08/04/2026
Sa paggunita ng Araw ng Kagitingan, nais kong ipabatid ang aking taos-pusong pagpupugay sa lahat ng bayaning Pilipino, lalo na sa mga nag-alay ng kanilang buhay at lakas para sa kalayaan ng ating bansa.
Bilang Administrator ng ating Vocational School sa Lungsod ng Coron, ang Coron School of Fisheries(CSF), hinihikayat ko ang bawat mag-aaral, g**o, at kawani na isabuhay ang diwa ng kagitingan sa ating pang-araw-araw na gawain. Ang tunay na tapang ay hindi lamang nasusukat sa pakikidigma, kundi sa pagtitiyaga, disiplina, at pagsusumikap na maabot ang ating mga pangarap.
Nawaโy magsilbing inspirasyon ang sakripisyo ng ating mga bayani upang patuloy nating pagbutihin ang ating sarili, palakasin ang ating komunidad, at mag-ambag sa kaunlaran ng ating bansa.
Mabuhay ang kabayanihang Pilipino!
Matamang Salamat ig Caloyan Kita Ating Ginong Dyos na Macagagaem!
Sean A. Catelo, EdD
Vocational School Administrator I
Coron School of Fisheries