Daet Municipal Police Station

Daet Municipal Police Station Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Daet Municipal Police Station, Government Organization, Barangay Pamorangon,, Daet.

"MALAKING HALAGA NG ILIGAL NA DROGA NASAMSAM SA MATAGUMPAY NA BUY-BUST OPERATION SA BAYAN NG DAET"Tunghayan: Isang matag...
03/03/2025

"MALAKING HALAGA NG ILIGAL NA DROGA NASAMSAM SA MATAGUMPAY NA BUY-BUST OPERATION SA BAYAN NG DAET"

Tunghayan: Isang matagumpay na operasyon laban sa iligal na droga ang isinagawa ng pinagsanib-pwersa ng Daet Municipal Police Station (DMPS), Camarines Norte at Intelligence Unit/Provincial Police Drug Enforcement Unit (CNPIU/PPDEU). Ang operasyon ay nagresulta sa pagkasamsam ng malaking halaga ng iligal na droga at pagkakaaresto sa isang binata sa pamamagitan ng buy-bust operation.

Ang operasyon ay naisagawa bandang 9:47 ng gabi nitong Marso 3, 2025, sa Central Plaza Complex, Purok 4, Brgy. Lag-on, Daet, Camarines Norte. Kinilala ang suspek na si alias “Toto,” 38 taong gulang, residente ng Purok Molave, Brgy., Poblacion Norte, Paracale, Camarines Norte.
Sa isinagawang operasyon, matagumpay na nakabili ang isang operatiba mula sa suspek ng isang sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu, na naging dahilan ng kanyang agarang pag-aresto.

Patuloy pang tinutukoy ang eksaktong bigat at halaga ng nakumpiskang iligal na droga. Ang isinagawang operasyon, pati na ang imbentaryo at pagmarka sa mga ebidensiya, ay isinagawa sa presensya ng isang opisyal ng Barangay Lag-on at isang kinatawan mula sa media upang matiyak ang transparency at pagsunod sa tamang legal na proseso.

Matapos ang pag-aresto, ipinaalam agad sa akusado ang kanyang mga karapatan at dinala siya sa Camarines Norte Provincial Hospital para sa kaukulang medikal na pagsusuri. Sa kasalukuyan, ang suspek ay nasa pangangalaga ng Daet Municipal Police Station (MPS) para sa dokumentasyon at kaukulang disposisyon.

“Ipinahayag ni PLTCOL ERROL T GARCHITORENA, JR., Hepe ng Pulisya ng Daet MPS, ang matibay na paninindigan ng kapulisan laban sa iligal na droga: “Ang pagtutulungan ng pulisya at komunidad ay susi sa pagkakaroon ng ligtas at maayos na pamayanan. Ang Daet PNP ay mananatiling matatag sa paglaban sa iligal na droga, at hindi kami titigil sa aming operasyon upang masugpo ang kalakalan ng droga sa ating bayan.” Ang operasyong ito ay patunay ng paninindigan ng Daet PNP sa pagsugpo sa iligal na droga at sa pagsisigurong ligtas ang ating komunidad. Hinihikayat ng kapulisan ang publiko na maging mapagmatyag at iulat ang anumang kahina-hinalang aktibidad upang makatulong sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa ating bayan”

𝐋𝐈𝐆𝐓𝐀𝐒 𝐔𝐍𝐃𝐀𝐒 𝟐𝟎𝟐𝟒Noong Oktubre 31, 2024, pinangunahan ni PLTCOL ERROL T GARCHITORENA JR., COP ang seguridad at kaayusan ...
31/10/2024

𝐋𝐈𝐆𝐓𝐀𝐒 𝐔𝐍𝐃𝐀𝐒 𝟐𝟎𝟐𝟒

Noong Oktubre 31, 2024, pinangunahan ni PLTCOL ERROL T GARCHITORENA JR., COP ang seguridad at kaayusan sa Daet para sa Undas.



𝐋𝐈𝐆𝐓𝐀𝐒 𝐔𝐍𝐃𝐀𝐒 𝟐𝟎𝟐𝟒Noong Oktubre 31, 2024, pinangunahan ni PLTCOL Errol T. Garchitorena Jr. ang paghahanda at pagpapanatil...
31/10/2024

𝐋𝐈𝐆𝐓𝐀𝐒 𝐔𝐍𝐃𝐀𝐒 𝟐𝟎𝟐𝟒

Noong Oktubre 31, 2024, pinangunahan ni PLTCOL Errol T. Garchitorena Jr. ang paghahanda at pagpapanatili ng kaayusan sa Daet para sa Undas, na naglalayong tiyakin ang kaligtasan ng publiko at mapanatili ang katahimikan sa okasyon.



𝐋𝐈𝐆𝐓𝐀𝐒 𝐔𝐍𝐃𝐀𝐒 𝟐𝟎𝟐𝟒Noong Oktubre 31, 2024, pinangunahan ni PLTCOL Errol T. Garchitorena Jr. ang paghahanda at pagpapanatil...
31/10/2024

𝐋𝐈𝐆𝐓𝐀𝐒 𝐔𝐍𝐃𝐀𝐒 𝟐𝟎𝟐𝟒

Noong Oktubre 31, 2024, pinangunahan ni PLTCOL Errol T. Garchitorena Jr. ang paghahanda at pagpapanatili ng kaayusan at seguridad sa bayan ng Daet para sa nalalapit na paggunita ng Undas. Ang hakbang na ito ay naglalayong tiyakin ang kaligtasan ng publiko at mapanatili ang katahimikan sa buong okasyon.



BABAE ARESTADO SA KASONG QUALIFIED THEFT SA BAYAN NG DAET!Nitong Oktubre 31, 2024 ganap na alas-3 ng hapon nang maaresto...
31/10/2024

BABAE ARESTADO SA KASONG QUALIFIED THEFT SA BAYAN NG DAET!

Nitong Oktubre 31, 2024 ganap na alas-3 ng hapon nang maaresto ng Daet PNP katuwang ang CIDG-CN ang isang babae na may warrant of arrest sa Purok 1, Barangay Bactas, Basud, Camarines Norte

Kinilala ito na si alyas “MONICA”, 38 anyos, may asawa at residente ng Cepeda St Brgy Poblacion 1, Basud, Camarines Norte. Inihain sa akusado ang warrant of arrest para sa kasong Qualified Theft under Criminal Case No. 5902-69 2005 94 na ipinalabas ni Hon. Felipe G Banzon, Presiding Judge, Regional Trial Court, Branch 69, Sixth Judicial Region Silay City na may petsang November 5, 2015 at may piyansang nagkakahalagang Php 80,000.00. Siya rin ay kabilang sa listahan ng E-Warrant Sytem.

Agad namang ipinaalam ang kaniyang karapatan bilang akusado at dinala sa Camarines Norte Provincial Hospital para sa usaping medikal.
Ang nasabing arestado ay kasalukuyang nasa pangangalaga ng Daet PNP para sa kaukulang pag dodokumento at disposisyon.

“Ang tulong ng mamamayan ang susi para mapanatili ang katahimikan, kaya makipagtulungan at wag mag-atubiling lumapit kung may alam sa mga taong nagtatago sa batas at maaring magpaabot ng inyong mga impormasyon sa aming tanggapan sa pamamagitan ng text sa aming hotline number 09985985954 at chat sa aming page, Daet MPS CNPPO” at nangangakong magiging confidential ang inyong pagkakakilanlan sa anumang ipaaabot sa amin – PLTCOL ERROL T GARCHITORENA, JR.

𝐋𝐈𝐆𝐓𝐀𝐒 𝐔𝐍𝐃𝐀𝐒 𝟐𝟎𝟐𝟒
31/10/2024

𝐋𝐈𝐆𝐓𝐀𝐒 𝐔𝐍𝐃𝐀𝐒 𝟐𝟎𝟐𝟒



𝐕𝐞𝐫𝐬𝐞 𝐨𝐟 𝐭𝐡𝐞 𝐃𝐚𝐲𝐎𝐜𝐭𝐨𝐛𝐞𝐫 𝟑𝟏, 𝟐𝟎𝟐𝟒𝑁𝑈𝑀𝐵𝐸𝑅 23:19-"𝐺𝑂𝐷 𝐼𝑆 𝑁𝑂𝑇 𝐴 𝑀𝐴𝑁, 𝑇𝐻𝐴𝑇 𝐻𝐸 𝑆𝐻𝑂𝑈𝐷 𝐿𝐼𝐸; 𝑁𝐸𝐼𝑇𝐻𝐸𝑅 𝑇𝐻𝐸 𝑆𝑂𝑁 𝑂𝐹 𝑀𝐴𝑁, 𝑇𝐻𝐴𝑇 𝐻𝐸 𝑆𝐻𝑂𝑈𝐷...
31/10/2024

𝐕𝐞𝐫𝐬𝐞 𝐨𝐟 𝐭𝐡𝐞 𝐃𝐚𝐲
𝐎𝐜𝐭𝐨𝐛𝐞𝐫 𝟑𝟏, 𝟐𝟎𝟐𝟒

𝑁𝑈𝑀𝐵𝐸𝑅 23:19-"𝐺𝑂𝐷 𝐼𝑆 𝑁𝑂𝑇 𝐴 𝑀𝐴𝑁, 𝑇𝐻𝐴𝑇 𝐻𝐸 𝑆𝐻𝑂𝑈𝐷 𝐿𝐼𝐸; 𝑁𝐸𝐼𝑇𝐻𝐸𝑅 𝑇𝐻𝐸 𝑆𝑂𝑁 𝑂𝐹 𝑀𝐴𝑁, 𝑇𝐻𝐴𝑇 𝐻𝐸 𝑆𝐻𝑂𝑈𝐷 𝑅𝐸𝑃𝐸𝑁𝑇: 𝐻𝐴𝑇𝐻 𝐻𝐸 𝑆𝐴𝐼𝐷, 𝐴𝑁𝐷 𝑆𝐻𝐴𝐿𝐿 𝐻𝐸 𝑁𝑂𝑇 𝐷𝑂 𝐼𝑇? 𝑂𝑅 𝐻𝐴𝑇𝐻 𝐻𝐸 𝑆𝑃𝑂𝐾𝐸𝑁, 𝐴𝑁𝐷 𝑆𝐻𝐴𝐿𝐿 𝐻𝐸 𝑁𝑂𝑇 𝑀𝐴𝐾𝐸 𝐼𝑇 𝐺𝑂𝑂𝐷”

Address

Barangay Pamorangon,
Daet
4600

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Daet Municipal Police Station posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share