21/08/2026
๐๐๐
๐๐-๐๐๐๐ ๐๐ข๐ง๐๐ญ๐๐ญ๐๐ญ๐๐ ๐๐ง๐ ๐๐ซ๐จ๐๐๐๐จ ๐ง๐ ๐๐๐๐๐ ๐ฎ๐๐ซ๐๐ฌ ๐ฌ๐ ๐๐๐ ๐ฉ๐๐ฉ๐ฅ๐๐ง๐จ ๐๐ญ ๐๐๐ ๐ฉ๐๐ฉ๐๐ญ๐ฎ๐ฉ๐๐ ๐ง๐ ๐๐ฎ๐๐ฉ๐ซ๐จ๐ฃ๐๐๐ญ๐ฌ
GENERAL SANTOS CITY โ Pinatatatag ng Social and Environmental Safeguards (SES) Unit ng Regional Project Coordination Office-Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (RPCO-BARMM) ang kaalaman at pagkakaisa ng mga katuwang na implementers at stakeholders sa wastong aplikasyon ng mga umiiral na safeguards procedures sa pamamagitan ng Training on Procedural Guidelines on Road Right of Way, Land Acquisition, and Land Conversion, na isinagawa noong Agosto 18โ21, 2026 sa General Santos City.
Dinaluhan ang pagsasanay ng mga kinatawan mula sa mga piling Local Government Units (LGUs), kooperatiba, at ibaโt ibang division at section ng MAFAR-BARMM, kabilang ang mga kawani ng Bangsamoro Agriculture, Fisheries and Technology Institute (BAFTI). Bahagi ito ng patuloy na mainstreaming ng SES upang mapalalim at mapag-isa ang pag-unawa ng mga katuwang sa mga safeguards requirements at kaukulang proseso sa pagpapatupad ng mga proyekto.
Nakatuon ang apat na araw na training sa pagpapalalim ng kaalaman sa Environmental and Social Standards (ESS), partikular sa mga usapin ng Road Right of Way (RROW), land acquisition, at land conversion. Sa halip na ituring ang mga ito bilang magkakahiwalay na proseso, ipinakita sa training kung paano dapat magkakaugnay ang mga safeguards consideration sa ibaโt ibang yugto ng project cycleโmula sa pagpaplano at assessment hanggang sa dokumentasyon at pagpapatupad.
Isa sa mga binigyang-diin ang kahalagahan ng maagang pagtukoy sa mga posibleng epekto ng RROW bago pa magsimula ang konstruksyon. Kabilang dito ang pagtukoy sa mga apektadong lupa, ari-arian, pananim, istruktura, kabuhayan, at Project-Affected Persons (PAPs), pati na rin ang mga vulnerable group. Kasunod nito ang 100% PAP survey at inventory, konsultasyon at information disclosure, property valuation, pagtukoy ng kaukulang entitlements, land acquisition o donation, pagkumpleto ng dokumentasyon, at RROW clearing bago ang construction.
Binigyang-diin din na ang RROW ay hindi lamang teknikal na usapin. Maaari itong magkaroon ng epekto sa kabuhayan, access sa ari-arian, at iba pang aspeto ng buhay ng mga apektadong komunidad. Dahil dito, mahalaga ang makabuluhang konsultasyon at pagkakaroon ng accessible at responsive na Grievance Redress Mechanism (GRM) upang matugunan ang mga concern ng PAPs at iba pang stakeholders.
Kasama rin sa mga talakayan ang Land Conversion Rules and Guidelines na tinalakay ni Atty. Romaisah L. Hadjimohsen ng Legal Section, MAFAR-BARMM. Tinukoy ang mga kinakailangan at proseso sa land conversion, kabilang ang pagkakaiba ng reclassification at conversion ng agricultural land.
Samantala, isinama rin sa training ang usapin ng Gender and Development (GAD) at gender-based violence upang higit na maunawaan ang mga panlipunang aspeto ng safeguards. Kaugnay ito ng pangangailangang matukoy at mabigyan ng angkop na proteksyon at suporta ang mga grupong maaaring mas maging vulnerable sa epekto ng proyekto, kabilang ang female-headed households, matatanda, persons with disabilities, Indigenous Peoples, at iba pang socially vulnerable groups.
Sa kabuuan, ipinakita ng training na ang SES ay hindi hiwalay na hakbang sa project implementation, kundi isang umiiral na bahagi ng proseso na kailangang patuloy na maunawaan at maisagawa nang maayos ng mga responsible offices at stakeholders. Sa pamamagitan ng mainstreaming, pinapalakas ang koordinasyon at pagkakapare-pareho ng aplikasyon ng safeguards sa pagpaplano, pagdidisenyo, land acquisition, RROW, at iba pang yugto ng proyekto.
Sa ganitong paraan, patuloy na pinatitibay ng PRDP ang ProSESo ng safeguardsโsinisiguro na ang mga teknikal na pangangailangan ng proyekto ay naisasabay sa pagprotekta sa mga tao, komunidad, ari-arian, at kapaligiran habang isinasagawa ang mga proyektong pangkaunlaran.