyag na usapin ang kaguluhan sa pamamahagi ni District 4 Congresswoman Manay Gina de Venecia ng education assistance sa mga kabataan-estudyanteng nasa kolehiyo. Ngunit mapagaalaman na 500 lamang na mga indibidwal ang makakatanggap nito na walang notisya sa mga pumila mula Mangaldan, Manaoag, San Jacinto at San Fabian, kaya umuwi ang marami na dismaya at pagod lamang.

Tama ba ang ganitong sistema na kinakailangan na magunahan at makipag-agawan para sa tulong pinansyal na bahagi na dapat ng malawak na suporta para sa edukasyon?

Hindi! Ang sistema ng edukasyon ay dapat may pambansa, siyentipiko at maka-masang karakter, na tinutugtunan ang pangangailangan ng bawat kabataan-estudyante na makatanggap ng libre, dekalidad at aksesibol na pag-aaral. Ngunit hanggang ngayon ay hindi parin makatotohanan ang pangako ng libreng edukasyon sa bansa, nananatiling KOLONYAL, KOMERSYALISADO at REPRESIBO ang ating edukasyon, na tratuhin itong produktong binibili sa pribadong institusyon o kaya ay magtiis sa napakaliit na badyet at limitadong slots sa mga pampublikong pamantasan. Ito ba ang edukasyon na hinahangad natin, substandard ang kalidad at pagka-graduate ay barya-baryang sahod ang matatanggap natin.

Hindi na lingid sa kaalaman ng mga kabataan at ng kanilang mga magulang ang krisis sa edukasyon, kaya naman kumakapit tayo sa kahit anong tulong na ihain sa atin dahil liban sa paminsan-minsang mga stipend ay wala naman talagang nakukuha ang mga pamilya upang i-garantisa na ang mga kabataan ay nakakapag-aral hanggang kolehiyo. Kapabayaan ito ng estado at sistemang nananatiling naglilingkod sa interes ng iilang mga korap at mayayaman habang naiiwan sa ere ang karaniwang mamamayan na mag-agawan sa kanilang barya-baryang "tulong".

Kaya ang Kabataan Partylist Pangasinan ay naninindigan na isulong ang ika-1 punto ng Youth Agenda; Edukasyong Libre, Dekalidad at Abot-Kamay para sa Lahat, kung saan ipinaglalaban natin ang dagdag at sapat na pondo sa edukasyon, pagtutol sa lumulubhang pribatisasyon ng edukasyon, pagprotekta sa demokratikong karapatan ng kabataan sa loob ng pamantasan at pagsusulong ng isang sistema sa edukasyong huhubog sa kabataan na paunlarin ang lipunan. Sa nagkakaisang pagkilos ng mamamayan ay ating itataguyod ang adhikain ng kabataan at sa ganitong paraan lamang masasabi ng bawat kabataan na siya ay may inaasahang maaliwalas na kinabukasan, malaya sa pangamba kung makakakuha ba sya ng stipend o makakapagtapos ng pag-aaral.

𝗘𝗗𝗨𝗞𝗔𝗦𝗬𝗢𝗡, 𝗞𝗔𝗥𝗔𝗣𝗔𝗧𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗠𝗔𝗠𝗔𝗠𝗔𝗬𝗔𝗡!
𝗣𝗔𝗚-𝗔𝗦𝗔 𝗡𝗚 𝗕𝗔𝗬𝗔𝗡, 𝗞𝗔𝗕𝗔𝗧𝗔𝗔𝗡!


ALERT: Umalma ang ​Kabataan Partylist Pangasinan sa ginawang pagmamanman ng mga pinaghihinalaang intel ng PNP Dagupan Ci...
30/04/2026

ALERT: Umalma ang ​Kabataan Partylist Pangasinan sa ginawang pagmamanman ng mga pinaghihinalaang intel ng PNP Dagupan City sa mga kabataang environmental defenders ngayong Abril 30.

​Habang mapayapang isinasagawa ng mga volunteer ng Pangasinan People’s Strike for the Environment ang kanilang mga aktibidad para sa kalikasan na ginanap kasabay ng Bangus Festival, sinundan at binantayan sila ng mga nasabing operatiba.

​Hindi makatarungan ang ginawang pagsubaybay sa mga kabataang nagsusulong lamang ng positibong pagbabago. Ang walang pahintulot na pagkuha ng litrato sa mga volunteers ay isang malinaw na anyo ng intimidasyon at paglabag sa kanilang karapatan, lalo’t maayos at legal ang kanilang pagkilos.

​Ang pagtatanggol sa kalikasan ay hindi krimen. Ang tunay na banta ay ang mga nanggigipit sa mga nagsusulong lamang ng mas malinis at ligtas na kinabukasan.

​DEFEND ENVIRONMENTAL DEFENDERS!
STOP THE HARASSMENT!

𝐃𝐄𝐅𝐄𝐍𝐃 𝐄𝐍𝐕𝐈𝐑𝐎𝐍𝐌𝐄𝐍𝐓𝐀𝐋 𝐃𝐄𝐅𝐄𝐍𝐃𝐄𝐑𝐒! 𝐃𝐄𝐅𝐄𝐍𝐃 𝐏𝐀𝐍𝐆𝐀𝐒𝐈𝐍𝐀𝐍!𝗬𝗼𝘂𝘁𝗵 𝗦𝘁𝗮𝗻𝗱 𝗔𝗴𝗮𝗶𝗻𝘀𝘁 𝗦𝘁𝗮𝘁𝗲 𝗙𝗮𝘀𝗰𝗶𝘀𝗺 𝗮𝗻𝗱 𝗨𝗽𝗵𝗼𝗹𝗱 𝗗𝗲𝗺𝗼𝗰𝗿𝗮𝘁𝗶𝗰 𝗥𝗶𝗴𝗵𝘁𝘀In this ...
05/04/2026

𝐃𝐄𝐅𝐄𝐍𝐃 𝐄𝐍𝐕𝐈𝐑𝐎𝐍𝐌𝐄𝐍𝐓𝐀𝐋 𝐃𝐄𝐅𝐄𝐍𝐃𝐄𝐑𝐒! 𝐃𝐄𝐅𝐄𝐍𝐃 𝐏𝐀𝐍𝐆𝐀𝐒𝐈𝐍𝐀𝐍!
𝗬𝗼𝘂𝘁𝗵 𝗦𝘁𝗮𝗻𝗱 𝗔𝗴𝗮𝗶𝗻𝘀𝘁 𝗦𝘁𝗮𝘁𝗲 𝗙𝗮𝘀𝗰𝗶𝘀𝗺 𝗮𝗻𝗱 𝗨𝗽𝗵𝗼𝗹𝗱 𝗗𝗲𝗺𝗼𝗰𝗿𝗮𝘁𝗶𝗰 𝗥𝗶𝗴𝗵𝘁𝘀

In this season of Lent, a time of reflection, sacrifice, and truth we are reminded that suffering and injustice persist not only in history, but in our present reality. The people of Pangasinan continue to endure state neglect and repression. On March 24, 2024, youth environmental defenders Eco Dangla, Lead Convener of the Pangasinan People’s Strike for the Environment, and Jak Tiong, former coordinator of Kabataan Partylist–Pangasinan, were abducted in San Carlos City. Their disappearance stands as a grave violation of human rights and a stark reminder of the dangers faced by those who defend our environment and our communities.

𝗧𝗵𝗲 𝗨𝗻𝘄𝗮𝘃𝗲𝗿𝗶𝗻𝗴 𝗦𝘁𝗿𝘂𝗴𝗴𝗹𝗲 𝗼𝗳 𝘁𝗵𝗲 𝗣𝗮𝗻𝗴𝗮𝘀𝗶𝗻𝗮𝗻 𝗬𝗼𝘂𝘁𝗵

Despite threats, intimidation, and violence, the youth of Pangasinan remain resolute. Our collective struggle continues as we hold the Marcos-Duterte regime accountable for systemic corruption, failed flood control projects, and the worsening environmental destruction in our province. From the highest officials to local enablers, we demand accountability and justice. The fight for environmental protection is inseparable from the fight for genuine democracy and people’s rights.

𝗝𝘂𝘀𝘁𝗶𝗰𝗲 𝗳𝗼𝗿 𝗘𝗰𝗼 𝗮𝗻𝗱 𝗝𝗮𝗸! 𝗖𝗼𝗻𝘁𝗶𝗻𝘂𝗲 𝘁𝗵𝗲 𝗙𝗶𝗴𝗵𝘁!

Two years have passed, yet justice remains elusive. The case of Eco and Jak continues to echo across communities, fueling the call to end destructive projects such as black sand mining in the Lingayen Gulf, which threatens both livelihoods and ecosystems. Their courage lives on in the growing movement of youth and people determined to defend our land, our rights, and our future.

Now is the time to intensify our calls:
𝗗𝗲𝗳𝗲𝗻𝗱 𝗘𝗻𝘃𝗶𝗿𝗼𝗻𝗺𝗲𝗻𝘁𝗮𝗹 𝗗𝗲𝗳𝗲𝗻𝗱𝗲𝗿𝘀!
𝗦𝘂𝗿𝗳𝗮𝗰𝗲 𝗮𝗹𝗹 𝗗𝗲𝘀𝗮𝗽𝗮𝗿𝗲𝗰𝗶𝗱𝗼𝘀!
𝗘𝗻𝗱 𝗦𝘁𝗮𝘁𝗲 𝗙𝗮𝘀𝗰𝗶𝘀𝗺!
𝗗𝗲𝗳𝗲𝗻𝗱 𝗣𝗮𝗻𝗴𝗮𝘀𝗶𝗻𝗮𝗻!


LABANAN ANG OIL PRICE HIKE, JUNK VAT AND EXCISE TAX! MAKIISA SA WELGA NG TSUPER!Nagpahayag ng pakikiisa ang Kabataan Par...
19/03/2026

LABANAN ANG OIL PRICE HIKE, JUNK VAT AND EXCISE TAX! MAKIISA SA WELGA NG TSUPER!

Nagpahayag ng pakikiisa ang Kabataan Partylist (KPL) Pangasinan sa isinasagawang transport strike o welga ng sektor ng transportasyon ngayong araw. Sa gitna ng sunod-sunod na pagtaas ng presyo ng krudo, naniniwala ang grupo na ang laban ng mga tsuper ay laban din ng bawat estudyante at pamilyang Pilipino. Ang pakikilahok ng kabataan sa mga aktibidad gaya ng pamumolyeto ay layong ipakita na hindi hiwalay ang krisis sa paaralan sa krisis na nararanasan ng mga nasa manibela, lalo na sa mga ruta ng transportasyon sa buong lalawigan.

Upang tugunan ang krisis na ito, kaisa ang Kabataan Partylist Pangasinan sa pagpapasada ng 6-point demand ng transport strike. Kabilang dito ang pagwakas sa gerang agresyon ng US-Israel sa Iran na nagpapataas sa presyo ng langis sa mundo, at ang kagyat na pagtataas ng sahod at kita ng mga manggagawa. Ipinapanawagan din ang pagkontrol sa presyo ng mga batayang bilihin, ang pagtatanggal ng 12% VAT at excise tax sa langis, at ang pagbibigay ng sapat na ayuda para sa mga mahihirap. Higit sa lahat, iginiit ng grupo ang pagbasura sa Oil Deregulation Law at iba pang neoliberal na polisiya na nagsisilbi lamang sa interes ng malalaking korporasyon sa halip na sa masang anakpawis.

Bilang pagtatapos, nananawagan ang Kabataan Partylist Pangasinan sa malawak na hanay ng mga estudyante at mamamayan ng probinsya na ibigay ang kanilang buong suporta sa nagaganap na welga. Ang pagtindig kasama ang sektor ng tsuper ay pagtindig para sa makatarungang presyo ng krudo. Hinihikayat ang lahat na makiisa sa panawagan para sa pambansang demokrasya at kabuhayan, at huwag hayaang mag-isa ang sektor ng transportasyon sa kanilang makatarungang laban para sa dignidad at hustisya sa gitna ng kalsada.



𝐏𝐀𝐆𝐓𝐀𝐀𝐒 𝐍𝐆 𝐓𝐔𝐈𝐓𝐈𝐎𝐍 𝐅𝐄𝐄? 𝐏𝐀𝐆-𝐔𝐒𝐀𝐏𝐀𝐍 𝐍𝐀𝐓𝐈𝐍 '𝐘𝐀𝐍!Alinsunod sa anunsyo ng University of Pangasinan na magkakaroon ng 5% tuit...
03/03/2026

𝐏𝐀𝐆𝐓𝐀𝐀𝐒 𝐍𝐆 𝐓𝐔𝐈𝐓𝐈𝐎𝐍 𝐅𝐄𝐄? 𝐏𝐀𝐆-𝐔𝐒𝐀𝐏𝐀𝐍 𝐍𝐀𝐓𝐈𝐍 '𝐘𝐀𝐍!

Alinsunod sa anunsyo ng University of Pangasinan na magkakaroon ng 5% tuition fee increase na epektibo sa akademikong taon 2026-2027, inaanyayahan namin ang bawat isa na dumalo sa konsultahan kabataan na magaganap sa sabado, March 7, 2026 via Google meet.

Ating pakikinggan ang hinaing ng sangkaestudyantehan patungkol sa isyung matrikula, alamin ang tunay na kalagayan, at puntuhin ang mga salik at epekto nito sa komunidad. Palalimin ang kaalaman, dumalo sa konsultahan kabataan!

Mag pa-rehistro dito:
https://docs.google.com/forms/d/e/1FAIpQLSdV2YYyEgtjk6SdBqoQ-nQbNXmNygm4HsqX8fdZvWaLbF-1KA/viewform?usp=send_form&usp=embed_facebook



𝐈𝐓𝐀𝐋𝐈𝐍𝐃𝐄𝐆 𝐒𝐀𝐘 𝐍𝐔𝐍𝐎𝐓 𝐘𝐀 𝐄𝐃𝐒𝐀! 𝐊𝐀𝐁𝐀𝐓𝐀𝐀𝐍𝐆 𝐏𝐀𝐍𝐆𝐀𝐒𝐈𝐍𝐀𝐍, 𝐁𝐀𝐆𝐔𝐇𝐈𝐍 𝐀𝐍𝐆 𝐁𝐔𝐋𝐎𝐊 𝐍𝐀 𝐒𝐈𝐒𝐓𝐄𝐌𝐀!Nagtipon-tipon ang mga kasapi ng Kabataa...
26/02/2026

𝐈𝐓𝐀𝐋𝐈𝐍𝐃𝐄𝐆 𝐒𝐀𝐘 𝐍𝐔𝐍𝐎𝐓 𝐘𝐀 𝐄𝐃𝐒𝐀! 𝐊𝐀𝐁𝐀𝐓𝐀𝐀𝐍𝐆 𝐏𝐀𝐍𝐆𝐀𝐒𝐈𝐍𝐀𝐍, 𝐁𝐀𝐆𝐔𝐇𝐈𝐍 𝐀𝐍𝐆 𝐁𝐔𝐋𝐎𝐊 𝐍𝐀 𝐒𝐈𝐒𝐓𝐄𝐌𝐀!

Nagtipon-tipon ang mga kasapi ng Kabataan Partylist Pangasinan at Anakbayan Pangasinan sa Dagupan City Plaza, upang ikomemora ang ika-apatnapung anibersaryo ng EDSA People Power Revolution—ang pagpapatalsik ng mamamayang pilipino sa diktaduryang Marcos Sr.. Inumpisahan ang programa sa isang makabuluhang pag-awit sa kantang Aklasan ng Sinagbayan at Balang Araw ni Ericson Acosta. Kasabay ng awitin ang sigaw ng bawat kabataan na panagutin lahat ng sangkot at wakasan ang kurapsiyon ng mga naghaharing-uri .

Kasunod nito ang pagsindi at pag-alay ng kandila para sa pag-alala sa mga biktima ng rehimeng Marcos at Duterte. Itinaas ng bawat isa ang mga karatulang ukit ang daing na pabagsakin ang imperyalismo, pyudalismo, burukrata kapitalismo na siyang ugat ng kahirapan ng mamamayang pilipino. Kargada ng bawat isa ang kaapuyan sa panunupil ng walang katapusang krisis sa edukasyon at pamomolestya sa ating yamang kalikasan na hanggang ngayon ay ating nasasaksihan.

Kasangga ang bawat kabataan, tayo ay patuloy na lumalaban at nagsisilbing boses ng mamamayang api, sa pag-uga sa patuloy na panggigipit ng mapang-abusong sistema. 𝘼𝙣𝙜 𝙩𝙖𝙤, 𝙖𝙣𝙜 𝙗𝙖𝙮𝙖𝙣, 𝙣𝙜𝙖𝙮𝙤𝙣 𝙖𝙮 𝙡𝙪𝙢𝙖𝙡𝙖𝙗𝙖𝙣!



Address

Burgos St. Dagupan City
Dagupan City
2400

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Kabataan Partylist Pangasinan posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Kabataan Partylist Pangasinan:

Share