15/03/2023
MGA MAHAL NAMING 5,000+ OLD & NEW SCHOLARS, PARA PO SA INYO ITO. 🫶
Good morning, my Dear Colleagues.
On behalf of my fellow SK chairpersons and all the young Dagupeňos in our respective 31 barangays, I would like to say thank you for allowing me to use this privilege as my way to express our sentiments.
Anu-ano nga ba ang mga sentimyento ng mga kapwa ko kabataan? Well, please allow to me just put it this way, because it’s already obvious…Kasi yung mga salitang “mabagal, walang puso at namumulitika na lamang ang majority kaya nabiktima tuloy ang mga aspiring scholars, pati sports nadamay at ibang programang pang-kabataan nawala” etc. etc… actually, hindi na po mabilang ang mga ganitong klaseng mensahe na aking nababasa at naririnig, lalong lalo na sa mga nakakasalamuha ko araw-araw.
It's easy to ignore these things, or treat it like it’s normal because that’s part of politics. We can choose to do that. But what we can no longer afford to ignore right now is the fact that it has been five months already since the Local Development Council, which also includes us (the Sangguniang Kabataan) submitted the complete requirements that are needed for the “supposed” fast approval of the 2023 budget.
We did that sometime in October 12, last year, as our direct participation to this whole process. That’s also aside from the fact that we submitted our SK annual budget last January, while two barangays submitted their budget this February, 2023. Of course, we are absolutely aware of the political conflicts here in sanggunian, and we never denied that.
Yes, we never denied that, but as hopeful as we can be, lalo na ang mga aspiring scholars, we believed and trusted that our elder brothers and sisters here in the majority, are still capable of caring for us, because deep down inside our minds and hearts, iniisip din naming,
“PULITIKA LANG NAMAN 'YAN, NAUUNAWAAN NAMAN NILA SIGURO ANG AMING KALAGAYAN, DAHIL MGA MAGULANG DIN SILA. WALA NAMAN SIGURONG MAGULANG NA AYAW PAG-ARALIN ANG KANYANG MGA ANAK?"
Hindi pa ako magulang sa ngayon, subalit naramdaman ko sa aking mga magulang ang kanilang pagmamahal sa pamamagitan ng pagpapaaral sa akin. And they pushed me to study in the best schools here in Dagupan City, not only because they love me, but also because they believe in me.
Ganun din po ang pananaw namin sa aming mga magulang o elder brothers and sisters dito sa sanggunian. Kaya't taus-puso po kaming nananawagan sa aming mga kasamahan dito sa sanggunian, lalong lalo na po sa ating mga majority councilors, at maging sa mga kasamahan ko po sa minority na kinikilala naming kakampi sa pagsubok na haharapin naming bilang mga kabataan.
Subalit papaano na kung marami na sa amin ang nawalan na rin ng tiwala? Papaano na yung kasabihang, “ang kabataan ay pag-asa ng bayan”.
Papaano na kaya kami magiging pag-asa ng Dagupan kung kayong mga elders namin ang mismong nagpapabaya sa amin? Hindi po ba dapat na kayo ang nangungunang nagtataguyod ng aming kapakanan?
Subalit sa nakikita at nauunawaan ng maraming kapwa ko kabataan, ay lumalabas na mali po at nakakahiya tayo dahil sa bangayan dito, bangayan doon, only to realize at the end of the day, na wala naman palang pinuntahang mabuti ang naging awayan. ‘Yan po ang reyalidad ng maraming kabataan.
At papaano na rin kaya kung yung mga negatibong naririnig namin tungkol sa majority ay madalas pa rin naming maririnig sa mga susunod na araw? Sigurado akong hindi kagustuhan ito ng majority at dedepensa na panay kasinungalingan lang ang mga salitang yun. And it goes on and on, and on. Wala nang katapusan, and yes, ganun din naman kahit papaano sa case ng minority.
I may be young, pero para kasing ganito po ang simpleng unawa ko diyan: “pag nag-aaway ang mga magulang, higit na apektado ang mga anak.” Ganito ngayon ang kalagayan ng buong Dagupan… lahat na po apektado, lalo na ang mga aspiring new scholars.
Mr. Chair, I’m saying all these things, knowing that I do not hold the key to a peaceful agreement between two giant political parties here in Dagupan City.
I am only here to represent the unheard voices of my fellow youth, and with that, forgive me if I will not be entertaining questions after my speech, as I also think this would just prevent us from tackling the annual budget, which is our main agenda.
I believe that’s all, Mr. Chair. Thank you.
Privilege speech of SK Pres. Joshua Bugayong
"Kabataan para sa kaunlaran, suporta ay kailangan"
Sangguniang Panlungsod - Dagupan City
07 March 2023