Brgy. Rosary Heights 13, Cotabato City

Brgy. Rosary Heights 13, Cotabato City Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Brgy. Rosary Heights 13, Cotabato City, Public & Government Service, Rosales Street, Rosary Heights 13, Cotabato City.

Magandang araw po, mga kabarangay!Isinagawa ang soil testing sa lugar na pagtatayuan ng ating Multi-Purpose Hall, isang ...
13/08/2026

Magandang araw po, mga kabarangay!

Isinagawa ang soil testing sa lugar na pagtatayuan ng ating Multi-Purpose Hall, isang mahalagang proyekto na handog sa ating barangay sa pamamagitan ng ating minamahal na Kongresista ng Masa, Congresswoman Bai Dimple Mastura.

Lubos po ang ating pasasalamat kay Congresswoman Bai Dimple Mastura sa kanyang patuloy na suporta, malasakit, at pagtugon sa pangangailangan ng ating komunidad. Ang proyektong ito ay malaking tulong para sa ating mga kabarangay at magsisilbing lugar para sa mga programa, pagpupulong, aktibidad, at iba pang mahahalagang gawain ng ating barangay.

Maraming-maraming salamat po, Congresswoman Bai Dimple Mastura, sa inyong walang sawang serbisyo at pagmamahal sa aming barangay.

Mula sa aming Barangay Rosary Heights 13, maraming salamat po!

Mula sa matibay na pundasyon, tungo sa mas matatag na kinabukasan ng ating barangay!

Magandang araw po, mga kabarangay! ๐ŸŒธAng lahat po ng UPLIFT Program Beneficiaries na kabilang sa listahan sa ibaba ay ina...
04/08/2026

Magandang araw po, mga kabarangay! ๐ŸŒธ

Ang lahat po ng UPLIFT Program Beneficiaries na kabilang sa listahan sa ibaba ay inaanyayahang pumunta sa Barangay Hall ngayong araw.

Ito po ay para sa:

๐Ÿ“ŒPagkuha at pagsagot ng kinakailangang Form

๐Ÿ“ŒPagbibigay ng impormasyon at mga instructions tungkol sa Payout

Mahalaga po na kayo ay makapunta upang maayos at makumpleto ang mga kinakailangang proseso para sa inyong UPLIFT Program Payout.

Mangyaring tingnan ang listahan ng mga UPLIFT Beneficiaries sa ibaba.

Maraming salamat po sa inyong kooperasyon!

Tayo po ay taos-pusong nakikiisa sa pagdiriwang ng Nutrition Month Celebration ng ating Barangay Day Care Center.Isang m...
31/07/2026

Tayo po ay taos-pusong nakikiisa sa pagdiriwang ng Nutrition Month Celebration ng ating Barangay Day Care Center.

Isang makulay at masayang selebrasyon na puno ng kaalaman tungkol sa tamang nutrisyon, masustansyang pagkain, at kahalagahan ng pagkakaroon ng malusog na pangangatawan. Kasama ang ating Day Care Teacher, mga munting mag-aaral, at mga magulang, ipinakita natin na ang wastong nutrisyon ay susi sa masigla at masayang kinabukasan.

Maraming salamat sa lahat ng nakiisa at sumuporta upang maging matagumpay ang pagdiriwang na ito!

Assalamu Alaikum, mga Kabarangay!Narito na po ang listahan ng mga  benepisyaryo ng UPLIFT Program.๐Ÿ“… Orientation: July 25...
24/07/2026

Assalamu Alaikum, mga Kabarangay!

Narito na po ang listahan ng mga benepisyaryo ng UPLIFT Program.

๐Ÿ“… Orientation: July 25, 2026 (Sabado)
๐Ÿ•™ Oras: 10:00 A.M.
๐Ÿ“ Lugar: Barangay Hall

Ang inyong pagdalo ay mahalaga upang maipaliwanag ang mga kinakailangang requirements at ang inyong iskedyul ng pay-out.

๐Ÿ“Œ Hinihiling po namin ang inyong kooperasyon at maagang pagdating.

Maraming salamat po!

Magandang Araw mga Kabarangay.Inaanyayahan po namin ang lahat ng residente ng Barangay Rosary Heights XIII na bumisita s...
24/07/2026

Magandang Araw mga Kabarangay.

Inaanyayahan po namin ang lahat ng residente ng Barangay Rosary Heights XIII na bumisita sa ating Barangay Hall at samantalahin ang GCash Registration at Verification Activity.

๐Ÿ—“๏ธ July 18โ€“29

โœจ Mag-register at magpa-verify ng inyong GCash account at maaaring makatanggap ng โ‚ฑ70 GCash Reward para sa mga kwalipikadong bagong users.

๐Ÿ“ Magdala lamang ng valid government ID at inyong cellphone.

Huwag palampasin ang pagkakataong ito! Tara na at mag-register sa GCash. Kita-kits po sa Barangay Hall! ๐Ÿ’™๐Ÿ“ฒ

Maraming salamat po sa Project TABANG  ng ating Bangsamoro Government para sa libreng gamot na inyong ipinagkaloob sa am...
07/07/2026

Maraming salamat po sa Project TABANG ng ating Bangsamoro Government para sa libreng gamot na inyong ipinagkaloob sa aming barangay. Ito po ay malaking tulong para sa aming mga residenteng nangangailangan ng tulong pang medisina ๐Ÿฉถ
Pumunta lamang po kayo mga ka-barangay sa ating Health Center upang makakuha ng mga libreng gamot na ito

Magandang araw po mga ka-barangay!Nais po naming ipaalam sa ating mga minamahal na Senior Citizens na magkakaroon po kay...
07/07/2026

Magandang araw po mga ka-barangay!

Nais po naming ipaalam sa ating mga minamahal na Senior Citizens na magkakaroon po kayo ng payout araw ng July 16, 2026 sa ROJAS ELEMENTARY SCHOOL. Narito po ang listahan ng ating mga beneficiaries na kasali sa July 16, 2026 araw ng Huwebes, 1:00 ng hapon.

Address

Rosales Street, Rosary Heights 13
Cotabato City

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Brgy. Rosary Heights 13, Cotabato City posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share