30/05/2026
UPDATE | Relief Distribution ng Bangsamoro READi nagpapatuloy bunsod ng pagbaha dulot ng nararanasang pag ulan sa rehiyon
Related stories:
https://web.facebook.com/share/p/1BXhuc5CRq/
https://web.facebook.com/BARMMREADI/posts/1338292121808598
Ngayong araw ay nabigyan ng Bangsamoro READi ang 2,500 pamilyang apektado ng baha sa Sultan sa Barongis (SSB) sa lalawigan ng Maguindanao del Sur. Nanatiling babad sa tubig baha ang ilang barangay sa SSB ngunit hindi pa rin nagsisilikas ang mamamayan. Sa pakikipag tulungan ni Hon. Allandatu M. Angas Sr., alkalde ng nasabing bayan, ay maayos na naipamahagi ng regional emergency office ang mga foodpacks na naglalaman ng bigas, delata, at instant coffee sa mga pamilyang apektado ng baha.
Namahagi naman ng Disaster Affected Family Access Card (DAFAC) ang MDRRMO SSB, upang masigurong makakarating sa dapat pagbigyan o totoong apektado ang mga food packs. Nagpasalamat naman si Mayor Angas kay BDRRMC Chairman and BARMM Interim Chief Minister Abdulraof Macacau at MILG Minister Jordan Bayam sa tulong na naipaabot ng regional government. Sa ngayon, tuloy tuloy pa rin ang ginagawang monitoring ng Bangsamoro READi sa lagay ng panahon at sa sitwasyon sa mga lalawigan.