17/12/2023
๐๐ถ๐น๐ฎ๐น๐ฎ๐ป๐ถ๐ป ๐๐ถ ๐๐ฃ๐ ๐ฎ๐ฌ๐ฎ๐ฏ ๐ง๐ผ๐ฝ ๐ฑ ๐๐ถ๐ป๐ฎ๐น๐ถ๐๐ ๐๐๐๐๐๐ข๐๐๐ก ๐ฃ. ๐ ๐จ๐ฆ๐ง๐๐ฅ๐
Mahigit limang taon na ang nakalilipas mula ng mangyari ang Marawi Siege na siyang pumukaw at bumago sa buhay ng mga mamamayan sa Marawi City. Ang trahedyang ito ay nagdulot ng napakalaking epekto sa kabuhayan at ekonomiya sa naturang lugar. Sa anumang sakuna, kalamidad, at giyera, dehado ang mamamayan lalo na ang mga nasa laylayang sektor ng lipunan tulad ng mga bata, manggagawa, magsasaka, at kababaihan.
Sa usaping rehabilitasyon, naniniwala si Jal na malaki ang papel na ginagampanan ng mga kababaihan bilang ilaw ng tahanan kaya sila ang naging lakas at inspirasyon niya sa pagbuo ng mga programa patungol sa usaping kapayapaan. Nasaksihan ni Jal ang determinasyon ng bawat ina upang makabangon mula sa mapait na karanasan.
Alamin ang mga kwento at pagsisikap ng mga ina sa pamamagitan ng kanyang mga likhang sining at produkto upang matulungan maiangat ang antas ng pamumuhay ng mga kapwa niyang Meranaw.
Samahan natin si Jalolodin sa kanyang makulay na sining na siyang magdadala ng panibagong pag-asa at liwanag sa bawat ina ng tahanan dahil naniniwala siya na ang kapayapaan ay laging nagsisimula sa loob ng ating mga tahanan.
Ipakita natin ang ating suporta para kay Bangsamoro Peace Champion 2023 Finalist, ๐
๐ผ๐๐ผ๐๐๐ฟ๐๐ ๐. ๐๐๐๐๐ผ๐๐ sa pamamagitan ng pag-like sa official page ng Ministry of Public Order and Safety at sa pag react, comment, at share ng video na ito.