07/09/2026
⚠️MAHALAGANG PAALALA ⚠️
HUWAG MAKIPAGTRANSAKSIYON O MAGBIGAY NG PERA KAY “CINDY CANSINO CALANNO” ng Barangay Maycaban kaugnay ng Seasonal Farm Workers Program (SFWP) ng LGU Cuyapo, lalo na kung ang alok ay may kinalaman sa pagpapabilis o “fast-track” ng inyong aplikasyon kapalit ng anumang halaga ng pera.
Si “CINDY CANSINO CALANNO” ay kailan man hindi nagging bahagi ng PESO Cuyapo o ng Lokal na Pamahalaan ng Bayan ng Cuyapo. Hinihikayat po naming ang iba pang indibidwal na napangakuan o nahingian ng pera ni CINDY CANSINO CALANNO na mag bigay alam dito sa aming tanggapan.
📌 Paalala sa lahat ng aplikante:
Ang proseso ng aplikasyon para sa Seasonal Farm Workers Program ay dumadaan sa opisyal na proseso, pagsusuri, screening, at iba pang itinakdang requirements ng mga Korean Employers.
❌ Walang sinumang indibidwal ang awtorisadong manghingi ng bayad kapalit ng:
• Pagpapabilis ng aplikasyon
• Pagpapabor sa screening o selection
• Pagbibigay ng slot
• Pagpapalista o pagpasok sa programa
• Anumang garantiya ng pagkakapili o deployment
Maging mapanuri at huwag basta magbigay ng pera o personal na dokumento sa sinumang nangangakong kaya nilang “ipasok,” “mapabilis,” o “siguraduhin” ang inyong aplikasyon.
Kung kayo ay nilapitan o inalok ng ganitong transaksyon, mangyaring huwag makipagtransaksyon at agad itong i-report sa PESO Cuyapo o sa kinauukulang awtoridad.
📣 HINDI NABIBILI ANG SLOT SA SEASONAL FARM WORKERS PROGRAM.
Ang LGU Cuyapo ay patuloy na nagsusulong ng malinis, patas, transparent, at naaayon sa opisyal na proseso na pagpapatupad ng programa.
PAALALA: Mag-ingat. Huwag magpaloko. Huwag magbigay ng pera kapalit ng pangakong mabilis na aplikasyon o garantisadong deployment.
Para sa lehitimo at maayos na proseso ng employment assistance dumirekta lamang sa PESO Cuyapo.