Programang Malasakit sa mga Laylayang Komunidad ng Culion

Programang Malasakit sa mga Laylayang Komunidad ng Culion Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Programang Malasakit sa mga Laylayang Komunidad ng Culion, Public & Government Service, Culion.

Happy Labor Day sa lahat ng mga magigiting na manggagawa❀️
01/05/2024

Happy Labor Day sa lahat ng mga magigiting na manggagawa❀️

07/03/2024
16/02/2024

ππ€ππŽπŽπ‘πˆπ: πŒπ†π€ 𝐁𝐈𝐈𝐊 πˆππˆππ€π‡π€π†πˆ 𝐍𝐈 πŒπ€π˜πŽπ‘ 𝐕

Nitong Biyernes, February 16, 2024 ay personal na ibinahagi ni Mayor V ang mga lumapit sa ating tanggapan upang humiling ng kabuhay, kaya naman, masayang tinanggap ng ating mga kababayan sa Barangay Malaking Patag ang mga biik na ito.

Patuloy si Mayor V na susuporta sa ating mga kababayang patuloy na nagsisikap nang sabay sabay tayong aabante sa bawat komunidad sa Culion.




Virginia Nakachi de Vera

π“πˆππ†ππ€π: ππ‘πŽπ†π‘π€πŒπ€ππ† πŒπ€π‹π€π’π€πŠπˆπ“ 𝐒𝐀 πŒπ†π€ πŠπ€ππ€ππ€πˆπ‡π€π - π‹πˆπ•π„π‹πˆπ‡πŽπŽπƒ π€π’π’πˆπ’π“π€ππ‚π„ πˆππˆππ€π‡π€π†πˆ 𝐍𝐈 πŒπ€π˜πŽπ‘ 𝐕Magkakasunod na ibinahagi ni...
07/02/2024

π“πˆππ†ππ€π: ππ‘πŽπ†π‘π€πŒπ€ππ† πŒπ€π‹π€π’π€πŠπˆπ“ 𝐒𝐀 πŒπ†π€ πŠπ€ππ€ππ€πˆπ‡π€π - π‹πˆπ•π„π‹πˆπ‡πŽπŽπƒ π€π’π’πˆπ’π“π€ππ‚π„ πˆππˆππ€π‡π€π†πˆ 𝐍𝐈 πŒπ€π˜πŽπ‘ 𝐕

Magkakasunod na ibinahagi ni Mayor V ang mga cash assistance na nagkakahalaga ng 30,000.00 pesos bawat Women's Association nito lang Lunes, February 5, 2024 sa Barangay Baldat, Culion, Palawan.

Ang mga women's association na ito ay ang mga sumusunod;

1. Alava Women's Association na may 23 miyembro para sa kanilang Proyekto na Sari-sari Store.
2. Lower Butnongan Women's Association na may 10 miyembro para sa kanilang Ukay-ukay Store na proyekto, at
3. Samahan ng Nag-gagandahang Kababaihan ng Barangay Libis na may 40 miyembro para sa kanilang proyekto na Buy & Sell.

Labis rin ang kagalakan ni Mayor V na muling makipag-arampang ampang sa mga kababaihan at makamusta ang kani-kanilang kalagayan sa mga komunidad. Lubos naman ang pasasalamat at tuwa ng mga kababaihang napili sa livelihood assistance ng Programang Malasakit ni Mayor V na siyang naghatid sa kanila ng pag-asenso at pag-Abante ng buhay sa kani-kanilang komunidad sa Culion.




ππ€ππŽπŽπ‘πˆπ: ππ‘πŽπ†π‘π€πŒπ€ππ† πŒπ€π‹π€π’π€πŠπˆπ“, ππ€π†ππ€ππ€π‡π€π†πˆ 𝐍𝐆 𝐁𝐈𝐈𝐊 𝐀𝐓 𝐒𝐔𝐑𝐑𝐄𝐒𝐀𝐍𝐆 𝐏𝐀𝐍𝐆-𝐅𝐄𝐄𝐃𝐒 πŒπ”π‹π€ πŠπ€π˜ πŒπ€π˜πŽπ‘ 𝐕Ibinahagi ni Mayor V ang mga...
07/02/2024

ππ€ππŽπŽπ‘πˆπ: ππ‘πŽπ†π‘π€πŒπ€ππ† πŒπ€π‹π€π’π€πŠπˆπ“, ππ€π†ππ€ππ€π‡π€π†πˆ 𝐍𝐆 𝐁𝐈𝐈𝐊 𝐀𝐓 𝐒𝐔𝐑𝐑𝐄𝐒𝐀𝐍𝐆 𝐏𝐀𝐍𝐆-𝐅𝐄𝐄𝐃𝐒 πŒπ”π‹π€ πŠπ€π˜ πŒπ€π˜πŽπ‘ 𝐕

Ibinahagi ni Mayor V ang mga biik mula sa Programang Malasakit nito lamang Lunes, February 5, 2024 sa ating mga kababayang humiling ng livelihood assistance sa ating tanggapan. Bago tuluyang ibahagi ang mga biik ay nakipag-arampang ampang muna si Mayor V sa ating mga benepisyaryo at kumustahin ang kanilang kalagayan.

Labis ang kagalakan ni Mayor V na kanyang natutulungan ang mga higit na nangangailangan dahil sa mga kwentong kanyang narinig. Kaya naman, maligaya nilang tinanggap ang mga biik at may pasurpresa pang 1k para sa feeds ng mga biik. Lubos na pasasalamat at luha ng kagalakan ang natanggap ni Mayor V mula sa kanila, kaya naman patuloy si Mayor V at ang Programang Malasakit para sa pag-Abante ng bawat komunidad sa Culion.




TINGNAN: BIIK PARA SA BARANGAY OSMEΓ‘A WOMENS ASSOCIATION MULA SA PROGRAMANG MALASAKIT SA KABUHAYAN  NI MAYOR V PINAMAHAG...
19/01/2024

TINGNAN: BIIK PARA SA BARANGAY OSMEΓ‘A WOMENS ASSOCIATION MULA SA PROGRAMANG MALASAKIT SA KABUHAYAN NI MAYOR V PINAMAHAGI NA!

Sa direktiba ng ating abang lingkod Mayor V ay nagsagawa ng pamamahagi ng biik ang Pamahalaang Lokal sa mga kababaihan ng Barangay OsmeΓ±a nito lang ika 17-18 ng Enero taong kasalukuyan na ginanap sa Barangay Baldat. Katuwang ang Office of Municipal Administrator sa pag asista ng nasabing pamamahagi.

Masayang tinanggap ng mga benepisyaro ang pinamahaging biik na handog ni Mayor V Layunin ng programang ito na magbigay ng karagdagang tulong pangkabuhayan na nasa laylayan ng ating lipunan at makakatulong din ito sa pag angat ng demand ng karne sa bayan ng Culion.



TINGNAN: SEAWEEDS NURSERY ESTABLISHMENT PROJECT SA ILALIM NG PROGRAMANG MALASAKIT SA KABUHAYAN NI MAYOR V PARA SA SEAWEE...
20/11/2023

TINGNAN: SEAWEEDS NURSERY ESTABLISHMENT PROJECT SA ILALIM NG PROGRAMANG MALASAKIT SA KABUHAYAN NI MAYOR V PARA SA SEAWEEDS FARMERS NG BARANGAY GALOC PINAMAHAGI NA!

Matagumpay na naipamahagi ang Seaweeds (Tambalang) para sa mga Seaweeds farmers ng Barangay Galoc nito lang ika-11 ng Nobyembre taong kasalukuyan na ginanap sa Barangay Galoc. Sa pakikipag-ugnayan ng ating abang lingkod Mayor V sa pamunuan ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) na makapagbigay ng adisyunal na kabuhayan sa ating mga Seaweeds farmers. Inatasan naman ng ating abang lingkod Mayor V ang Office of Municipal Agriculture (OMA) sa pangunguna ng ating Aquaculturist II Ryan Reyes upang ipamahagi ang nasabing Tambalang (Seaweed).

Layunin ng Programang Malasakit sa kabuhayan ni Mayor V na iangat ang antas ng pamumuhay at pagkakakitaan ng mga Seaweeds farmers. Kaagapay nito na mapaunlad at produktibong pagpapayabong ng Seaweeds Nursery Establishment Project. Malaki ang iaambag nito para sa dagdag kita lalong higit sa ating mga local farmers at Fisherfolk. Makikilala na ang Culion ang maghahatid ng kalidad na produksyon ng Tambalang sa iba't-ibang merkado sa buong Calamian.

Ang Programang Malasakit ni Mayor V ay laging sumusuporta at magbibigay ng pag-asa sa ikakaulad ng pamumuhay sa mamamayang bayan ng Culion.



TINGNAN: BARANGAY OSMEΓ‘A WOMEN'S ASSOCIATION NAPAGKALOOBAN NG BIIK SA ILALIM NG PROGRAMANG MALASAKIT NI MAYOR V!Muli na ...
15/07/2023

TINGNAN: BARANGAY OSMEΓ‘A WOMEN'S ASSOCIATION NAPAGKALOOBAN NG BIIK SA ILALIM NG PROGRAMANG MALASAKIT NI MAYOR V!

Muli na namang nagpaabot ng tulong pangkabuhayan ang ating abang lingkod Mayor V sa kanyang Programang Malasakit sa kabuhayan ang pamamahagi ng biik sa ating mga asosasyon na magkaroon ng adisyonal na pagkakakitaan.
Katuwang ang Municipal Administrator Office kasama ang kanilang Barangay Coordinator G. Menard Ballesca sa pag-asista para maiabot ang tulong mula sa ating Pamahalaang Lokal nito lang ika-12 ng Hulyo taong kasalukuyan na ginanap sa Bernabe Covered Court, Bgy. OsmeΓ±a.

Layunin ng Programang Malasakit ni Mayor V na matulungan ang bawat miyembro ng asosasyon sa kanilang panimulang pag- asenso ng kanilang hanapbuhay at makaalalay ito upang malimitahan ang kakulangan ng supply ng karne sa bayan ng Culion.




π™π™„π™‰π™‚π™‰π˜Όπ™‰: π™‹π™π™Šπ™‚π™π˜Όπ™ˆπ˜Όπ™‰π™‚ π™ˆπ˜Όπ™‡π˜Όπ™Žπ˜Όπ™†π™„π™ π™‹π˜Όπ™‚π™†π˜Όπ™†π˜Όπ™‡π™Šπ™Šπ˜½ 𝙉𝙂 π™Žπ™Šπ™‡π˜Όπ™ π™Žπ˜Ό 2π™‰π˜Ώ π˜½π˜Όπ™π˜Ύπ™ƒ π™‰π˜Ό π˜½π™€π™‰π™€π™‹π™„π™Žπ™”π˜Όπ™π™”π™Š 𝙉𝙂 π˜Ύπ˜Όπ™‰π™„π™ˆπ˜Όπ™‰π™‚π™Š π™ƒπ™Šπ™π™Žπ™„π™‰π™‚Minabuting ipinamaha...
12/07/2023

π™π™„π™‰π™‚π™‰π˜Όπ™‰: π™‹π™π™Šπ™‚π™π˜Όπ™ˆπ˜Όπ™‰π™‚ π™ˆπ˜Όπ™‡π˜Όπ™Žπ˜Όπ™†π™„π™ π™‹π˜Όπ™‚π™†π˜Όπ™†π˜Όπ™‡π™Šπ™Šπ˜½ 𝙉𝙂 π™Žπ™Šπ™‡π˜Όπ™ π™Žπ˜Ό 2π™‰π˜Ώ π˜½π˜Όπ™π˜Ύπ™ƒ π™‰π˜Ό π˜½π™€π™‰π™€π™‹π™„π™Žπ™”π˜Όπ™π™”π™Š 𝙉𝙂 π˜Ύπ˜Όπ™‰π™„π™ˆπ˜Όπ™‰π™‚π™Š π™ƒπ™Šπ™π™Žπ™„π™‰π™‚

Minabuting ipinamahagi ni Mayor V ang 64 units ng Solar Light System para sa 2nd Batch Canimango YPHP nito lamang July 10, 2023 sa harap ng NHA Yolanda Permanent Housing Project sa Canimango. Kung saan, ito ay mula sa 20% development fund ng ating pondo.

Lubos ang kagalakan ng ating mga kababayang excited nang tumira sa pabahay ng NHA at ang pasasalamat nila kay Mayor V sa pagbibigay katuparan ng mga Yolanda projects na kinalimutan ng mga nakalipas na administrasyon. Ganoon pa man ay alam ni Mayor V na sa paglipat ng mga maybahay ay matatagalan ang pagpapakabit ng mga kuryente dito dahil sa dami nila. Kaya naman, sa pamamagitan ng Programang Malasakit ay ibinahagi niya ang mga Solar lights na ito na kalaunan ay maaaring magamit sa kanilang mga hanap-buhay.



Address

Culion
5315

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Programang Malasakit sa mga Laylayang Komunidad ng Culion posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share