Office of the Municipal Agriculturist - Cuenca

Office of the Municipal Agriculturist - Cuenca This is the official page of the Office of the Municipal Agriculturist - Cuenca.

TingnanPatuloy na sumusuporta ang ating pamahalaan sa mga magsasaka, mangingisda, at maliliit na negosyante sa pamamagit...
12/05/2026

Tingnan

Patuloy na sumusuporta ang ating pamahalaan sa mga magsasaka, mangingisda, at maliliit na negosyante sa pamamagitan ng Kadiwa ng Pangulo! ๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญ๐ŸŒพ

Sa kasalukuyang ginaganap na Kadiwa ng Pangulo, tampok ang ibaโ€™t ibang sariwa, abot-kaya, at dekalidad na produkto.

Makikita sa mga susunod na larawan ang ilan sa ating masisipag na manininda at negosyante.

Tara na at mamili, huwag kalimutang magdala ng eco bag๐Ÿฅฐ

๐Ÿ“ฃ๐ŸŽ‰ PAANYAYA SA LAHAT! ๐ŸŽ‰๐Ÿ“ฃInaanyayahan po ang mga mamamayan ng Bayan ng Cuenca at mga karatig-bayan na makiisa, dumalo, at...
11/05/2026

๐Ÿ“ฃ๐ŸŽ‰ PAANYAYA SA LAHAT! ๐ŸŽ‰๐Ÿ“ฃ

Inaanyayahan po ang mga mamamayan ng Bayan ng Cuenca at mga karatig-bayan na makiisa, dumalo, at mamili sa kauna-unahang Katuwang sa Diwa at Gawa Para sa Masaganang Ani at Mataas na Kita o Kadiwa ng Pangulo (KNP) Program na gaganapin sa ating bayan!

๐Ÿ—“ Mayo 13, 2026 (Miyerkules)
๐Ÿ•– 7:00 ng umaga hanggang 4:00 ng hapon
๐Ÿ“ Pilapil Covered Court, Barangay Poblacion 3

Ang programang ito ay isinasagawa alinsunod sa mga patnubay ng DILG Memorandum Circular No. 2024-003 at iba pang kaugnay na kautusan ng pamahalaan upang:
โœ… suportahan ang ating mga lokal na magsasaka, mangingisda, at MSMEs
โœ… makapagbigay ng sariwa, dekalidad, at abot-kayang produkto sa mamamayan
โœ… mapalakas ang lokal na ekonomiya at kabuhayan ng ating komunidad

Marami pong mabibili sa Kadiwa ng Pangulo gaya ng:
๐Ÿฅฉ Karne at processed at cooked meat products โ€“ tapa, tocino, longganisa, chicharon, pork lechon at iba pa
๐ŸŸ Isda at iba pang produktong pangisdaan โ€“ hito, tilapia, ornamental fish at iba pa
๐Ÿฅš Itlog at poultry products โ€“ itlog, balut, penoy, cooked pugo at quail eggs
๐ŸฅฌMga produktong agrikultural โ€“ sariwang gulay, prutas, halamang ornamental, garden needs at iba pa
๐Ÿฅ›โ˜• Mga pagkain at inumin โ€“ gatas/dairy products, salabat, kape, tableya, concentrated calamansi, fruit shake, atsara, kakanin, siomai, bread and pastries
๐Ÿ‘•๐Ÿงบ Mga produktong gawa ng MSMEs โ€“ bed sheet, basahan, scented candles at marami pang iba
๐Ÿ๐Ÿ“๐Ÿ– Mga buhay na hayop โ€“ manok, kambing, native pig at iba pa

๐ŸŽŠ Kayaโ€™t halinaโ€™t magsidalo at mamili sa ating kauna-unahang Kadiwa ng Pangulo Program!
Suportahan natin ang produktong lokal at tulungan nating umunlad ang kabuhayan ng ating mga kababayan.

๐Ÿ›๏ธ Huwag kalimutang magdala ng MALAKING ECO BAG!
Mas marami tayong mabibili, mas makakatulong pa tayo sa kalikasan! ๐ŸŒฑโ™ป๏ธ

11/05/2026
KADIWA NG PANGULO SA BAYAN NG CUENCA       Inaanyayahan po namin kayo sa gaganaping KADIWA NG PANGULO (KNP) o ang "Katuw...
04/05/2026

KADIWA NG PANGULO SA BAYAN NG CUENCA

Inaanyayahan po namin kayo sa gaganaping KADIWA NG PANGULO (KNP) o ang "Katuwang sa Diwa at Gawa Para sa Masaganang Ani at Mataas na Kita" sa ating bayan. Ang programang ito ay inisyatibo ng ating pamahalaan na naglalayong maghatid ng abot-kaya, sariwa, at de-kalidad na produktong agrikultura at iba pa mula sa ating mga magsasaka, mangingisda at MSMEs (Micro, Small, and Medium Enterprises) patungo sa mga mamamayan.

๐Ÿ“ Lugar: Pilapil Covered Court, Poblacion 3, Cuenca, Batangas
๐Ÿ“… Petsa: Mayo 13, 2026
โฐ Oras: 7:00AM to 4:00PM

Ano ang inyong matatagpuan sa Kadiwa ng Pangulo?
โ€ข Sariwang Ani: Mga produktong agrikultural tulad gulay, prutas, isda at karne na mula sa magsasaka at mangingisda
โ€ข Processed Goods: Mga de-kalidad na produktong gawa ng ating mga MSMEs (Micro, Small, and Medium Enterprises)
โ€ข Mercato Stalls: Mga masasarap na ready-to-eat food para sa inyong meryenda at pagkain,

Layunin ng KADIWA na mapalakas ang kita ng ating mga magsasaka, mangingisda at MSMEs habang natutulungan ang bawat pamilyang Pilipino na makatipid sa gastusin. Suportahan po natin sila.

๐Ÿ‘‰ Kita-kits po tayo! Huwag kalimutang magdala ng eco-bag ๐Ÿ›๏ธ

25/04/2026

๐—ฃ๐—ฎ๐—ฎ๐—ป๐—ผ ๐—บ๐—ฎ๐—ด๐—ฝ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฒ๐—ต๐—ถ๐˜€๐˜๐—ฟ๐—ผ ๐˜€๐—ฎ ๐—™๐—ฎ๐—ฟ๐—บ๐—ฒ๐—ฟ๐˜€ ๐—ฎ๐—ป๐—ฑ ๐—™๐—ถ๐˜€๐—ต๐—ฒ๐—ฟ๐—ณ๐—ผ๐—น๐—ธ ๐—˜๐—ป๐˜๐—ฒ๐—ฟ๐—ฝ๐—ฟ๐—ถ๐˜€๐—ฒ ๐——๐—ฒ๐˜ƒ๐—ฒ๐—น๐—ผ๐—ฝ๐—บ๐—ฒ๐—ป๐˜ ๐—œ๐—ป๐—ณ๐—ผ๐—ฟ๐—บ๐—ฎ๐˜๐—ถ๐—ผ๐—ป ๐—ฆ๐˜†๐˜€๐˜๐—ฒ๐—บ (๐—™๐—™๐—˜๐——๐—œ๐—ฆ)?

Simple lang, may dalawang paraan ng pagpaparehistro sa FFEDIS!

๐—ข๐—ป๐—น๐—ถ๐—ป๐—ฒ ๐—ฅ๐—ฒ๐—ด๐—ถ๐˜€๐˜๐—ฟ๐—ฎ๐˜๐—ถ๐—ผ๐—ปโ€“ Para sa mga gumagamit ng teknolohiya at nagnanais ng mas mabilis at hassle free na proseso ng pagpaparehistro. Maaaring magparehistro sa pamamagitan ng link na ito:
https://ffedis.da.gov.ph/register

๐— ๐—ฎ๐—ป๐˜‚๐—ฎ๐—น ๐—ฅ๐—ฒ๐—ด๐—ถ๐˜€๐˜๐—ฟ๐—ฎ๐˜๐—ถ๐—ผ๐—ปโ€“ Para naman sa mga mas nais ang tradisyunal na paraan ng pagpaparehistro.

Anuman ang inyong piliin, mahalaga na kayo ay nakarehistro.

Kaya ano pang hinihintay ninyo? Magparehistro na!



18/04/2026
15/04/2026
13/04/2026
MARSO 24, 2026Ngayong araw ay matagumpay na naisagawa ang  libreng kapon at pugong (free spay and neuter) sa kabuuang 36...
24/03/2026

MARSO 24, 2026

Ngayong araw ay matagumpay na naisagawa ang libreng kapon at pugong (free spay and neuter) sa kabuuang 36 na a*o't pusa (16 lalakeng pusa, 14 lalakeng a*o, 4 babaeng pusa at 2 babaeng a*o) ng 25 responsableng pet owners sa ating bayan. Ito ay ginanap sa Old Agri Building, Municipal Compound Cuenca, Batangas. Lubos na pasasalamat ang ipinahahatid ng aming tanggapan sa Office of the Provincial Veterinarian - Batangas sa pangunguna ni Dr. Romelito Marasigan para maisagawa ang ganitong gawain. Patuloy ang mga aktibidad ng aming tanggapan na may kinalaman sa selebrasyon ngayong Marso na Rabies Awareness Month.

Mabuhay ang mga responsableng pet owners sa Bayan ng Cuenca!!!

NATIONWIDE SIMULTANEOUS ANTI-RABIES VACCINATION DRIVEMARSO 11, 2026Matagumpay na nakapagsagawa ng Nationwide Simultaneou...
12/03/2026

NATIONWIDE SIMULTANEOUS ANTI-RABIES VACCINATION DRIVE

MARSO 11, 2026
Matagumpay na nakapagsagawa ng Nationwide Simultaneous Mass Anti-Rabies Vaccination sa Barangay Bungahan Cuenca, Batangas. Kasabay ng nasabing aktibidad ang pamamahagi ng IEC materials patungkol sa kahalagahan ng pagpapaturok ng anti rabies para sa ligtas na bayan natin. Pasasalamat ang ipinaaabot ng aming tanggapan sa bumubuo ng Sangguniang Barangay ng Barangay Bungahan, sa pangunguna ng kanilang punong barangay Kgg. Elmer S. Tarin at sa mga responsible pet owners sa pagsuporta sa ginanap na mass anti-rabies vaccination sa kanilang barangay. Ang mga sumusunod ay ang bilang ng mga nabakunahan na hayop at bilang ng mga pet owners sa barangay:
Hayop na nabakunahan Bilang ng pet owners
275 - a*o Lalaki - 85
118- pusa Babae - 97
393 - total total -182

Kudos Barangay Bungahan!

โ€‹


Address

Barangay Bungahan
Cuenca
4222

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Telephone

+63437404819

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Office of the Municipal Agriculturist - Cuenca posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share