School Health Section - SDO of Cotabato City

School Health Section - SDO of Cotabato City This is the only page of the School Health Section SDO of Cotabato City created for the consumption of the DepEd Community in Cotabato City.

Through this page, we will be able to stay connected with each other.

29/09/2025

Measles Outbreak Response Immunization
(House-to-House at School-Based Immunization)

Kung ikaw ay nasa edad 6 months hanggang 15 years old, kailangan kang mabakunahan laban sa tigdas.

Isasagawa ito sa Cotabato City ngayong September hanggang October 2025. Libre, ligtas, at epektibo ang bakuna.

Protect your child, protect the community. Sama-sama nating labanan ang measles!

29/09/2025

πƒπ˜πŠ #πŸ‘: π€πˆπ‘ππŽπ‘ππ„ 𝐀𝐍𝐆 π“πˆπ†πƒπ€π’!

Kahit walang nakasalamuha na positibo sa tigdas, maaari pa ring mahawaan ng sakit na ito dahil ito ay airborne! Ibig sabihin, pwedeng galing sa hangin ang virus.

At ang virus na ito ay maaaring manatili sa hangin hanggang dalawang (2) oras!

Kaya naman, pinapaalala ng Cotabato City Health Office sa lahat ng nanay at tatay na pabakunahan ang inyong mga chikiting! Makilahok sa School-Based Immunization o sa House-to-House Vaccination ng ating masisipag na healthcare workers!

Ang mga batang edad 6 months hanggang 15 years old ay pwedeng bakunahan laban sa tigdas.

CotabateΓ±os, sama-sama tayo sa pag-protekta sa ating komunidad!

29/09/2025

🚭 BAWAL MAG YOSI AT V**E SA MGA EVACUATION CENTER 🚭

Ayon sa pinakahuling DSWD DROMIC Report, 48,164 na tao ang lumikas sa evacuation centers bunsod ng hagupit ng Severe Tropical Storm Opong.

Ipinaalala ng Department of Health na mahigpit na ipinagbabawal ang paggamit ng sigarilyo at v**e sa mga pampublikong lugarβ€”kabilang ang paaralan at evacuation centers, ayon sa Republic Act 9211 at Executive Order No. 106.

Ang paninigarilyo sa loob ng evacuation center ay delikado para sa lahat, lalo na sa mga buntis, sanggol, at bata dahil:
🚭 Maaaring makalanghap sila ng usok na nakakasama sa baga at kalusugan.

🚭 Mataas ang panganib ng sunog sa masisikip na lugar.
Paalala ng DOH:

βœ… Ipaalam agad sa mga awtoridad kung may makikitang nagyoyosi o nagve-v**e sa loob ng evacuation center.

πŸ“ž Tumawag sa DOH Quitline 1558 kung kailangan ng tulong upang huminto sa paninigarilyo.

Source: DSWD DROMIC Report No. 18





29/09/2025

ππ”ππ‹πˆπ‚ 𝐇𝐄𝐀𝐋𝐓𝐇 π€πƒπ•πˆπ’πŽπ‘π˜: πŒπ€π‹π€π‘πˆπ€

Para sa mga kababayan natin na kagagaling lamang sa mga sumusunod na lugar:
1. Burkina Faso
2. Cameroon
3. Democratic Republic of the Congo
4. Ghana
5. Mali
6. Mozambique
7. Niger
8. Nigeria
9. Sudan
10. Tanzania
11. Uganda

Ang mga CotabateΓ±o at turistang pumunta kamakailan sa mga nasabing lugar at nakararanas ng lagnat na lampas sa dalawang araw na ay inaabisuhan ng Cotabato City Health Office na magtungo sa pinakamalapit na local health facility para sa blood smear test upang masiguro na kayo ay ligtas mula sa sakit na malaria.

Ang early detection ay mahalaga para sa napapanahong gamutan at pagprotekta sa ating komunidad mula sa malaria.

04/09/2025
BAKUNA ESKWELA 2025 πŸ’‰ Ngayong taon, muling inilulunsad ang Bakuna Eskwela β€” isang programang hatid ng DOH at DepEd para ...
04/09/2025

BAKUNA ESKWELA 2025 πŸ’‰

Ngayong taon, muling inilulunsad ang Bakuna Eskwela β€” isang programang hatid ng DOH at DepEd para masigurong protektado ang mga mag-aaral laban sa mga sakit gaya ng tigdas, tetano, rubella, at HPV.

Bakunado ang bata, handa sa eskwela!

Address

Cotabato City
9600

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when School Health Section - SDO of Cotabato City posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to School Health Section - SDO of Cotabato City:

Share