13/01/2026
https://www.facebook.com/share/p/1AY71qsxpH/
πππππππ π ππππππ?
πππ ππ πππ ππππππ πππππ ππ ππππππππ ππππ?
Linawin natin.
Sa National Building Code of the Philippines (PD 1096), HINDI explicitly binanggit ang βdriveway gate.β Ang sabi sa Section 1007 β Doors, Windows and the Like ay ito:
βDoors, windows and the like less than 2.40 meters above the pavement or ground line shall not, when fully opened or upon opening, project beyond the property line except fire exit doors.β
ππππππππππ ππππππππππ:
Ang terminong ginamit ng batas ay βdoors, windows, and the like.β
Hindi nito tahasang sinabi ang driveway gate, pero sa prinsipyo ng batas, ang gate ay pasok sa βand the likeβ dahil:
β’ Ito ay opening
β’ Ito ay nagbubukas at nagsasara
β’ Maaari itong mag-project sa labas ng property line
Kaya sa pangkalahatang patakaran:
Kung ang driveway gate ay mas mababa sa 2.40 meters at
kapag binuksan ay lalampas sa property line, bangketa, o kalsada
β HINDI ito pinapahintulutan.
ππππππ β ππππππππ πππ πππππππππ.
Kung:
β’ Maliit ang lote
β’ Hindi kasya ang sasakyan kung paloob ang bukas ng gate
β’ Walang alternative na layout (sliding, recess, redesign)
β Ang ganitong sitwasyon ay SUBJECT FOR EVALUATION AND APPROVAL ng Building Official.
πππππππ:
Ang Building Code ay hindi bulag na batas.
May mga makatuwirang exception, pero:
β’ Dapat may sapat na dahilan
β’ Hindi dapat makasagabal sa public safety
β’ At hindi basta βdahil gusto langβ
ππ ππππ:
Ang default rule ay paloob o sliding.
Ang palabas ay exception, at ang exception ay kailangang makatuwiran at aprubado.