Barangay Kaunlaran Page - OFFlCIAL

Call Directions Contact the organization

Barangay Kaunlaran Page - OFFlCIAL Barangay Kaunlaran Official Page

Isang matagumpay at makabuluhang General Assembly ang isinagawa sa Barangay Kaunlaran na dinaluhan ng ating mga kabarang...
25/10/2026

Isang matagumpay at makabuluhang General Assembly ang isinagawa sa Barangay Kaunlaran na dinaluhan ng ating mga kabarangay, opisyales, at iba pang mga panauhin. Sa nasabing pagtitipon, masusing tinalakay ang iba’t ibang proyekto ng barangay na naglalayong mapabuti ang serbisyo publiko, kalinisan, kaayusan, kaligtasan, at pangkabuhayan ng bawat mamamayan.

Ibinahagi rin ang mahahalagang ordinansa—mga umiiral at mga panukala—na layong mapanatili ang disiplina, kapayapaan, at kaayusan sa ating komunidad. Nagkaroon din ng ulat hinggil sa mga naging accomplishments at tagumpay sa pamumuno ng ating Punong Barangay Christopher D**g Cheng, kabilang ang mga programang pangkalusugan, imprastraktura, edukasyon, at serbisyong panlipunan.

Maraming salamat po sa inyong suporta at pakikiisa!

SERBISYONG PANGKALUSUGAN, LIBRE PARA SA ATING MGA KABARANGAY!May kailangan bang gumamit ng nebulizer? Huwag mag-alala, d...
25/10/2026

SERBISYONG PANGKALUSUGAN, LIBRE PARA SA ATING MGA KABARANGAY!

May kailangan bang gumamit ng nebulizer? Huwag mag-alala, dahil handog ng Barangay Kaunlaran ang LIBRENG NEBULIZER para sa mga constituent na nangangailangan nito!

📌 Ano ang kailangang dalhin?
✅ Medical Certificate na nagpapatunay na kinakailangan ng pasyente ang nebulizer.

📍 Paano makakuha?
1️⃣ Magtungo sa Barangay Kaunlaran Hall
2️⃣ Magpalista sa aming opisina at ipakita ang medical certificate.
3️⃣ Sagutin ang mga kinakailangang katanungan tungkol sa inyong pangangailangan.

Para sa karagdagang impormasyon, magtungo lamang sa Barangay Kaunlaran.

Patuloy ang ating pagsisikap na maghatid ng serbisyong pangkalusugan na abot-kamay at may malasakit para sa bawat pamilyang Kaunlaran!

41 APPROVED BARANGAY ORDINANCES. Hindi ito basta numero—patunay ito ng sipag, tiwala, at tunay na paglilingkod.Taos-puso...
24/10/2026

41 APPROVED BARANGAY ORDINANCES. Hindi ito basta numero—patunay ito ng sipag, tiwala, at tunay na paglilingkod.

Taos-puso akong nagpapasalamat sa limang kagawad na nagsikap gumawa ng mga ordinansang nais nating ipatupad sa ating barangay. Ang mga ordinansang ito ay hindi na lamang mga panukala o ideya—mga batas na ito ng ating barangay na inaasahan nating magdudulot ng tunay na pakinabang sa ating mga kababayan.

Sa bawat tawag ko, sa bawat pangangailangan nating gumawa ng ordinansa para sa ikabubuti ng ating komunidad, hindi ninyo ako binigo. Kumikilos kayo agad, ginagawa ang inyong tungkulin, at pinatutunayan na kapag may malasakit at dedikasyon, may resulta.

Maraming salamat sa tiwala at respeto na kusang-loob ninyong ibinigay sa akin. Para sa akin, ang tunay na respeto ay hindi hinihingi, hindi ipinipilit, at lalong hindi nakukuha sa titulo o posisyon. Ito ay kusang ibinibigay sa taong marunong rumespeto, tumupad sa salita, at maging karapat-dapat dito.

Dahil ang respeto, kung tunay, ay hindi kailangang ipagsigawan—nakikita ito sa kilos, sa pakikitungo, at sa paraan ng pagtupad sa responsibilidad.

Hindi ko man palaging sabihin, pinahahalagahan ko ang mga taong marunong makisama, tumupad sa usapan, at kumilala sa tiwalang ibinibigay sa kanila. Sa pamumuno, hindi sapat ang salita lamang. Ang mahalaga ay gawa, paninindigan, at respeto sa isa’t isa.

Sa limang kagawad na ito, maraming salamat. Ipinagmamalaki ko kayo. Patuloy tayong gumawa ng mga ordinansang may tunay na silbi at pakinabang sa ating mga kababayan.

Dito sa Barangay Kaunlaran, ang tunay na serbisyo ay may gawa, ang tunay na tiwala ay may paninindigan, at ang tunay na respeto ay kusang ibinibigay—hindi ipinipilit.

Mensahe ng ating Punong Barangay.🩵

🎄 KAUNLARAN HOLIDAY BAZAAR YEAR 3 🎄The Barangay Kaunlaran, Quezon City, invites interested business owners, entrepreneur...
24/10/2026

🎄 KAUNLARAN HOLIDAY BAZAAR YEAR 3 🎄

The Barangay Kaunlaran, Quezon City, invites interested business owners, entrepreneurs, and local merchants to join the Kaunlaran Holiday Bazaar Year 3!

Showcase your products, promote your business, and be part of our community’s festive holiday celebration!

📍 NEW BAZAAR LOCATION

Aurora Boulevard corner N. Domingo Street, in front of the former Barangay Kaunlaran Hall.

📅 TENTATIVE BAZAAR SCHEDULE

Every Friday, Saturday, and Sunday, starting on the last week of November 2026.

📝 MERCHANT REGISTRATION DETAILS

Interested participants are requested to provide the following information:

* Name:
* Name of Business:
* Nature of Business:

📌 FOR INQUIRIES AND REGISTRATION

Please visit the Barangay Kaunlaran Hall and look for Chief of Staff Kyle Elagio for further information and registration details.

We encourage all interested merchants to take this opportunity to showcase their products and grow their businesses this holiday season.

🎁 Be part of the tradition. Be part of Kaunlaran Holiday Bazaar Year 3!

Barangay Kaunlaran — Sama-sama sa mas masayang Pasko! 🎄✨

📣 MERCHANTS APPLICATION WILL BE OPEN STARTING ON MONDAY: PLEASE MAKE SURE THAT YOU ARE REGISTERED ON THE LINK BELOW BEFORE PROCEEDING AT THE BARANGAY HALL 📣

https://qc-sbcdpo.com/KNKaunlaran26-PreReg

DISTRICT IV PUBLIC HEARING | COMPREHENSIVE QUEZON CITY ZONING ORDINANCE OF 2026 (PO-23CC-27)Nakiisa sa isinagawang Distr...
23/10/2026

DISTRICT IV PUBLIC HEARING | COMPREHENSIVE QUEZON CITY ZONING ORDINANCE OF 2026 (PO-23CC-27)

Nakiisa sa isinagawang District IV Public Hearing para sa Comprehensive Quezon City Zoning Ordinance of 2026 ang ating mga panauhing sina Councilor Atty. Vincent Belmonte, Councilor Egay Yap, AO Zandy Zacate, at ang ating Punong Barangay Christopher D**g Cheng.

Ang naturang public hearing ay mahalagang pagkakataon upang mapakinggan ang mga saloobin, suhestiyon, at rekomendasyon ng mga mamamayan hinggil sa panukalang zoning ordinance na naglalayong makatulong sa maayos na pagpaplano at pagpapaunlad ng Lungsod Quezon.

Quezon City Mental Health in the Workplace“Lived Experiences, Real Voices, Real Change”Dumalo si BHW Minda Manzo sa prog...
22/10/2026

Quezon City Mental Health in the Workplace

“Lived Experiences, Real Voices, Real Change”

Dumalo si BHW Minda Manzo sa programang naglalayong palawakin ang kamalayan tungkol sa mental health sa lugar ng trabaho, itaguyod ang bukas na pag-uusap, at bigyang-halaga ang mga tunay na karanasan at tinig ng bawat isa.

Sama-sama nating isulong ang isang ligtas, maunawain, at suportadong kapaligiran para sa kalusugang pangkaisipan.

ALERT QC | DAY 1Nakiisa at dumalo ang ating mga staff sa ALERT QC Day 1 bilang bahagi ng patuloy na pakikilahok sa mga p...
22/10/2026

ALERT QC | DAY 1

Nakiisa at dumalo ang ating mga staff sa ALERT QC Day 1 bilang bahagi ng patuloy na pakikilahok sa mga programa at gawaing naglalayong palakasin ang kahandaan, kaalaman, at kakayahan ng ating mga kawani sa paglilingkod sa komunidad.

Patuloy ang ating suporta sa mga programang nagtataguyod ng mas ligtas, handa, at maunlad na Quezon City.

Barangay Kaunlaran — Sama-sama sa Kahandaan!

Be part of the conversation shaping the future of Quezon City. 📢The District IV Public Hearing on the Comprehensive Quez...
21/10/2026

Be part of the conversation shaping the future of Quezon City. 📢

The District IV Public Hearing on the Comprehensive Quezon City Zoning Ordinance of 2026 (PO-23CC-278) will take place on October 23, 2026, from 9AM to 12NN at Robinsons Magnolia, Level 2 near Sarabia Optical.

Residents and community members are encouraged to attend, share their insights, and learn more about the proposed zoning ordinance. 🗣️

Scan the QR code to pre-register and access the materials!


19/10/2026

Taos-pusong pasasalamat po kay Mayor Joy Belmonte, na patuloy naming hinahangaan at ginagawang inspirasyon sa paglilingkod sa ating mga kababayan. ❤️

Dahil sa inyong halimbawa, lalo po kaming ginaganahang magsikap at magpatuloy. Hindi po titigil ang Barangay Kaunlaran sa pagbuo ng mga programa at paghahatid ng serbisyong tunay na makatutulong sa bawat sektor ng ating komunidad.

Hindi man po namin magawa ang lahat nang sabay-sabay, sisikapin naming walang sektor na mapabayaan at bawat hakbang ay may layuning mapabuti ang buhay ng ating mga nasasakupan.

Mapagkumbaba sa paglilingkod, ngunit buong pagmamalaki sa mga programang para sa mamamayan.

Maraming salamat po, Mayor Joy Belmonte, sa inspirasyon at halimbawang ipinapakita ninyo. Patuloy po kaming magsisikap para sa isang mas maunlad, mas maalaga, at mas nagkakaisang Barangay Kaunlaran! 💙



Masustansyang Pagkain, Masiglang Kabataan— Saturday Meal Preparation for the Feeding ProgramPatuloy ang ating adbokasiya...
18/10/2026

Masustansyang Pagkain, Masiglang Kabataan— Saturday Meal Preparation for the Feeding Program

Patuloy ang ating adbokasiya sa kalusugan para sa mga batang underweight sa Barangay Kaunlaran! Feeding Program na pinangungunahan ng ating butihing Punong Barangay Christopher D**g Cheng, kasama si Kagawad Christopher John Duque at ang buong konseho.

Layunin ng programang ito na masigurong masustansya, sapat, at ligtas ang pagkaing inihahain sa mga kabataang nangangailangan, upang matulungan silang maabot ang kanilang tamang timbang at makaiwas sa malnutrisyon.

Ang mga benepisyaryo ng programa ay naitala mula sa Cubao Health Center at sumailalim sa isang orientation bago ang pagsisimula ng programa.

Maraming salamat po sa lahat ng katuwang sa adhikaing ito!

Address

22 Mayor Ignacio Diaz Santos Street
Cubao

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm
Saturday 8am - 12am

Telephone

+639670541098

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Barangay Kaunlaran Page - OFFlCIAL posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Barangay Kaunlaran Page - OFFlCIAL:

Shortcuts

Share