CNPPO Women's Support Network

CNPPO Women's Support Network Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from CNPPO Women's Support Network, Law enforcement agency, Camp Wenceslao Q Vinzons Sr, Daet.

01/04/2026
LOOK: On March 27, 2026, at about 8:00 AM, the Provincial Investigation and Detective Management Unit (PIDMU), led by PM...
01/04/2026

LOOK: On March 27, 2026, at about 8:00 AM, the Provincial Investigation and Detective Management Unit (PIDMU), led by PMAJ Conrado R De Vera Jr., Acting Chief, conducted a seminar for policewomen from the Provincial Headquarters, CN 1st and 2nd PMFC, and NASO/NOSU.
The program formally opened with an invocation by NUP Jellie C España, followed by welcome remarks from PCPT Rossland S Gonzales, Assistant Unit Chief of PIDMU. The presentation of participants was led by PCPT Farah Johann B Horca, Chief of the Women and Children Protection Desk.
The keynote message was delivered by Mrs. Marilou V. Rosero, President of the PNP OLCFI Camarines Norte, who emphasized the importance of empowerment, vigilance, and preparedness among policewomen.
A comprehensive lecture on Personal Security Awareness was conducted by PMAJ Emil Yebra, Assistant Unit Chief of PIU. The discussion highlighted situational awareness, threat identification, risk assessment, and practical safety strategies applicable both on and off duty. Emphasis was placed on proactive measures and maintaining alertness in various environments.
The activity concluded with an interactive self-defense demonstration facilitated by PMSg Roque Naing, a certified PNP Taekwondo instructor. Participants actively engaged in hands-on exercises, learning effective techniques to enhance their confidence and readiness in addressing real-life security threats.

CNPPO, NAKA-ALERTO SA SUMVAC 2026 AT PAGGUNITA NG SEMANA SANTACamarines Norte – Bilang bahagi ng pinaigting na seguridad...
01/04/2026

CNPPO, NAKA-ALERTO SA SUMVAC 2026 AT PAGGUNITA NG SEMANA SANTA
Camarines Norte – Bilang bahagi ng pinaigting na seguridad ngayong panahon ng Summer Vacation (SUMVAC) 2026 at paggunita ng Semana Santa, mahigpit na ipinatutupad ng Camarines Norte Police Provincial Office ang seguridad at kaayusan sa buong lalawigan sa ilalim ng pamumuno ni PCOL PAUL F ABAY, Provincial Director.
Kaugnay nito, nagdeploy ang CNPPO ng sapat na bilang ng kapulisan sa mga pangunahing lansangan, terminal, simbahan, pasyalan, at iba pang matataong lugar upang matiyak ang kaligtasan at kapayapaan ng publiko. Nakapuwesto rin ang mga Police Assistance Desk (PAD) sa mga strategic areas upang agarang makatugon sa anumang pangangailangan at insidente.
Bukod dito, mahigpit ding binabantayan ng kapulisan ang mga lugar ng paliguan gaya ng mga resort, ilog, at dagat na inaasahang dadagsain ng mga bakasyunista upang maiwasan ang anumang aksidente at mapanatili ang kaayusan sa nasabing mga lugar.
Pinaiigting din ang police visibility sa pamamagitan ng foot at mobile patrols, gayundin ang pakikipag-ugnayan at koordinasyon sa mga katuwang sa pagpapanatili ng kaayusan at seguridad, kabilang ang mga force multipliers, radio groups, iba pang law enforcement agencies, at mga katuwang na ahensya ng pamahalaan upang matiyak ang maayos at ligtas na pagdiriwang sa buong lalawigan.
“Ang CNPPO ay nananatiling nakaantabay 24/7 upang matiyak ang seguridad ng bawat mamamayan at biyahero. Hinihikayat din namin ang publiko na makipagtulungan sa kapulisan at agad ireport ang anumang kahina-hinalang aktibidad sa kanilang lugar.” – PCOL ABAY.
Kasabay nito, pinaalalahanan ang publiko na maging mapagmatyag laban sa mga insidente ng pagnanakaw, budol-budol, at iba pang panlilinlang na maaaring isagawa ng mga mapagsamantalang indibidwal sa gitna ng selebrasyon. Iminumungkahi na iwasan ang pagpapakita ng mahahalagang gamit, maging mapanuri sa pakikipagtransaksyon sa hindi kakilala, at tiyaking ligtas ang mga personal na ari-arian sa lahat ng oras.
Dagdag pa rito, hinihikayat din ang publiko na sundin ang mga umiiral na batas trapiko at pairalin ang disiplina upang maiwasan ang anumang hindi inaasahang insidente.
Tiniyak ng CNPPO ang kahandaan at dedikasyon sa pagbibigay ng ligtas, maayos, at mapayapang pagdiriwang ng SUMVAC 2026 at Semana Santa para sa lahat.

PNP Kasurog Bicol

Camarines Norte-  Patuloy na pinatutunayan ng CNPPO ang matibay na paninindigan sa pagsuporta sa edukasyon ng kabataan s...
01/04/2026

Camarines Norte- Patuloy na pinatutunayan ng CNPPO ang matibay na paninindigan sa pagsuporta sa edukasyon ng kabataan sa pamamagitan ng kanilang mga programang pang-iskolar, partikular ang Project T.A.N.G.L.A.W. at Project A.G.A.P.A.Y.
Nitong Marso 30 hanggang 31, 2026, sabay-sabay na ipinagdiwang ng iba’t ibang himpilan ng pulisya sa lalawigan ng Camarines Norte ang mga tagumpay ng kanilang mga benepisyaryong mag-aaral na nagkamit ng karangalan at nakapagtapos sa elementarya at sekondarya.
Sa bayan ng Capalonga, sa pangunguna ni PCPT JOSELITO R JUEVES, ACOP, nakiisa ang Capalonga Municipal Police Station sa Recognition Rites ni James Dan G. Azuala, isang Grade 4 student mula sa Esturas-Nabata Elementary School, Brgy. Catioan, na nagtamo ng parangal na With Honors.
Samantala, sa bayan ng San Lorenzo Ruiz, matagumpay na nakapagtapos ng elementarya ang iskolar na si Jeyrico G. Sagario sa ilalim ng Project T.A.N.G.L.A.W., na patuloy pang susuportahan ng programa hanggang sa kanyang sekondaryang edukasyon.
Sa bayan ng Labo, nasaksihan ng mga kawani ng Labo Municipal Police Station ang pagkamit ni Samantha Ariane Honrubia, Grade 7 student ng Labo Science and Technology High School, ng parangal na With High Honors, bilang patunay ng kanyang sipag at determinasyon sa kabila ng mga pagsubok sa buhay.
Gayundin, ang 1st CNPMFC, nagtapos ng elementarya si Meynard O. Sarical, benepisyaryo ng Project A.G.A.P.A.Y., sa ginanap na seremonya sa Don S. Carranceja Memorial School. Ang kanyang tagumpay ay sumasalamin sa layunin ng programa na gabayan at suportahan ang mga kabataang nangangailangan.
Sa bayan ng Paracale naman, ipinagdiwang ang pagtatapos ni Angela Aguilar Patriarca sa Tawig Elementary School, kung saan siya ay kinilala bilang isa sa mga matagumpay na iskolar ng Project T.A.N.G.L.A.W., na sinuportahan ng Paracale Municipal Police Station.
Ang Project T.A.N.G.L.A.W. (“Tabang sa Aki na Nangangaipo, Ginhawa asin Liwanag ang Maitatao para Wakasan ang Pagtios, Giya sa Pag-asenso”) at Project A.G.A.P.A.Y. (“Alay at Gabay upang Ating Kabataa’y Pag-aralin at Arugain na maging Yaman ng Ating Bayan”) ay mga programang naglalayong magbigay ng gabay, suporta, at inspirasyon sa mga kabataang Pilipino upang maabot ang kanilang mga pangarap sa pamamagitan ng edukasyon.
Ang mga tagumpay na ito ay patunay na sa tulong ng sama-samang pagkilos, malasakit, at dedikasyon ng kapulisan at komunidad, ang bawat batang Pilipino ay may kakayahang magtagumpay at magkaroon ng mas maliwanag na kinabukasan.
Tiniyak ng CNPPO na magpapatuloy ang buong suporta sa mga iskolar ng nasabing mga programa bilang bahagi ng kanilang adhikain na makapag-ambag sa paghubog ng isang mas maunlad at ligtas na lipunan.

Camarines Norte- Patuloy na pinatutunayan ng CNPPO ang matibay na paninindigan sa pagsuporta sa edukasyon ng kabataan sa pamamagitan ng kanilang mga programang pang-iskolar, partikular ang Project T.A.N.G.L.A.W. at Project A.G.A.P.A.Y.

Nitong Marso 30 hanggang 31, 2026, sabay-sabay na ipinagdiwang ng iba’t ibang himpilan ng pulisya sa lalawigan ng Camarines Norte ang mga tagumpay ng kanilang mga benepisyaryong mag-aaral na nagkamit ng karangalan at nakapagtapos sa elementarya at sekondarya.

Sa bayan ng Capalonga, sa pangunguna ni PCPT JOSELITO R JUEVES, ACOP, nakiisa ang Capalonga Municipal Police Station sa Recognition Rites ni James Dan G. Azuala, isang Grade 4 student mula sa Esturas-Nabata Elementary School, Brgy. Catioan, na nagtamo ng parangal na With Honors.

Samantala, sa bayan ng San Lorenzo Ruiz, matagumpay na nakapagtapos ng elementarya ang iskolar na si Jeyrico G. Sagario sa ilalim ng Project T.A.N.G.L.A.W ng San Lorenzo Ruiz MPS sa pamumuno ni PCPT MARK C ARMEA at tiniyak na patuloy pang susuportahan ng programa hanggang sa kanyang sekondaryang edukasyon.

Sa bayan ng Labo, nasaksihan ng mga kawani ng Labo Municipal Police Station sa pamumumuno ni PLTCOL ANDY O ROSERO, ang pagkamit ni Samantha Ariane Honrubia, Grade 7 student ng Labo Science and Technology High School, ng parangal na With High Honors, bilang patunay ng kanyang sipag at determinasyon sa kabila ng mga pagsubok sa buhay.

Gayundin, ang 1st CNPMFC sa pamumuno ni PMAJ JOHN C VILLAFUERTE, OIC, Force Commander, nagtapos ng elementarya si Meynard O. Sarical, benepisyaryo ng Project A.G.A.P.A.Y., sa ginanap na seremonya sa Don S. Carranceja Memorial School. Ang kanyang tagumpay ay sumasalamin sa layunin ng programa na gabayan at suportahan ang mga kabataang nangangailangan.

Ipinagdiwang naman ng Paracale MPS sa ilalim ng pamumuno ni PMAJ JAYSON B ANDRES ang pagtatapos ni Angela Aguilar Patriarca sa Tawig Elementary School, kung saan siya ay kinilala bilang isa sa mga matagumpay na iskolar ng Project T.A.N.G.L.A.W.

Ang Project T.A.N.G.L.A.W. (“Tabang sa Aki na Nangangaipo, Ginhawa asin Liwanag ang Maitatao para Wakasan ang Pagtios, Giya sa Pag-asenso”) at Project A.G.A.P.A.Y. (“Alay at Gabay upang Ating Kabataa’y Pag-aralin at Arugain na maging Yaman ng Ating Bayan”) ay mga programang naglalayong magbigay ng gabay, suporta, at inspirasyon sa mga kabataang Pilipino upang maabot ang kanilang mga pangarap sa pamamagitan ng edukasyon.

Ang mga tagumpay na ito ay patunay na sa tulong ng sama-samang pagkilos, malasakit, at dedikasyon ng kapulisan at komunidad, ang bawat batang Pilipino ay may kakayahang magtagumpay at magkaroon ng mas maliwanag na kinabukasan.

Tiniyak ng CNPPO sa pamumuno ni PCOL PAUL F ABAY, Provincial Director na magpapatuloy ang buong suporta sa mga iskolar ng nasabing mga programa bilang bahagi ng kanilang adhikain na makapag-ambag sa paghubog ng isang mas maunlad at ligtas na lipunan.

14/03/2026
𝐀𝐭 𝐚𝐛𝐨𝐮𝐭 𝟔:𝟎𝟎 𝐀𝐌 𝐨𝐧 𝐌𝐚𝐫𝐜𝐡 𝟏𝟒, 𝟐𝟎𝟐𝟔, 𝐭𝐡𝐞 𝐂𝐚𝐦𝐚𝐫𝐢𝐧𝐞𝐬 𝐍𝐨𝐫𝐭𝐞 𝐏𝐨𝐥𝐢𝐜𝐞 𝐏𝐫𝐨𝐯𝐢𝐧𝐜𝐢𝐚𝐥 𝐎𝐟𝐟𝐢𝐜𝐞, 𝐭𝐡𝐫𝐨𝐮𝐠𝐡 𝐭𝐡𝐞 𝐏𝐨𝐥𝐢𝐜𝐞 𝐂𝐨𝐦𝐦𝐮𝐧𝐢𝐭𝐲 𝐀𝐟𝐟𝐚𝐢𝐫𝐬 𝐚...
14/03/2026

𝐀𝐭 𝐚𝐛𝐨𝐮𝐭 𝟔:𝟎𝟎 𝐀𝐌 𝐨𝐧 𝐌𝐚𝐫𝐜𝐡 𝟏𝟒, 𝟐𝟎𝟐𝟔, 𝐭𝐡𝐞 𝐂𝐚𝐦𝐚𝐫𝐢𝐧𝐞𝐬 𝐍𝐨𝐫𝐭𝐞 𝐏𝐨𝐥𝐢𝐜𝐞 𝐏𝐫𝐨𝐯𝐢𝐧𝐜𝐢𝐚𝐥 𝐎𝐟𝐟𝐢𝐜𝐞, 𝐭𝐡𝐫𝐨𝐮𝐠𝐡 𝐭𝐡𝐞 𝐏𝐨𝐥𝐢𝐜𝐞 𝐂𝐨𝐦𝐦𝐮𝐧𝐢𝐭𝐲 𝐀𝐟𝐟𝐚𝐢𝐫𝐬 𝐚𝐧𝐝 𝐃𝐞𝐯𝐞𝐥𝐨𝐩𝐦𝐞𝐧𝐭 𝐔𝐧𝐢𝐭, 𝐬𝐮𝐜𝐜𝐞𝐬𝐬𝐟𝐮𝐥𝐥𝐲 𝐜𝐨𝐧𝐝𝐮𝐜𝐭𝐞𝐝 𝐉𝐮𝐚𝐧𝐚 𝐑𝐮𝐧 𝟐𝟎𝟐𝟔 𝐚𝐭 𝐂𝐞𝐧𝐭𝐞𝐧𝐧𝐢𝐚𝐥 𝐖𝐡𝐚𝐫𝐟, 𝐁𝐫𝐠𝐲. 𝐒𝐚𝐧 𝐉𝐨𝐬𝐞, 𝐓𝐚𝐥𝐢𝐬𝐚𝐲, 𝐂𝐚𝐦𝐚𝐫𝐢𝐧𝐞𝐬 𝐍𝐨𝐫𝐭𝐞 𝐢𝐧 𝐜𝐞𝐥𝐞𝐛𝐫𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧 𝐨𝐟 𝐍𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧𝐚𝐥 𝐖𝐨𝐦𝐞𝐧’𝐬 𝐌𝐨𝐧𝐭𝐡 𝐰𝐢𝐭𝐡 𝐭𝐡𝐞 𝐬𝐮𝐛-𝐭𝐡𝐞𝐦𝐞 “𝐋𝐞𝐚𝐝 𝐥𝐢𝐤𝐞 𝐭𝐡𝐞 𝐁𝐚𝐛𝐚𝐲𝐥𝐚𝐧𝐬, 𝐅𝐢𝐥𝐢𝐩𝐢𝐧𝐚𝐬!”. 𝐓𝐡𝐞 𝐚𝐜𝐭𝐢𝐯𝐢𝐭𝐲 𝐠𝐚𝐭𝐡𝐞𝐫𝐞𝐝 𝐭𝐡𝐞 𝐖𝐨𝐦𝐞𝐧 𝐒𝐮𝐩𝐩𝐨𝐫𝐭 𝐍𝐞𝐭𝐰𝐨𝐫𝐤 𝐂𝐚𝐦𝐚𝐫𝐢𝐧𝐞𝐬 𝐍𝐨𝐫𝐭𝐞 𝐂𝐡𝐚𝐩𝐭𝐞𝐫 𝐮𝐧𝐝𝐞𝐫 𝐭𝐡𝐞 𝐥𝐞𝐚𝐝𝐞𝐫𝐬𝐡𝐢𝐩 𝐨𝐟 𝐏𝐋𝐓𝐂𝐎𝐋 𝐆𝐫𝐚𝐜𝐞 𝐆 𝐁r𝐢ñ𝐚𝐬, 𝐂𝐍𝐏𝐏𝐎 𝐩𝐞𝐫𝐬𝐨𝐧𝐧𝐞𝐥, 𝐩𝐚𝐫𝐭𝐧𝐞𝐫 𝐠𝐨𝐯𝐞𝐫𝐧𝐦𝐞𝐧𝐭 𝐚𝐠𝐞𝐧𝐜𝐢𝐞𝐬, 𝐫𝐮𝐧𝐧𝐞𝐫 𝐞𝐧𝐭𝐡𝐮𝐬𝐢𝐚𝐬𝐭𝐬, 𝐚𝐧𝐝 𝐜𝐨𝐦𝐦𝐮𝐧𝐢𝐭𝐲 𝐦𝐞𝐦𝐛𝐞𝐫𝐬. 𝐈𝐭 𝐚𝐢𝐦𝐞𝐝 𝐭𝐨 𝐩𝐫𝐨𝐦𝐨𝐭𝐞 𝐠𝐞𝐧𝐝𝐞𝐫 𝐚𝐧𝐝 𝐝𝐞𝐯𝐞𝐥𝐨𝐩𝐦𝐞𝐧𝐭 𝐚𝐰𝐚𝐫𝐞𝐧𝐞𝐬𝐬 𝐰𝐡𝐢𝐥𝐞 𝐬𝐭𝐫𝐞𝐧𝐠𝐭𝐡𝐞𝐧𝐢𝐧𝐠 𝐩𝐨𝐥𝐢𝐜𝐞 𝐜𝐨𝐦𝐦𝐮𝐧𝐢𝐭𝐲 𝐩𝐚𝐫𝐭𝐧𝐞𝐫𝐬𝐡𝐢𝐩 𝐢𝐧 𝐚𝐝𝐯𝐨𝐜𝐚𝐭𝐢𝐧𝐠 𝐭𝐡𝐞 𝐰𝐞𝐥𝐟𝐚𝐫𝐞, 𝐩𝐫𝐨𝐭𝐞𝐜𝐭𝐢𝐨𝐧, 𝐚𝐧𝐝 𝐞𝐦𝐩𝐨𝐰𝐞𝐫𝐦𝐞𝐧𝐭 𝐨𝐟 𝐰𝐨𝐦𝐞𝐧. 𝐓𝐡𝐞 𝐫𝐮𝐧 𝐜𝐨𝐦𝐦𝐞𝐧𝐜𝐞𝐝 𝐚𝐟𝐭𝐞𝐫 𝐚 𝐬𝐡𝐨𝐫𝐭 𝐨𝐫𝐢𝐞𝐧𝐭𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧 𝐚𝐧𝐝 𝐬𝐚𝐟𝐞𝐭𝐲 𝐛𝐫𝐢𝐞𝐟𝐢𝐧𝐠, 𝐰𝐢𝐭𝐡 𝐦𝐚𝐣𝐨𝐫 𝐚𝐧𝐝 𝐬𝐩𝐞𝐜𝐢𝐚𝐥 𝐚𝐰𝐚𝐫𝐝𝐬 𝐠𝐢𝐯𝐞𝐧 𝐭𝐨 𝐨𝐮𝐭𝐬𝐭𝐚𝐧𝐝𝐢𝐧𝐠 𝐩𝐚𝐫𝐭𝐢𝐜𝐢𝐩𝐚𝐧𝐭𝐬. 𝐓𝐡𝐞 𝐚𝐜𝐭𝐢𝐯𝐢𝐭𝐲 𝐜𝐨𝐧𝐜𝐥𝐮𝐝𝐞𝐝 𝐬𝐮𝐜𝐜𝐞𝐬𝐬𝐟𝐮𝐥𝐥𝐲 𝐚𝐭 𝐚𝐛𝐨𝐮𝐭 𝟗:𝟎𝟎 𝐀𝐌 𝐭𝐡𝐫𝐨𝐮𝐠𝐡 𝐬𝐭𝐫𝐨𝐧𝐠 𝐬𝐭𝐚𝐤𝐞𝐡𝐨𝐥𝐝𝐞𝐫 𝐬𝐮𝐩𝐩𝐨𝐫𝐭 𝐚𝐧𝐝 𝐞𝐟𝐟𝐞𝐜𝐭𝐢𝐯𝐞 𝐢𝐧𝐭𝐞𝐫-𝐚𝐠𝐞𝐧𝐜𝐲 𝐜𝐨𝐨𝐫𝐝𝐢𝐧𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧.

Juana Run 2026 in pictures – moments of strength, joy, and community captured along the way. 📸🏃‍♀️
14/03/2026

Juana Run 2026 in pictures – moments of strength, joy, and community captured along the way. 📸🏃‍♀️

Address

Camp Wenceslao Q Vinzons Sr
Daet
4600

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when CNPPO Women's Support Network posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share