01/06/2026
🙏❤️ TAOS-PUSONG PASASALAMAT ❤️🙏
Ang Sangguniang Kabataan at Sangguniang Barangay ng Bentigan ay lubos na nagpapasalamat sa mga taong may mabubuting puso na sina SBM Julius Gines, SBM Kheyo Gines, Punong Barangay Janneth Gines, at Sj Chaiperson Julien Christel Gines sa kanilang matagumpay na pagsasagawa ng Balik Eskwela Libreng Gupit para sa ating mga kabataan. Tunay na Gines Cares.
Maraming salamat sa inyong walang sawang suporta at pagmamalasakit sa ating komunidad. Sa pamamagitan ng programang ito, maraming mag-aaral ang nabigyan ng pagkakataong makapaghanda para sa pagbubukas ng klase nang may maayos na ayos at dagdag na kumpiyansa sa kanilang sarili.
Ang inyong kabutihang-loob at dedikasyon sa paglilingkod ay nagsisilbing inspirasyon sa marami at patunay na sa pagtutulungan at pagbabahaginan, mas marami tayong mabibigyan ng tulong at pag-asa.
Nawa’y patuloy kayong pagpalain at gabayan sa inyong mga adhikain para sa kapakanan ng ating mga kababayan.
Maraming salamat at mabuhay ang Gines Cares at ang pamilyang Gines! ❤️✂️📚