Hon. Councilor Marouf "Pabo" Ayunan Pasawiran

Hon. Councilor Marouf "Pabo" Ayunan Pasawiran Para sa kabataan: Angat Buhay Opportunity (PABO) Program
(1)

21/10/2025
14/10/2025

Malaking oportunidad ang makatulong sa agarang pangangailangan ng ating mga kababayan. Ito ang dahilan kung bakit bukas ang ating tanggapan para sa medikal na tulong.

Para sa kumpletong instructions kung paano maka-avail sa mga programang medikal ng MSSD at MOH sa tulong ng Office of MP Atty. Naguib Sinarimbo, i-click ang link sa baba:

https://www.facebook.com/share/p/1BgGWvM8E7/

30/09/2025
30/09/2025

Local executives were elated over the Bangsamoro Parliamentโ€™s enactment of a law institutionalizing the annual Salamat Excellence Award for Leadership (SEAL Award), which includes a P20 million incentive for high-performing local government units and private service-oriented groups.

30/09/2025

๐€๐ฅ๐š๐ฆ ๐Œ๐จ ๐๐š?
Si ๐Œ๐ ๐‘๐จ๐ฆ๐ž๐จ ๐Š. ๐’๐ž๐ฆ๐š, ay nagsilbi bilang ๐‚๐ก๐š๐ข๐ซ๐ฆ๐š๐ง, ๐‚๐จ๐ฆ๐ฆ๐ข๐ฌ๐ฌ๐ข๐จ๐ง๐ž๐ซ, at ๐„๐ฑ๐ž๐œ๐ฎ๐ญ๐ข๐ฏ๐ž ๐ƒ๐ข๐ซ๐ž๐œ๐ญ๐จ๐ซ ๐ง๐  ๐‘๐ž๐ ๐ข๐จ๐ง๐š๐ฅ ๐‘๐ž๐œ๐จ๐ง๐œ๐ข๐ฅ๐ข๐š๐ญ๐ข๐จ๐ง ๐š๐ง๐ ๐”๐ง๐ข๐Ÿ๐ข๐œ๐š๐ญ๐ข๐จ๐ง ๐‚๐จ๐ฆ๐ฆ๐ข๐ฌ๐ฌ๐ข๐จ๐ง (๐‘๐‘๐”๐‚-๐€๐‘๐Œ๐Œ).

๐Ÿ‘‰ Sa kanyang pamumuno, maraming pamilya at komunidad ang natulungan sa pagresolba ng mga rido, usaping lupa, at political conflicts. Isa siyang kinikilalang ๐๐ซ๐จ๐ฏ๐ž๐ง ๐Œ๐ž๐๐ข๐š๐ญ๐จ๐ซ ๐š๐ง๐ ๐‘๐ž๐œ๐จ๐ง๐œ๐ข๐ฅ๐ž๐ซ sa Bangsamoro.






23/09/2025

Ang pagbabalik-tanaw natin sa mga natapos sa paglilingkod bilang dating Ministro ng Interior and Local Government ay hindi pagyayabang o pag-angkin sa mga ito. Ang bawat proyekto at programa ay pinagpaguran ng daan-daang empleyado at trabahante at sila ang lubos na karapat-dapat bigyan ng papuri. Ang pagbabalik-tanaw natin ay bilang inspirasyon sa tama, pinag-aralan at nakikitang paggamit sa pondo ng taumbayan. Pondong napunta sa presensya ng Bangsamoro Government sa mga lokalidad ng BARMM. Pino-promote natin ang makabuluhang mga proyekto na magagamit ng mga local government units para sa pagsisilbi sa taumbayan.

Noong tayo ay nasa MILG, siniguro natin sa abot ng ating makakaya ang pagsunod ng mga dibisyon at contractors sa mandato ng Ministeryo alinsunod sa mga batas ng gobyerno. At makikita ito sa mga naitayong buildings at facility na kasalukuyan ng ginagamit ng mga mamamayan.

Bakit mahalaga na makita ng mamamayan kung saan napupunta ang kanilang buwis na ginamit ng Ministeryo? Dahil sa kasalukuyang estado ng imprastruktura sa ating bansa, kailangan ng Gobyernong maibalik ang tiwala ng taumbayan dito. Isa ito sa pinakamahirap na pagsubok para sa mga lingkod-bayan sa panahon ng eleksyon. Kaya narito po ang report ng mga imprastruktura at programa ng MILG mula 2019 hanggang 2023. Hindi pa ho kasali rito ang mga soft projects o mga programa na nasa mandato ng Ministeryo kagaya ng pagpapalakas sa kapasidad ng mga local government units, mga award na natanggap nila sa loob ng ating termino at iba pa dahil sa tingin natin ay accomplishment na nila ito.

Maningil ng report sa inyong mga kandidato. Maging matalino sa pagboto ngayong Bangsamoro Parliamentary Election 2025.






19/09/2025

๐™ƒ๐™๐™Ž๐™๐™„๐™Ž๐™”๐˜ผ, ๐™ƒ๐™„๐™‰๐˜ฟ๐™„ ๐™‹๐™๐™‡๐™„๐™๐™„๐™†๐˜ผ ๐˜ผ๐™‰๐™‚ ๐˜ผ๐™ˆ๐™„๐™‰๐™‚ ๐™‹๐˜ผ๐™‰๐˜ผ๐™’๐˜ผ๐™‚๐˜ผ๐™‰

Malinaw na ang iyong mga pahayag ay nakukulayan ng pulitika dahil hindi tayo magkapartido. Subalit nais naming ipaalala na ang isyung ito ay hindi dapat gawing entablado ng partidismo. Ang tunay na kailangan ng mga tao ay hustisya at pagkilala sa katotohanan, hindi ang paggamit ng posisyon para sa pansariling interes. Sa halip na pulitika, ang dapat manaig ay katarungan para sa mga biktima at respeto sa kasaysayan ng aming komunidad.

Ang aming paninindigan bilang mga orihinal na naninirahan sa Kalanganan ay hindi usapin ng simpleng โ€œpag-aariโ€ ng barangay. Ito ay higit na malalimโ€”usapin ng pagkilala sa aming ugat, kasaysayan, at pagkakakilanlan. Bago pa man dumating at lumisan ang ibaโ€™t ibang lider, ang aming mga ninuno ay matagal nang nanirahan at nag-ugat dito.

Kayaโ€™t ang pagtuturing sa amin na katawa-tawa dahil ipinagmamalaki namin ang aming pinagmulan ay hindi lamang isang insulto, kundi isang tahasang kawalang-galang sa alaala at dangal ng aming mga ninuno. Ang aming kasaysayan at pagkakakilanlan ay hindi maaaring burahin o balewalain, sapagkat ito ang tunay na nagpapatibay ng aming karapatan at ugnayan sa Kalanganan.

Huwag ninyong talikuran ang biktima sa pamamagitan ng paninira sa aming kredibilidad. Ang aming pagdadalamhati ay hindi dapat gawing larangan ng pulitika. Ang kailangan namin ay hindi pagbalewala, kundi pagkalinga at katarungan.

Nanawagan kami sa lahat ng ahensya, mga pinuno, at mamamayan ng Cotabato City at BARMM: Tumindig tayo para sa katotohanan at hustisya. Ang buhay na nawala ay hindi na maibabalik, ngunit maaari nating tiyakin na may pananagutan ang dapat managot, at na walang ibang pamilyang dadaan sa parehong dalamhati.

๐“๐”๐Œ๐ˆ๐๐ƒ๐ˆ๐† ๐๐€๐‘๐€ ๐’๐€ ๐Š๐€๐“๐Ž๐“๐Ž๐‡๐€๐๐€๐ ๐€๐“ ๐‡๐”๐’๐“๐ˆ๐’๐˜๐€.

Maraming salamat.

KAP. DATU BIMBO AYUNAN PASAWIRAN

19/09/2025

Naglabas ang Korte Suprema ng Temporary Restraining Order (TRO) laban sa implementasyon ng โ€œBangsamoro Redistricting Act of 2025โ€ nitong ika-15 ng Setyembre 2025.





15/09/2025

๐€๐ฅ๐š๐ฆ ๐Œ๐จ ๐๐š?
Si MP Romeo K. Sema ang Principal Author ng
Parliament Bill No. 51
๐๐š๐ง๐ ๐ฌ๐š๐ฆ๐จ๐ซ๐จ ๐Œ๐ž๐๐ข๐œ๐š๐ฅ ๐’๐œ๐ก๐จ๐ฅ๐š๐ซ๐ฌ๐ก๐ข๐ฉ ๐€๐œ๐ญ ๐จ๐Ÿ ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ
"AN ACT INSTITUTIONALIZING THE โ€œMEDICAL SCHOLARSHIP AND RETURN SERVICE PROGRAMโ€œ OF THE MINISTRY OF HEALTH OF THE BANGSAMORO GOVERNMENT, APPROPRIATING FUNDS THEREFOR, AND FOR OTHER PURPOSES"





15/09/2025

Ano ang mga natapos natin bilang Ministro ng MILG mula 2019 hanggang 2023?

Abot sa 410,175 na pamilya ang nakatanggap ng relief goods bilang pagresponde sa mga sakuna at 414,068 na pamilya naman ang naabutan ng humanitarian assistance sa panahon ng Pandemyang COVID-19 noong panahon natin sa Ministry of Interior and Local Government sa tulong ng Bangsamoro READi at iba pang ahensya ng Bangsamoro Government.

Ang Bangsamoro READi ay secretariat at executing body ng Bangsamoro Disaster Risk Reduction and Management Council (BDRRMC) at pinatakbo ng Ministeryo upang magpalakas ng kapasidad ng mga DRRM councils sa mga local government units sa pagresponde sa mga sakuna at emergency kagaya ng nakaraang pandemya, mga bagyo, sunog, pagbaha, lindol at iba pa.

Ang mga ayudang ito ay lubos na nakatulong sa mga biktima/apektado ng iba't ibang sakuna sa buong Bangsamoro Region upang mapunan ang pansamantalang pangangailangan sa pagkain habang sila ay bumabawi mula sa mga epekto ng kalamidad.

Ang pagbabalik-tanaw na ito sa mga nagawa ni MP Atty. Naguib Sinarimbo bilang lingkod-bayan ng Bangsamoro ay upang magbigay inspirasyon sa kapasidad at dedikasyon na dapat ay makikita sa bawat opisyal ng gobyerno na iboboto ngayong Bangsamoro Parliamentary Election.

Photos๐Ÿ“ธ: MILG, Bangsamoro READi, MSSD







14/09/2025

๐€๐ฅ๐š๐ฆ ๐Œ๐จ ๐๐š?
Si MP Romeo K. Sema ang Principal Author ng
Bill No. 59
๐๐š๐ง๐ ๐ฌ๐š๐ฆ๐จ๐ซ๐จ ๐‹๐š๐›๐จ๐ซ ๐š๐ง๐ ๐„๐ฆ๐ฉ๐ฅ๐จ๐ฒ๐ฆ๐ž๐ง๐ญ ๐‚๐จ๐๐ž ๐จ๐Ÿ ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ
"AN ACT INSTITUTING A LABOR AND EMPLOYMENT CODE FOR THE BANGSAMORO AUTONOMOUS REGION TO AFFORD PROTECTION TO LABOR, PROMOTE EMPLOYMENT AND HUMAN RESOURCES DEVELOPMENT, ENSURE INDUSTRIAL PEACE BASED ON SOCIAL JUSTICE, AND FOR OTHER RELATED PURPOSES, AMENDING FOR THE PURPOSE SECTIONS 11, 18, AND 19, TITLE IX, CHAPTER 4 OF BANGSAMORO AUTONOMY ACT NO. 13"





Address

Mother Barangay Kalanganan
Cotabato City
9600

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Hon. Councilor Marouf "Pabo" Ayunan Pasawiran posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Hon. Councilor Marouf "Pabo" Ayunan Pasawiran:

Share

Category