24/08/2026
πππππ πππππππππππππ, ππ πππππ, ππππππ πππππππππ πππ πππ πππππππππππ ππππππππππ ππ πππ πππππ ππ ππππππ
ππ ππππππππππππ ππ ππππππππ ππ ππππ ππππππππ ππππ ππ πππππππππππ ππππππ πππππππππππ ππ πππ ππππππππππ πππππ ππ ππππππ πππππππ ππππππ
ππππ π¨πππππ ππ | π΄πππππ π·ππππππππππ
Bumisita si MP Mohammad Kellie U. Antao, Administrator ng Special Geographic Area Development Authority (SGADA), sa House of Representatives upang isulong ang paglikha ng Moro Province para sa walong munisipalidad ng Special Geographic Area (SGA) ng BARMM.
Nakipagpulong si MP Antao sa mga staff ni Deputy Speaker Raymond Democrito C. Mendoza, isa sa mga pangunahing may-akda ng House Bill No. 3299 na nagpanukalang likhain ang Moro Province, gayundin kay Rep. Florencio T. Miraflores, Chairperson ng House Committee on Local Government.
Sa mga pagpupulong, binigyang-diin ni MP Antao na ang paglikha ng Moro Province ay mahalagang hakbang upang makumpleto ang political at administrative integration ng SGA sa Bangsamoro at mabigyan ang walong munisipalidad nito ng sariling provincial government, mas matibay na representasyon, at mas maayos na koordinasyon sa paghahatid ng mga pangunahing serbisyo.
Binigyang-diin din niya na ang SGA ay bunga ng mahabang Bangsamoro peace process. Mula sa 63 barangays ng North Cotabato na piniling maging bahagi ng BARMM noong 2019, ang mga komunidad ay naorganisa bilang Special Geographic Area at kalaunan ay naging walong munisipalidadβPahamuddin, Kadayangan, Nabalawag, Old Kaabakan, Kapalawan, Malidegao, Tugunan, at Ligawasan.
Para kay MP Antao, ang susunod na mahalagang hakbang ay ang pagkakaroon ng sariling probinsiya.
βMula sa 63 barangays, nabuo ang Special Geographic Area. Mula sa SGA, nabuo ang walong munisipalidad. Ngayon, panahon na upang kumpletuhin ang ating political journey sa pamamagitan ng paglikha ng Moro Provinceβisang probinsiyang tunay na matatawag na atin.β
Bilang isang constituent at matagal nang lingkod-bayan ng SGA, patuloy na isinusulong ni MP Antao ang Moro Province bilang pagkilala sa kasaysayan at pagkakakilanlan ng mga mamamayan ng lugar, at bilang pagpapatuloy ng mga bunga ng Bangsamoro peace process.