12/06/2026
PINAGTIBAY NA SAMAHAN NG SK CARAEL, PATYVOC at CARING FOR THE CHILDREN AND YOUTH SOCIETY INC. PARA SA KOMUNIDAD!🤝
Sa isang makabuluhang hakbang para sa serbisyong panlipunan, pinagtibay ng Sangguniang Kabataan (SK) ng Carael sa pamumuno ni SK Chairman John Patrick D. De Vera, Passionate, Altruistic, and Trustworthy Youth Volunteers Organization of Carael (PATYVOC) sa pamumuno ni Ms. Stephanie E. Bautista at Caring for the Children and Youth Society Inc. sa pamumuno ni Punong Barangay Pheng S. Delos Santos ang kanilang Memorandum of Agreement ngayong umaga, June 12, 2026 na naglalayong palakasin ang tuloy-tuloy na suporta sa mga batang nasa pangangailangan.
Matapos ang MOA signing, agad nagtungo ang mga opisyales sa Sitio Talaib West at nagsagawa ng pamimigay ng 60 food packs at pares ng tsinelas para sa mga bata. Tinukoy ng mga opisyal ang aktibidad bilang simula ng mas malawak na kooperasyon na magtutuon sa kapakanan ng kabataan, pagpapalaganap ng volunteerism, at pagpapaigting ng lokal na kapasidad sa pagtugon sa krisis.
Nagpasalamat ang mga residente sa agarang aksyon at hinikayat ang pagpapatuloy ng mga programang magdudulot ng pangmatagalang benepisyo para sa barangay.