23/08/2022
PANAWAGAN NI PBBM PARA SA PAMBANSANG PAGKAKAISA, SUPORTADO NG MGA MORO LEADERS SA BARMM
Isinantabi ng mga pinuno ng mga nangungunang organisasyon ng mga Moro sa bansa ang kanilang mga pagkakaiba sa kanilang pangakong isulong ang kapakanan ng mamamayang Bangsamoro.
Sinabi ni Prof. Nur Misuari, founding chair ng MNLF kay Presidential Adviser on Peace, Reconciliation and Unity Secretary Carlito G. Galvez Jr., na ang mga kapatid na Muslim sa timog ay sumusuporta kay Pangulong Bongbong Marcos Jr.
Iniharap din ni Galvez kay Misuari ang mga miyembro ng MNLF na itinalaga ni Pangulong Bongbong Marcos Jr. bilang mga bagong miyembro ng BTA noong Agosto 12 sa Malacañang.
Samantala, sa isang pagpupulong sa Cotabato City, tiniyak ni Interim Chief Minister Ahod Balawag Ebrahim kay Galvez na susubaybayan ng BTA ang pagpasa ng mga natitirang codes ng rehiyon sa loob ng taon.
Kabilang sa mga pangunahing tinalakay sa pagpupulong nina Galvez at CM Ebrahim ay ang pagpasa ng mga natitira pang priority codes, paghahatid ng mga pangunahing serbisyo sa rehiyon, at ang paglalatag ng batayan para sa 2025 BARMM regional elections.
Kasama naman, ani Chief Minister, ang Bangsamoro sa pambansang pagkakaisa at hinihiling nito na isantabi muna ang pagkakaiba na humahati sa mamamayang Bangsamoro.
📸President Bongbong Marcos Jr.