Barangay Government of Latap, Cuyapo, Nueva Ecija

Barangay Government of Latap, Cuyapo, Nueva Ecija Official Page of Barangay Latap, Cuyapo, N.E.

Maraming salamat po sa lahat ng dumalo at nakiisa sa ating ginanap na 1st Barangay General Assembly for this quarter.MAY...
15/03/2026

Maraming salamat po sa lahat ng dumalo at nakiisa sa ating ginanap na 1st Barangay General Assembly for this quarter.

MAY GOD BLESS US ALL! πŸ™β˜ΊοΈ

13/03/2026

Magandang araw po sa ating lahat ☺️

ANG LAHAT PO AY INAANYAYAHANG DUMALO AT MAKIISA SA ATING GAGANAPING BARANGAY ASSEMBLY PARA SA UNANG SEMESTRE NG TAONG 2026. ITO PO AY GAGANAPIN BUKAS NG 9AM DITO PO SA ATING BRGY HALL. SAMAHAN NYO PO KAMI NA MABALANGKAS ANG KATAYUAN NG ATING BRGY SA LAHAT NG ASPETO. ITO RIN PO AY PAGKAKATAON UPANG ANG BAWAT ISA AY MAIPAABOT SA KINAUUKULAN ANG ANUMANG MGA SUHESTIYON O DI KAYA NAMAN AY MGA ISYU NA NANGANGAILANGAN NG SOLUSYON.

MAGKITA KITA PO TAYONG LAHAT BUKAS.

MARAMING SALAMAT PO.

Sino pong sasama sa akin magpa picture sa ating tulay? πŸ˜πŸ™Ito man po ay hindi golden bridge pero ito po ay sapat na upang...
06/12/2025

Sino pong sasama sa akin magpa picture sa ating tulay? πŸ˜πŸ™

Ito man po ay hindi golden bridge pero ito po ay sapat na upang tayo ay makatawid ng maayos, sapat na upang di tayo umikot sa mas malayo at sapat na din upang maibsan ang ating pag-aalala na baka di makauwi ng ligtas ang ating mga anak mula sa eskwela. .

Ito man po ay simple at mabilisang remedyo na ating ginawa pero ito po ay safe daanan. Tayo po ay maglalagay din dito ng ilaw upang sa gabi naman ay maliwanag. Siguro naman po ay wala ng pupuna at mambabatikos ngayon na walang ginagawa ang barangay sa inyong mga hinaing. Bagamat mabilisan lamang, na solusyunan ang ating suliranin.

Patuloy pa rin po ang aming pakiusap na gabayan natin ang ating mga anak sa pagtawid upang masigurong sila ay ligtas na makakapasok at makakauwi ng ating mga tahanan.




05/12/2025

✨𝐏𝐑𝐒π₯𝐒𝐩𝐩𝐒𝐧𝐞𝐬: π—‘π—Όπ˜„ πŸ•,πŸ”πŸ’πŸ 𝐈𝐬π₯𝐚𝐧𝐝𝐬 𝗳𝗿𝗼𝗺 𝟳,𝟭𝟬𝟳!

βœ… The Philippines officially has 7,641 islands, a number that increased from the previously recognized 7,107 islands after advanced mapping study using high-resolution satellite imaging. This update came after a more detailed mapping study conducted by the National Mapping and Resource Information Authority (NAMRIA).

Discovery: New, mostly tiny and uninhabited islands were identified.

This cements the Philippines as a stunning archipelago with endless opportunities for exploration!

05/12/2025

The WAIT is over BARANGAY LATAP

Barangay Latap TOURNAMENT 2025 Basket ball and Volleyball Girls

Get ready for an exciting season of fun, teamwork, and sportsmanship!

Registration starts tomorrow at 8am until December 06, 2025 only.

Don't miss out the action - see you at the court Brgy. LATAP

# Bawat PUROK my representative
# Basket ball 1 team 12 members
# Volleyball Girls 1 team 10 members

Ang TOURNAMENT na ito ay OPEN AGED😊😊

MARAMING SALAMAT PO.

IPINABABATID SA PUBLIKO!!!!😊Salamat TARELCO sa inyong pamaskong handog sa lahat ng inyong consumers ngayong kapaskuhan. ...
05/12/2025

IPINABABATID SA PUBLIKO!!!!😊

Salamat TARELCO sa inyong pamaskong handog sa lahat ng inyong consumers ngayong kapaskuhan. πŸ‘πŸ˜πŸ‘

Visited the Sangatan tulay with our Project Engineer Gines. Making sure that everything will be taken care of.  😊
04/12/2025

Visited the Sangatan tulay with our Project Engineer Gines. Making sure that everything will be taken care of. 😊

Ang bawat progreso, ang bawat pagbabago ay may kaakibat na sakripisyo. Hindi ng mga taong nakaupo lamang bagkus lahat ng...
04/12/2025

Ang bawat progreso, ang bawat pagbabago ay may kaakibat na sakripisyo. Hindi ng mga taong nakaupo lamang bagkus lahat ng taong nasasakupan. Hindi para sa iilan lamang kundi para sa lahat ng taumbayan. Ang proyekto na pagandahin at patibayin ang ating tulay ay biglaan ang pagpapatupad sapagkat yun ay nai award din nitong Lunes sa ating lowest bidder. Bagaman mabilis ang pagpapatupad nito, naihanda na ang mga alterbate route na maaaring daanan pansamantala. Subalit gawa ng malakas na ulan kung kayat ang mga naihandang ruta ay nabalaho. Gayunpaman, ang konseho sa pangunguna ng ating masipag na kapitan, Valentino C. Elcano ay gumagawa ng paraan upang ang hirap at abala sa mga rutang ito ay maging maayos. Kunting sakripisyo mga kabayan dahil ito ay para sa ating lahat. Kung hindi aayusin ang tulay, mas malalang paghihirap ang ating daranasin kapag nagkaron ng pagbagsak at pagguho nito. Ngayon pa lamang, ito ay aayusin na upang maiwasan ang ganitong mga pangyayari.

Ang amin lamang pong pakiusap, naway makibahagi ang bawat isa. Ito ay hindi lamang trabaho ng mga nakaupo lundi trabaho nating lahat. Bakit? Dahil lahat tayo dito ay makikinabang sa tulay. Dahil lahat tayo dito ay magkakaron ng kapanatagan na ang ating tulay ay matibay at lalaban sa hamon ng panahon. Hindi po madali ang lahat subalit dahil nais naming mabigyan kayo ng magandang proyekto at mas ligtas na Latap, kung kayat ganun na lamang ang aming pagsasakripisyo upang matugunan ang ating mga pangangailangan sa barangay. Gagawan din ng alternatibong daan na ligtas ang ating mga estudyante, pakihintay lamang po. Sa ngayon po, maglaan po muna tayo ng oras upang sila ay gabayan sa pagpasok at pag-uwi.

Batid naming ang bawat isa sa atin ay matiisin lalo pa at tungkol ito sa progreso ng ating barangay Latap kung kayat kami ay patuloy na umaasa sa inyong pang unawa at suporta sa proyektong ito. Muli ang aming paalala na ang inyong mga hinaing ay nadirinig at ginagawan ng paraan. Bigyan nyo kami ng sapat na panahon upang mapabuti pa ang mga bagay-bagay ng proyektong ito. Huwag puro pambabatikos at reklamo dahil sa panahong ito, ang inyong kooperasyon at pang-unawa ang higit naming kailangan.

Maraming salamat po.



Maraming salamat po kay Chief LARRY MENDOZA ng Cuyapo Fire Marshall sa kaniyang ibinigay sa ating barangay na 2 units of...
02/12/2025

Maraming salamat po kay Chief LARRY MENDOZA ng Cuyapo Fire Marshall sa kaniyang ibinigay sa ating barangay na 2 units of Nebulizer para sa ating Latap constituents.

Dios ti agngina apo πŸ₯°πŸ™

Ang Barangay Latap ay nagsagawa ngayong araw ng pamamahagi ng bigas bilang tulong sa napagdaan ng lahat na  bagyong Uwan...
27/11/2025

Ang Barangay Latap ay nagsagawa ngayong araw ng pamamahagi ng bigas bilang tulong sa napagdaan ng lahat na bagyong Uwan nitong buwan ng Nobyembre. Ang pondo ay mula po sa 30% calamity quick response fund.

Ang rice distribution ay pinangunahan ng ating butihing kapitan Valentino E. Elcano, masipag na Kag. Kimberly R. Ledda kasama ng kaniyang magagandang BHW team, kag. on duty, Junjie Fernandez, kag. committee on agriculture Francis Elcano at kasama din ang mga tanod ng barangay. Wala man po sa eksena ang ating iba pang mga kagawad, sila ay kasama mula sa pag approved ng nailaan na budget hanggang sa pag repack ng mga bigas. Kag. Alfredo A. Reclamado, Kag. Alona R. Soliven, Kag. Rodel D. Domingo at Kag. Pauline G. Boncille.

Maliit pong tulong subalit ito po ay para sa lahat ng ating nasasakupan at ito ay inilaan para sa lahat ng household ng barangay latap.

Pagpalain nawa tayong lahat ng maawain nating Diyos Jesus! πŸ™β˜οΈ

Maraming salamat po 😊

We are filipinos, we rise every storm and become better than before! Thank you, Lord we are all safe! πŸ™
10/11/2025

We are filipinos, we rise every storm and become better than before! Thank you, Lord we are all safe! πŸ™

Address

Barangay Latap
Cuyapo
3117

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm
Saturday 8am - 5pm
Sunday 8am - 5pm

Telephone

+639664187897

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Barangay Government of Latap, Cuyapo, Nueva Ecija posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Barangay Government of Latap, Cuyapo, Nueva Ecija:

Share