07/10/2026
βπππππ πππππ ππππππππππππβ πππππππ πππππ πππ πππππππππ ππππππ ππ π,πππ ππππππππ ππ ππππππππππ
πππππππ | Umaabot hanggang barangay ang suporta ng national government sa pamamagitan ng Bawat Bayan Makikinabang (BBM) Program, na naglalaan ng tig-β±200,000 para sa bawat isa sa 1,333 barangay sa Pangasinan upang makatugon sa kanilang mga prayoridad na pangangailangan at masuportahan ang edukasyon ng mga kabataan.
Ayon kay Office of the Executive Secretary Undersecretary Facundo Palafox IV, bahagi ito ng direktiba ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na mas ilapit ang mga programa at serbisyo ng national government sa mga komunidad, hanggang sa pinakamababang antas ng pamahalaan.
Sa bawat barangay, β±100,000 ang inilaan para sa mga prayoridad na proyekto at pangangailangan ng komunidad, habang ang β±100,000 ay nakalaan para sa limang Presidential Scholars na tatanggap ng tig-β±20,000 na educational assistance.
Sa ganitong paraan, sabay na napapalakas ang kakayahan ng mga barangay na tugunan ang kanilang lokal na pangangailangan at nabibigyan ng dagdag na suporta ang mga kabataang nangangailangan upang maipagpatuloy at makumpleto ang kanilang pag-aaral.
Sa Pangasinan, direktang nakararating ang tulong sa mga barangayβpara sa pangangailangan ngayon at puhunan sa kinabukasan ng mga kabataan. (JCDR)