01/09/2026
𝐏𝐚𝐠𝐛𝐢𝐬𝐢𝐭𝐚 𝐧𝐢 𝐑𝐞𝐠𝐢𝐨𝐧𝐚𝐥 𝐃𝐢𝐫𝐞𝐜𝐭𝐨𝐫 𝐃𝐫. 𝐕𝐨𝐥𝐭𝐚𝐢𝐫𝐞 𝐒. 𝐆𝐮𝐚𝐝𝐚𝐥𝐮𝐩𝐞 𝐬𝐚 𝐂𝐚𝐦𝐚𝐫𝐢𝐧𝐞𝐬 𝐍𝐨𝐫𝐭𝐞 🤝💙
Isang makabuluhang pagbisita at pakikipag-ugnayan ni Regional Director Dr. Voltaire S. Guadalupe sa mga health facilities at vaccination site sa bayan ng Talisay, Camarines Norte.
✔️Kabilang sa mga binisita ang Municipal Health Office ng Talisay at ang Super Health Center–Talisay, bilang bahagi ng patuloy na pagmomonitor at pagpapalakas ng mga serbisyong pangkalusugan.🏥
✔️Isinagawa rin ang pagbisita at monitoring sa Vaccination Site sa Brgy. San Francisco, Talisay, kaugnay ng implementasyon ng MR SIA, upang matiyak ang maayos na pagpapatupad ng programa at pagbibigay ng proteksyon sa ating mga kababayan. 💉🩺
Maraming salamat po, RD Voltaire, sa inyong panahon, paggabay, at patuloy na suporta sa mga health workers at sa pagpapalakas ng serbisyong pangkalusugan sa Camarines Norte. 🙏💙
Sama-sama at tuloy-tuloy sa pagkilos para sa mas ligtas, mas malusog, at mas protektadong Camarines Norte! 💙
DOH Bicol CHD