Brgy San Isidro Cuenca Batangas

Directions

Brgy San Isidro Cuenca Batangas Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Brgy San Isidro Cuenca Batangas, Public & Government Service, San Isidro, Cuenca.

24/08/2026

Isang mapagpalang araw po sa ating lahat.

KAMI PO BUONG SANGUNIANG BARANGAY, ay buong pusong nakikiramay sa buong Barangay San Isidro.
Sa loob ng maikling panahon, dalawang beses tayong nawalan ng ama ng ating barangay.
Una, ang pagpanaw ng ating minamahal na dating Punong Barangay ARTEMIO P. MAPOLON.
At ngayon, ang pagpanaw naman ng ating Punong Barangay SIXTO C. LOPEZ.
Hindi po madali tanggapin ito. Sila ay parehong naglingkod nang buong puso. Pareho silang nagmahal at nagsakripisyo para sa ikabubuti ng Barangay San Isidro.
Sa pamilya ng dalawang Kapitan, sa mga kaibigan, at sa lahat ng naulila - damang-dama po namin ang inyong sakit. Hindi po kayo nag-iisa.
Sa kabila ng lungkot at pagsubok na ito, hinihiling ko po ang inyong pagkakaisa.
Ang pinakamagandang pag-alala at pagpupugay natin sa kanila ay ang ipagpatuloy ang kanilang nasimulan - ang serbisyong tapat, ang pagkakaisa, at ang pagmamahal sa barangay.
Nangangako po ang Sangguniang Barangay na tuloy-tuloy ang serbisyo para sa inyo.
Walang maiiwan. Walang pababayaan. Nandito po kami para sa inyo.
Muli, maraming salamat po sa inyong suporta at dasal.
Sama-sama po tayong babangon para sa Barangay San Isidro.
"Ang tunay na lider ay hindi namamatay. Nabubuhay siya sa bawat serbisyong iniwan niya."
Maraming salamat po. Pagpalain tayo ng Panginoon.

Taos-pusong pasasalamat sa Rotary Club of Lipa Supreme sa pamumuno ni HWP President Maricel M. Evangelista, kasama sina ...
21/07/2026

Taos-pusong pasasalamat sa Rotary Club of Lipa Supreme sa pamumuno ni HWP President Maricel M. Evangelista, kasama sina AG Jovi Jumarang at hwp District 3820 gov. Jeremie Jansen Lo, gayundin sa LGU sa pangunguna ni Mayor Alex Magpantay, sa kanilang buong pusong suporta at pagtutulungan sa pagsasakatuparan ng ating Day Care Center.

Isang natatanging pagpupugay at taos-pusong pasasalamat din kay yumaong Punong Barangay Artemio P. Mapolon.
Condolence po sa Buong Pamilya.

Bagama't wala na siya sa ating piling, ang kanyang malasakit at dedikasyon sa komunidad ay patuloy na mabubuhay sa proyektong ito.

Ang Day Care Center na ito ay magiging pangmatagalang pamana na mapapakinabangan ng maraming henerasyon ng mga bata isang buhay na alaala ng kanyang pagmamahal at paglilingkod.

Maraming salamat sa inyong lahat. Sa pagtutulungan at pagkakaisa, patuloy nating binibigyan ng pag-asa at mas magandang kinabukasan ang ating mga kabataan.

Address

San Isidro
Cuenca
4222

Opening Hours

Monday 9am - 5pm
Tuesday 9am - 5pm
Wednesday 9am - 5pm
Thursday 9am - 5pm
Friday 9am - 5pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Brgy San Isidro Cuenca Batangas posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share