Office of the Chief Minister - Strategic Communications

Office of the Chief Minister - Strategic Communications The primary source of official messaging and public positioning of BARMM Chief Minister Abdulraof "Sammy Gambar" A. Macacua
(3)

Upholding Moral Governance by ensuring timely, truthful, and transparent communication between the Office of the Chief Minster and the Bangsamoro people.

๐—–๐—  ๐— ๐—”๐—–๐—”๐—–๐—จ๐—” ๐—ฆ๐—” ๐— ๐—œ๐—Ÿ๐—™ ๐—ฆ๐—จ๐—ฆ๐—ฃ๐—˜๐—ก๐—ฆ๐—œ๐—ข๐—ก: "๐—ž๐—œ๐—ก๐—”๐—œ๐—Ÿ๐—”๐—ก๐—š๐—”๐—ก ๐—ž๐—ข๐—ก๐—š ๐—ฃ๐—”๐—ก๐—”๐—š๐—จ๐—ง๐—œ๐—ก ๐—”๐—ก๐—š ๐—ง๐—”๐—ก๐—ข๐—ก๐—š ๐—ก๐—š ๐—–๐—ข๐—” ๐—ฆ๐—” โ‚ฑ๐Ÿฎ.๐Ÿฎ-๐—•๐—œ๐—Ÿ๐—ฌ๐—ข๐—ก๐—š ๐—ฃ๐—ข๐—ก๐——๐—ข ๐—ก๐—š ๐— ๐—•๐—›๐—ง๐—˜"COTABATO CIT...
06/06/2026

๐—–๐—  ๐— ๐—”๐—–๐—”๐—–๐—จ๐—” ๐—ฆ๐—” ๐— ๐—œ๐—Ÿ๐—™ ๐—ฆ๐—จ๐—ฆ๐—ฃ๐—˜๐—ก๐—ฆ๐—œ๐—ข๐—ก: "๐—ž๐—œ๐—ก๐—”๐—œ๐—Ÿ๐—”๐—ก๐—š๐—”๐—ก ๐—ž๐—ข๐—ก๐—š ๐—ฃ๐—”๐—ก๐—”๐—š๐—จ๐—ง๐—œ๐—ก ๐—”๐—ก๐—š ๐—ง๐—”๐—ก๐—ข๐—ก๐—š ๐—ก๐—š ๐—–๐—ข๐—” ๐—ฆ๐—” โ‚ฑ๐Ÿฎ.๐Ÿฎ-๐—•๐—œ๐—Ÿ๐—ฌ๐—ข๐—ก๐—š ๐—ฃ๐—ข๐—ก๐——๐—ข ๐—ก๐—š ๐— ๐—•๐—›๐—ง๐—˜"

COTABATO CITY โ€” Iginiit ni Chief Minister Abdulraof "Sammy Gambar" A. Macacua na ang kanyang naging aksyon kaugnay ng mga COA findings sa humigit-kumulang โ‚ฑ2.2 bilyong pondo ng Ministry of Basic, Higher and Technical Education (MBHTE) ay hindi usaping pulitikal kundi bahagi ng kanyang legal at moral na obligasyon bilang pinuno ng Bangsamoro Government.

Sa isang pahayag na inilabas matapos ang kanyang indefinite suspension bilang Chief of Staff ng Bangsamoro Islamic Armed Forces (BIAF), sinabi ni Macacua na hindi maaaring ipagpaliban ang pananagutan dahil lamang sa pulitika o personal na relasyon.

"When the Commission on Audit raised serious questions regarding two billion pesos in our education funds, it was not a political issue. It was a legal obligation," ani Macacua.

Ayon sa kanya, walang puwang ang pagwawalang-bahala sa mga seryosong usapin ng public funds, lalo na kung ang layunin ay mapanatili ang kredibilidad ng Bangsamoro Government at ng mga institusyong bunga ng mahabang pakikibaka ng mamamayang Bangsamoro.

"If we want our autonomous region to be respected, we must prove that our institutions are stronger than our personal relationships," dagdag niya.

Ang pahayag na ito ay iniuugnay ng marami sa kontrobersiya sa MBHTE at sa naging desisyon ni Macacua kaugnay ni dating Education Minister Mohagher Iqbal, isa sa mga kilalang lider ng M**F at matagal niyang kasamang โ€œbrother in armsโ€ sa Bangsamoro struggle.

Sa kabila ng kanilang mahabang samahan bilang kapwa mujahideen at mga beterano ng kilusan, ipinahihiwatig ng pahayag ng Chief Minister na ang personal na relasyon at pinagsamahan sa pakikibaka ay hindi dapat maging hadlang sa pagpapatupad ng pananagutan kapag may mga seryosong usaping kailangang tugunan ng pamahalaan.

Gayunman, walang bahagi ng pahayag ni Macacua na tumutukoy kay M**F Chairman Al-Haj Murad Ebrahim. Sa halip, ang diin ng kanyang mensahe ay ang prinsipyong alinsunod mismo sa prinsipyo ni Ebrahim na kanyang binanggit sa mga nakaraang pahayagโ€”ang pagpapatuloy ng laban kontra "manipulation, nepotism, lalo na ang graft and corruption" sa loob ng pamahalaan.

Binigyang-diin ni Macacua na ang pagtatatag ng BARMM ay bunga ng mahigit apat na dekadang pakikibaka ng mga mujahideen at mga Bangsamoro na nagsakripisyo para sa kapayapaan at sariling pamamahala. Para sa kanya, ang tunay na bunga ng pakikibakang ito ay hindi lamang pagkakaroon ng sariling pamahalaan kundi ang pagtatayo ng matitibay at mapagkakatiwalaang institusyon.

Aniya, mawawalan ng saysay ang mga institusyong ito kung magkakaroon ng kinikilingan at hindi pantay na pagpapatupad ng pananagutan.

Sa pananaw ng Chief Minister, kapag naging mas mahalaga ang personal na relasyon kaysa sa institusyon, nagiging normal ang kawalan ng hustisya at unti-unting nawawala ang tiwala ng mamamayan sa pamahalaan.

Upang maipakita ang laki ng halagang pinag-uusapan, ang โ‚ฑ2.2 bilyon ay maaaring magkasya sa isang van kapag nakaimpake sa salaping papel. Maaari rin itong makapagpaaral ng tinatayang 11,000 estudyante sa kolehiyo kung gagamitin bilang scholarship fund. Para naman sa isang manggagawang kumikita ng โ‚ฑ50,000 kada buwan, aabutin ng halos 3,700 taon ng tuluy-tuloy na pagtatrabaho bago maipon ang parehong halaga.

Dahil dito, sinabi ni Macacua na hindi maaaring balewalain ng pamahalaan ang anumang tanong o alegasyon na may kinalaman sa paggamit ng pampublikong pondo.

Kasabay nito, nilinaw ng Chief Minister na hindi ito usapin ng power struggle sa loob ng M**F o ng Bangsamoro Government.

"This is not about an internal struggle for power. The work of the BARMM must continue without interruption. Our ministries remain open, our public services are running, and our preparation for the upcoming elections continues exactly as planned," aniya.

Sa huli, nanawagan si Macacua sa mga Bangsamoro na manatiling nagkakaisa at huwag hayaang manaig ang pulitika sa layunin ng mabuting pamamahala at matatag na institusyon.

"I remain a servant of our struggle, and I will continue to do my duty to the law and to our people, quietly and faithfully," pagtatapos ng Chief Minister.

๐ŸŒ ๐‚๐Œ ๐’๐š๐ฒ๐ฌ | โ€œ๐“๐ฎ๐ฅ๐จ๐ฒ ๐ง๐š๐ญ๐ข๐ง ๐š๐ง๐  ๐ฅ๐š๐›๐š๐ง ๐ฌ๐š ๐ฆ๐š๐ง๐ข๐ฉ๐ฎ๐ฅ๐š๐ญ๐ข๐จ๐ง, ๐ง๐ž๐ฉ๐จ๐ญ๐ข๐ฌ๐ฆ ๐ฅ๐š๐ฅ๐จ ๐ง๐š ๐ฌ๐š ๐ ๐ซ๐š๐Ÿ๐ญ ๐š๐ง๐ ๐‚๐Ž๐‘๐‘๐”๐๐“๐ˆ๐Ž๐.โ€Sa gitna ng mga hamon at u...
05/06/2026

๐ŸŒ ๐‚๐Œ ๐’๐š๐ฒ๐ฌ | โ€œ๐“๐ฎ๐ฅ๐จ๐ฒ ๐ง๐š๐ญ๐ข๐ง ๐š๐ง๐  ๐ฅ๐š๐›๐š๐ง ๐ฌ๐š ๐ฆ๐š๐ง๐ข๐ฉ๐ฎ๐ฅ๐š๐ญ๐ข๐จ๐ง, ๐ง๐ž๐ฉ๐จ๐ญ๐ข๐ฌ๐ฆ ๐ฅ๐š๐ฅ๐จ ๐ง๐š ๐ฌ๐š ๐ ๐ซ๐š๐Ÿ๐ญ ๐š๐ง๐ ๐‚๐Ž๐‘๐‘๐”๐๐“๐ˆ๐Ž๐.โ€

Sa gitna ng mga hamon at usaping kinahaharap ng Bangsamoro Government, muling pinagtibay ni Chief Minister Abdulraof "Sammy Gambar" A. Macacua ang kanyang paninindigan para sa reporma, pananagutan, at mabuting pamamahala.

Aniya, dapat managot ang mga nagkulang sa pagtupad ng kanilang tungkulin, lalo na sa mga proyektong inilaan para sa kapakanan ng mamamayan. Walang puwang ang katiwalian, nepotismo, at anumang uri ng pagmamanipula sa isang pamahalaang nakasandig sa tiwala ng taumbayan.

โ€œI will institute more reform. Expect it.โ€

Sa pagpapatuloy ng laban para sa moral governance, nananatiling malinaw ang direksyon: higit na transparency, mas matatag na accountability, at serbisyong tunay na nararamdaman ng bawat Bangsamoro.


๐—–๐—  ๐— ๐—”๐—–๐—”๐—–๐—จ๐—” ๐—ก๐—”๐—ž๐—œ๐—ฃ๐—”๐—š๐—ฃ๐—จ๐—Ÿ๐—ข๐—ก๐—š ๐—ฆ๐—” ๐—ฆ๐—”๐—จ๐——๐—œ ๐—”๐— ๐—•๐—”๐—ฆ๐—ฆ๐—”๐——๐—ข๐—ฅ; ๐—ง๐—œ๐—ก๐—”๐—Ÿ๐—”๐—ž๐—”๐—ฌ ๐—”๐—ก๐—š ๐— ๐—”๐—Ÿ๐—”๐—ช๐—”๐—ž ๐—ก๐—” ๐—ข๐—ฃ๐—ข๐—ฅ๐—ง๐—จ๐—ก๐—œ๐——๐—”๐—— ๐—ฆ๐—” ๐—ง๐—ฅ๐—”๐—•๐—”๐—›๐—ข ๐—”๐—ง ๐—œ๐—ก๐—ฉ๐—˜๐—ฆ๐—ง๐— ๐—˜๐—ก๐—ง๐—ฆ ๐—ฃ๐—”๐—ฅ๐—” ๐—ฆ๐—” ๐—•๐—”๐—ก...
05/06/2026

๐—–๐—  ๐— ๐—”๐—–๐—”๐—–๐—จ๐—” ๐—ก๐—”๐—ž๐—œ๐—ฃ๐—”๐—š๐—ฃ๐—จ๐—Ÿ๐—ข๐—ก๐—š ๐—ฆ๐—” ๐—ฆ๐—”๐—จ๐——๐—œ ๐—”๐— ๐—•๐—”๐—ฆ๐—ฆ๐—”๐——๐—ข๐—ฅ; ๐—ง๐—œ๐—ก๐—”๐—Ÿ๐—”๐—ž๐—”๐—ฌ ๐—”๐—ก๐—š ๐— ๐—”๐—Ÿ๐—”๐—ช๐—”๐—ž ๐—ก๐—” ๐—ข๐—ฃ๐—ข๐—ฅ๐—ง๐—จ๐—ก๐—œ๐——๐—”๐—— ๐—ฆ๐—” ๐—ง๐—ฅ๐—”๐—•๐—”๐—›๐—ข ๐—”๐—ง ๐—œ๐—ก๐—ฉ๐—˜๐—ฆ๐—ง๐— ๐—˜๐—ก๐—ง๐—ฆ ๐—ฃ๐—”๐—ฅ๐—” ๐—ฆ๐—” ๐—•๐—”๐—ก๐—š๐—ฆ๐—”๐— ๐—ข๐—ฅ๐—ข

๐— ๐—”๐—ž๐—”๐—ง๐—œ ๐—–๐—œ๐—ง๐—ฌ, ๐— ๐—˜๐—ง๐—ฅ๐—ข ๐— ๐—”๐—ก๐—œ๐—Ÿ๐—” โ€” Isang makabuluhang diplomatic engagement ang isinagawa ni Chief Minister Abdulraof "Sammy Gambar" A. Macacua matapos ang courtesy visit nito kay ๐‡๐ข๐ฌ ๐„๐ฑ๐œ๐ž๐ฅ๐ฅ๐ž๐ง๐œ๐ฒ ๐…๐š๐ข๐ฌ๐š๐ฅ ๐„๐›๐ซ๐š๐ก๐ž๐ž๐ฆ ๐€๐ฅ๐ ๐ก๐š๐ฆ๐๐ข, ๐€๐ฆ๐›๐š๐ฌ๐ฌ๐š๐๐จ๐ซ ๐ง๐  ๐Š๐ข๐ง๐ ๐๐จ๐ฆ ๐จ๐Ÿ ๐’๐š๐ฎ๐๐ข ๐€๐ซ๐š๐›๐ข๐š ๐ฌ๐š ๐‘๐จ๐ฒ๐š๐ฅ ๐„๐ฆ๐›๐š๐ฌ๐ฌ๐ฒ ๐จ๐Ÿ ๐’๐š๐ฎ๐๐ข ๐€๐ซ๐š๐›๐ข๐š ๐ข๐ง ๐ญ๐ก๐ž ๐๐ก๐ข๐ฅ๐ข๐ฉ๐ฉ๐ข๐ง๐ž๐ฌ ngayong June 5, 2026.

Sa nasabing pulong, tinalakay ang pagpapalakas ng ugnayan sa pagitan ng Bangsamoro at Saudi Arabia, partikular sa larangan ng employment at investment opportunities.

Sa gitna ng pag-uusap, ipinahayag ng Saudi Ambassador ang pangangailangan ng kanilang bansa sa workforce, isang malinaw na oportunidad para sa mga Bangsamoro na naghahanap ng trabaho sa abroad. Bukod dito, napag-usapan din ang posibleng pagpasok ng mga pamumuhunan na magpapalago sa ekonomiya ng Bangsamoro, na inaasahang magbubukas ng mas maraming hanapbuhay at negosyo sa rehiyon.

Nagpahayag din ng matibay na commitment ang pamahalaan ng Saudi Arabia na suportahan ang Bangsamoro Government sa pamamagitan ng pagbibigay ng trabaho at pagpapalawak ng investment partnerships. Ang hakbang na ito ay itinuturing na isang malaking milestone sa pagpapalakas ng international cooperation, isang konkretong patunay ng pagsusumikap na maiangat ang antas ng kabuhayan ng mamamayan tungo sa isang mas progresibo at .


READ: STATEMENT OF BARMM CHIEF MINISTER ABDULRAOF "SAMMY GAMBAR" A. MACACUA ON HIS COMMITMENT TO SERVE THE BANGSAMORO PE...
05/06/2026

READ: STATEMENT OF BARMM CHIEF MINISTER ABDULRAOF "SAMMY GAMBAR" A. MACACUA ON HIS COMMITMENT TO SERVE THE BANGSAMORO PEOPLE

๐๐€๐๐ˆ๐๐ˆ๐๐ƒ๐ˆ๐†๐€๐. ๐๐€๐๐€๐๐€๐†๐”๐“๐€๐. ๐๐€๐†๐๐€๐๐€๐†๐Ž.Ito ang landas ng Mas Matatag na Bangsamoro, isang pamahalaang hindi natitinag laba...
05/06/2026

๐๐€๐๐ˆ๐๐ˆ๐๐ƒ๐ˆ๐†๐€๐. ๐๐€๐๐€๐๐€๐†๐”๐“๐€๐. ๐๐€๐†๐๐€๐๐€๐†๐Ž.

Ito ang landas ng Mas Matatag na Bangsamoro, isang pamahalaang hindi natitinag laban sa manipulation, nepotism, at korapsyon.

Sa pagpapatuloy ng nasimulan ni Ameer Al-Hajj Murad Ebrahim at sa bagong liderato ni Chief Minister Abdulraof "Sammy Gambar" A. Macacua, pinagtitibay ang isang sistemang nakaugat sa moral governance para sa kapakanan ng bawat Bangsamoro.

Hindi ito pangako lamangโ€”ito ay panata.


๐—–๐—  ๐— ๐—”๐—–๐—”๐—–๐—จ๐—” ๐—ฆ๐—” ๐— ๐—•๐—›๐—ง๐—˜ ๐—–๐—ข๐—ก๐—ง๐—ฅ๐—ข๐—ฉ๐—˜๐—ฅ๐—ฆ๐—ฌ: '๐—ช๐—”๐—œ๐—ง ๐—™๐—ข๐—ฅ ๐— ๐—ฌ ๐—™๐—จ๐—Ÿ๐—Ÿ ๐—˜๐—ซ๐—ฃ๐—Ÿ๐—”๐—ก๐—”๐—ง๐—œ๐—ข๐—ก'; ๐—ง๐—จ๐—Ÿ๐—ข๐—ฌ ๐—”๐—ก๐—š ๐—ฅ๐—˜๐—™๐—ข๐—ฅ๐— ๐—ฆ ๐—”๐—ง ๐—”๐—ก๐—ง๐—œ-๐—–๐—ข๐—ฅ๐—ฅ๐—จ๐—ฃ๐—ง๐—œ๐—ข๐—ก ๐——๐—ฅ๐—œ๐—ฉ๐—˜COTABATO CITY...
05/06/2026

๐—–๐—  ๐— ๐—”๐—–๐—”๐—–๐—จ๐—” ๐—ฆ๐—” ๐— ๐—•๐—›๐—ง๐—˜ ๐—–๐—ข๐—ก๐—ง๐—ฅ๐—ข๐—ฉ๐—˜๐—ฅ๐—ฆ๐—ฌ: '๐—ช๐—”๐—œ๐—ง ๐—™๐—ข๐—ฅ ๐— ๐—ฌ ๐—™๐—จ๐—Ÿ๐—Ÿ ๐—˜๐—ซ๐—ฃ๐—Ÿ๐—”๐—ก๐—”๐—ง๐—œ๐—ข๐—ก'; ๐—ง๐—จ๐—Ÿ๐—ข๐—ฌ ๐—”๐—ก๐—š ๐—ฅ๐—˜๐—™๐—ข๐—ฅ๐— ๐—ฆ ๐—”๐—ง ๐—”๐—ก๐—ง๐—œ-๐—–๐—ข๐—ฅ๐—ฅ๐—จ๐—ฃ๐—ง๐—œ๐—ข๐—ก ๐——๐—ฅ๐—œ๐—ฉ๐—˜

COTABATO CITY โ€” Sinabi ni Chief Minister Abdulraof "Sammy Gambar" A. Macacua na magbibigay siya sa lalong madaling panahon ng detalyadong paliwanag hinggil sa pagtanggal kay dating Education Minister Mohagher Iqbal mula sa Ministry of Basic, Higher and Technical Education (MBHTE), habang muling pinagtitibay ang kanyang paninindigan na isulong ang mga reporma, pananagutan, at mga hakbang laban sa korapsyon sa Bangsamoro Government.

Sa isang pahayag na inilabas kasunod ng desisyon ng Moro Islamic Liberation Front na suspendihin siya nang walang takdang panahon bilang Chief of Staff ng Bangsamoro Islamic Armed Forces (BIAF), kinilala ni Macacua na ang isyu ng MBHTE ay kabilang sa mga usaping binanggit sa resolusyon.

Gayunpaman, sinabi niya na ang isang komprehensibong paliwanag ay ilalahad sa tamang panahon.

"Hintayin na lang siguro ang final na explanation ko dito kasi mahaba talaga ang sagot dito. Wait lang mga guys ha, darating tayo diyan," ani CM Macacua.

Ang kontrobersiya ay nag-ugat sa naging desisyon ni Macacua noong unang bahagi ng taon na hilingin ang pagbibitiw ni Iqbal sa gitna ng mga isyung kinasasangkutan ng humigit-kumulang โ‚ฑ2.2 bilyong transaksyon at gastusin na naitala sa audit findings at mga reklamong inihain sa mga oversight authorities. Nagdulot ito ng pampublikong diskurso at magkakaibang pananaw sa loob ng pamunuan ng Bangsamoro hinggil sa pananagutan, due process, at paghawak sa mga matataas na opisyal.

Sa kabila ng mga batikos, ipinahiwatig ni Macacua na nananatili siyang matatag sa mga desisyong kanyang ginawa bilang Chief Minister.

"Tungkol sa akin, paninindigan natin ang ating decision," aniya.

Binigyang-diin din ng Chief Minister na magpapatuloy ang agenda ng kanyang administrasyon para sa mga reporma, lalo na ang pagtugon sa korapsyon, nepotism, at mga kakulangan sa kahusayan ng mga programa ng pamahalaan.

Ayon kay CM Macacua, ang pananagutan ay dapat umabot hanggang sa mga hindi natapos at naantalang mga proyekto ng pamahalaan, kabilang ang pabahay, imprastraktura, at iba pang mga proyektong pampubliko na hindi naihatid ang inaasahang benepisyo sa mga komunidad sa kabila ng paggastos ng pondo ng bayan.

"Tuloy natin ang laban sa manipulation, nepotism lalo na sa graft and corruption," aniya.

Binigyang-diin pa niya ang pangangailangang papanagutin ang mga indibidwal na responsable sa mga proyektong nananatiling hindi tapos at magsagawa ng legal na hakbang kung kinakailangan.

"Habulin natin ang mga taong hindi tumapos ng project, pabahay man o kalsada at mga iba pang project. Kung kailangan mag-file tayo ng kaso, mag-file tayo," dagdag niya.

Nangako rin si Macacua na magpapatupad pa siya ng karagdagang mga reporma sa ilalim ng kanyang administrasyon.

"I will institute more reform. Expect it," aniya.

Bagamaโ€™t ang suspensyon ng M**F ay nagtanggal sa kanya sa kanyang tungkulin bilang Chief of Staff ng BIAF, ipinahiwatig ni CM Macacua na nananatili siyang nakatuon sa pamamahala at sa pangangalaga ng mga nakamit ng prosesong pangkapayapaan sa Bangsamoro sa pamamagitan ng transparency, pananagutan, at epektibong serbisyong pampubliko.

Hindi pa inilalabas ng Chief Minister ang kanyang detalyadong tugon hinggil sa kontrobersiya sa MBHTE, na nananatiling isa sa mga pangunahing usaping binanggit sa resolusyon ng M**F Central Committee.


๐—–๐—  ๐— ๐—”๐—–๐—”๐—–๐—จ๐—” ๐—ฆ๐—” ๐— ๐—œ๐—Ÿ๐—™ ๐—ฆ๐—จ๐—ฆ๐—ฃ๐—˜๐—ก๐—ฆ๐—œ๐—ข๐—ก: ๐—ก๐—”๐—š-๐—œ๐—ก๐——๐—˜๐—ฃ๐—˜๐—ก๐——๐—˜๐—ก๐—ง ๐—”๐—ž๐—ข ๐—ฃ๐—”๐—ฅ๐—” ๐—ฃ๐—”๐—ง๐—”๐—ฆ ๐—”๐—ž๐—ข ๐—ฆ๐—” ๐—Ÿ๐—”๐—›๐—”๐—ง ๐—ก๐—š ๐—•๐—”๐—ก๐—š๐—ฆ๐—”๐— ๐—ข๐—ฅ๐—ขCOTABATO CITY โ€” Nagbigay ng kany...
05/06/2026

๐—–๐—  ๐— ๐—”๐—–๐—”๐—–๐—จ๐—” ๐—ฆ๐—” ๐— ๐—œ๐—Ÿ๐—™ ๐—ฆ๐—จ๐—ฆ๐—ฃ๐—˜๐—ก๐—ฆ๐—œ๐—ข๐—ก: ๐—ก๐—”๐—š-๐—œ๐—ก๐——๐—˜๐—ฃ๐—˜๐—ก๐——๐—˜๐—ก๐—ง ๐—”๐—ž๐—ข ๐—ฃ๐—”๐—ฅ๐—” ๐—ฃ๐—”๐—ง๐—”๐—ฆ ๐—”๐—ž๐—ข ๐—ฆ๐—” ๐—Ÿ๐—”๐—›๐—”๐—ง ๐—ก๐—š ๐—•๐—”๐—ก๐—š๐—ฆ๐—”๐— ๐—ข๐—ฅ๐—ข

COTABATO CITY โ€” Nagbigay ng kanyang paunang paliwanag si Chief Minister Abdulraof "Sammy Gambar" A. Macacua kaugnay ng desisyon ng Moro Islamic Liberation Front (M**F) na suspendihin siya bilang Chief of Staff ng Bangsamoro Islamic Armed Forces (BIAF), kung saan iginiit niyang ang kanyang pagtakbo bilang independent candidate sa nalalapit na parliamentary elections ay para mapanatili ang patas at inklusibong pamumuno sa buong Bangsamoro.

Sa kanyang pahayag, binanggit ni Macacua na isa sa mga isyung nakasaad sa resolusyon ng M**F Central Committee ay ang kanyang desisyong tumakbo bilang independent candidate sa halip na sa ilalim ng anumang political party.

Ayon sa Chief Minister, sinadya niyang manatiling independent habang nanunungkulan upang masiguro na lahat ng Bangsamoro, anuman ang kanilang partidong kinabibilangan, ay mabibigyan ng pantay na pagtingin at serbisyo mula sa kanyang administrasyon.

"Matagal pa ang election. Kailangan patas pa rin ang aking pamumuno sa lahat ng Bangsamoro bilang Chief Minister," ani Macacua.

Ayon kay Macacua, nakatulong ang ganitong approach upang mapalawak ang pakikipag-ugnayan ng Bangsamoro Government sa iba't ibang local government units at political stakeholders sa rehiyon, kabilang ang mga hindi kaalyado ng anumang dominanteng political bloc.

May mga sumusuporta rin sa pananaw na ito na nagsasabing mas naging maayos ang relasyon ng BARMM sa iba't ibang LGUs at political groups sa ilalim ng kasalukuyang pamumuno, kumpara sa mga panahong may mga sektor na nakakaramdam ng pagkakasantabi sa proseso ng pamamahala.

Iginiit din ni Macacua na wala siyang natanggap na Certificate of Nomination and Acceptance (C**A), bilang tugon sa mga usaping kaugnay ng kanyang kandidatura.

Kasabay nito, sinabi ng Chief Minister na iginagalang niya ang naging pasya ng M**F, at inamin na may kaakibat ding ginhawa ang pagkakabawas ng isa sa dalawang mabibigat na tungkuling kanyang ginagampanan.

"Ako kasama ako sa masaya dahil kahit papaano nabawasan ang ating responsibilidad na sa totoo lang mahirap pagsabayin ang Chief Minister ka ng gobyerno at Chief of Staff ka ng isang military organization," aniya.

Sa kabila ng suspensyon, nanawagan si Macacua sa kanyang mga tagasuporta na manatiling kalmado at huwag gumawa ng anumang hakbang na maaaring magpalala sa sitwasyon o magdulot ng higit pang pagkakahati-hati sa Bangsamoro.

Binigyang-diin din niya ang kahalagahan ng pagpapanatili ng pagkakaisa at pagpapatuloy ng mga reporma sa pamahalaan, kabilang ang kampanya laban sa korapsyon, nepotismo, at mga proyektong hindi natatapos o hindi naipapatupad nang maayos.

Noong June 3, 2026, inaprubahan ng M**F Central Committee ang Res No. 01, s. 2026 na nag-uutos ng indefinite suspension ni Macacua bilang Chief of Staff ng BIAF at nag-aatas sa mga kaukulang istruktura ng M**F na ipatupad ang naturang resolusyon.


05/06/2026

LIVE | Brigada Eskwela Kick-Off 2026
MBHTE Gymnasium Bongao, Tawi-Tawi

No Bangsamoro Learner Shall Be Left Behind

Mas Matatag na Gobyerno, tungo sa Mas Matatag na Bangsamoro.

04/06/2026

๐๐Ž๐๐”๐‹๐€๐‘๐ˆ๐ƒ๐€๐ƒ ๐•๐’. ๐“๐”๐๐€๐˜ ๐๐€ ๐๐€๐Œ๐”๐Œ๐”๐๐Ž: ๐’๐€๐๐€๐“ ๐๐†๐€ ๐๐€ ๐€๐๐† ๐๐€๐†๐ˆ๐†๐ˆ๐๐† ๐’๐ˆ๐Š๐€๐“ ๐๐€๐‘๐€ ๐’๐€ ๐„๐๐„๐Š๐“๐ˆ๐๐Ž๐๐† ๐‹๐ˆ๐ƒ๐„๐‘๐€๐“๐Ž? ๐Ÿค”

Sa mundo ng social media, madaling masukat ang kasikatan sa dami ng likes at followers. Ngunit ang popularidad at ang tunay na liderato ay magkaiba.

Ang tunay na pinuno ay hindi nakabatay sa bulag na pagsunod; may pananagutan ito, gumagawa ng tamang desisyon kahit mahirap, at nag-iiwan ng pangmatagalang serbisyo para sa nakararami.

Panoorin ang Episode 10 ng ating DYK series para sa buong detalye! Alamin kung paano ang kritikal na pag-iisip ng bawat mamamayan ay nagiging susi tungo sa isang mas mulat at Mas Matatag na Bangsamoro! ๐ŸŽฅ๐Ÿ‘‡


๐—•๐—”๐—š๐—ข, ๐—ก๐—œ๐—Ÿ๐—œ๐—ก๐—”๐—ช ๐—ก๐—” ๐—ช๐—”๐—Ÿ๐—”๐—ก๐—š ๐—ž๐—œ๐—ก๐—”๐—Ÿ๐—”๐— ๐—”๐—ก ๐—ฆ๐—œ ๐—–๐—  ๐— ๐—”๐—–๐—”๐—–๐—จ๐—” ๐—ฆ๐—” ๐—ž๐—”๐—ฆ๐—ข ๐—Ÿ๐—”๐—•๐—”๐—ก ๐—ž๐—”๐—ฌ ๐——๐—”๐—ง๐—œ๐—ก๐—š ๐— ๐—œ๐—ก๐—œ๐—ฆ๐—ง๐—˜๐—ฅ ๐—œ๐—ค๐—•๐—”๐—Ÿ ๐—ฆ๐—” ๐—ข๐— ๐—•๐—จ๐——๐—ฆ๐— ๐—”๐—กCOTABATO CITY โ€” Nili...
03/06/2026

๐—•๐—”๐—š๐—ข, ๐—ก๐—œ๐—Ÿ๐—œ๐—ก๐—”๐—ช ๐—ก๐—” ๐—ช๐—”๐—Ÿ๐—”๐—ก๐—š ๐—ž๐—œ๐—ก๐—”๐—Ÿ๐—”๐— ๐—”๐—ก ๐—ฆ๐—œ ๐—–๐—  ๐— ๐—”๐—–๐—”๐—–๐—จ๐—” ๐—ฆ๐—” ๐—ž๐—”๐—ฆ๐—ข ๐—Ÿ๐—”๐—•๐—”๐—ก ๐—ž๐—”๐—ฌ ๐——๐—”๐—ง๐—œ๐—ก๐—š ๐— ๐—œ๐—ก๐—œ๐—ฆ๐—ง๐—˜๐—ฅ ๐—œ๐—ค๐—•๐—”๐—Ÿ ๐—ฆ๐—” ๐—ข๐— ๐—•๐—จ๐——๐—ฆ๐— ๐—”๐—ก

COTABATO CITY โ€” Nilinaw ng Bangsamoro Attorney General's Office-BARMM (BAGO) na walang isinumiteng reklamo si Chief Minister Abdulraof "Sammy Gambar" A. Macacua laban kay dating Minister MP Mohagher M. Iqbal sa Office of the Ombudsman at wala rin itong paunang kaalaman sa kasong kasalukuyang kinakaharap ng dating opisyal.

Ang paglilinaw ay inilabas kasunod ng pagkalat ng mga ulat at interpretasyong nag-uugnay sa Chief Minister sa reklamong nasa Ombudsman, na umanoโ€™y nag-ugat sa naging tugon nito sa isang liham ni Iqbal.

Ayon kay Bangsamoro Attorney General Bantuas M. Lucman, ang anumang umiiral na imbestigasyon ay independent na isinasagawa sa ilalim ng konstitusyonal na mandato ng Office of the Ombudsman, na maaaring magsimula ng pagsisiyasat sa pamamagitan ng โ€œmotu proprioโ€ authority o โ€œsarili nitong initiativeโ€ batay sa mga natatanggap na impormasyon, sanggunian, at audit findings mula sa Commission on Audit (COA).

Binigyang-diin ng BAGO na mali ang pagbasa sa naging tugon ng Chief Minister bilang paghahain o pag-uudyok ng reklamo laban kay Iqbal. Sa halip, ang diwa ng liham ay isang pagpapaalala na kung may mga usaping nangangailangan ng due process at independent review, may mga umiiral na institusyon tulad ng Ombudsman na may sapat na kapangyarihan at mandato upang magsagawa nito.

โ€œAny inquiry [by the Ombudsman], if any, proceeds independently under the Ombudsman's constitutional power to investigate motu proprio or upon information/referral, including COA audit findings,โ€ ayon sa pahayag.

Dahil dito, muling iginiit ng BAGO na walang direktang partisipasyon o interbensyon ang tanggapan ng Chief Minister sa anumang kasong isinampa o iniimbestigahan ng Ombudsman laban kay dating Minister Iqbal, at ang lahat ng proseso ay dapat ipaubaya sa mga kinauukulang institusyong may legal na mandato na magsagawa nito.


Address

RH VII
Cotabato City
9600

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Office of the Chief Minister - Strategic Communications posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share