16/07/2026
LOOK | 100 Benepisyaryo, Nakatanggap ng Libreng Plastic Driver’s License sa Tulong ni MP Mudjib C. Abu
Bilang bahagi ng patuloy na paghahatid ng serbisyong direktang nakikinabang ang mamamayan, matagumpay na naipamahagi noong Hulyo 2, 2026 sa Cotabato City ang 100 plastic driver’s licenses sa mga benepisyaryo sa ilalim ng inisyatiba ni Member of Parliament Mudjib C. Abu.
Layunin ng programang ito na mapagaan ang gastusin ng mga kwalipikadong benepisyaryo at matulungan silang magkaroon ng legal at wastong driver’s license, na mahalaga sa kanilang kabuhayan at pang-araw-araw na pamumuhay.
Patuloy na isinusulong ni MP Mudjib Abu ang mga programang nagbibigay ng konkretong tulong at mas pinalalapit ang serbisyo ng pamahalaan sa mamamayang Bangsamoro.