28/01/2026
Ka-4Ps, makinig tayo!
Alam ba ninyo na ang inyong PhilSys ID ang susi para sa mas mabilis na serbisyo?
Inaanyayahan ang lahat ng benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) na magparehistro na sa PhilSys.
Ito ay magsisilbing inyong opisyal na patunay ng pagkakakilanlan (Proof of Identity) at makatutulong upang mas mapabilis ang pag-avail ng mga serbisyo at programa ng pamahalaan.
Bumisita lamang sa inyong City/Municipal Link o sa pinakamalapit na tanggapan ng Philippine Statistics Authority (PSA) upang malaman ang iskedyul ng inyong pagpaparehistro.
Magparehistro na para sa mas mabilis at maayos na pagtanggap ng serbisyo!