CORON Municipal Health Office

CORON Municipal Health Office Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from CORON Municipal Health Office, Public & Government Service, Brgy. II (Poblacion), Coron.
(1)

Blessing ng Bagong X-Ray at Ultrasound Facilities ng MHO CoronNoong Agosto 23, isinagawa ang pagpapala sa bagong X-Ray R...
26/08/2026

Blessing ng Bagong X-Ray at Ultrasound Facilities ng MHO Coron

Noong Agosto 23, isinagawa ang pagpapala sa bagong X-Ray Room, bagong X-Ray equipment, at Ultrasound Room ng Municipal Health Office (MHO) Coronβ€”isang mahalagang hakbang tungo sa mas maayos, mas kumpleto, at mas de-kalidad na serbisyong pangkalusugan para sa ating mga Coronians.

Taos-puso ang aming pasasalamat sa tulong, suporta, at pangunguna ng ating minamahal na Mayor Marjo Reyes, kasama ang ating Vice Mayor Asian Palanca, Committee on Health Chairperson SB Nashville Yong, SB Rica Reyes, at ang buong Sangguniang Bayan ng Coron sa patuloy na pagsuporta sa pagpapabuti ng ating serbisyong pangkalusugan.

Ang mga bagong pasilidad at kagamitang ito ay malaking tulong upang mas mapalapit at mas mapadali ang mga kinakailangang diagnostic services para sa ating mga pasyente.

Nawa’y maging instrumento ang mga ito ng mas mabilis na pagsusuri, mas maayos na serbisyo, at mas magandang pangangalaga sa kalusugan ng bawat Coronian.

Sama-sama para sa mas maayos, mas kumpleto, at mas de-kalidad na serbisyong pangkalusugan para sa ating mga Coronians!






π”π†ππ€π˜π€π 𝐒𝐀 ππ€π‘π€ππ†π€π˜ | ππ”π„ππ€π•πˆπ’π“π€, π’πˆπ“πŽ ππ€π˜π€π“ππ€π“
19/08/2026

π”π†ππ€π˜π€π 𝐒𝐀 ππ€π‘π€ππ†π€π˜ | ππ”π„ππ€π•πˆπ’π“π€, π’πˆπ“πŽ ππ€π˜π€π“ππ€π“

MR SIA 2026: Sabayang Pagbabakuna sa mga Barangay.Matagumpay na isinagawa ng Municipal Health Office of Coron ang patulo...
12/08/2026

MR SIA 2026: Sabayang Pagbabakuna sa mga Barangay.

Matagumpay na isinagawa ng Municipal Health Office of Coron ang patuloy na pagpapatupad ng MR SIA (Measles-Rubella Supplemental Immunization Activity) sa ating mga barangay. πŸ’‰

Ngayong araw, sabay-sabay nating isinagawa ang pagbabakuna sa Barangay Malawig, kasabay ng pagpapatuloy ng pagbabakuna sa Barangay Marcilla, at Barangay Bintuan,bilang bahagi ng ating kampanya na maprotektahan ang ating mga kabataan laban sa Measles at Rubella.

Maraming salamat sa ating mga masisipag na nurses, midwives, BHWs, Barangay Officials, at lahat ng katuwang ng MHO sa matagumpay na pagsasagawa ng aktibidad.

Patuloy nating suportahan ang MR SIA 2026 at hikayatin ang mga magulang na pabakunahan ang kanilang mga anak na kabilang sa target age group na 6 months hanggang 59 months.

Bakuna ay Proteksyon.
Sabay-sabay para sa ligtas at malusog na mga bata!







πŸ’‰MR SIA 2026 | Barangay Tara, Coron PalawanMatagumpay na naisagawa ang MR SIA (Measles-Rubella Supplemental Immunization...
11/08/2026

πŸ’‰MR SIA 2026 | Barangay Tara, Coron Palawan

Matagumpay na naisagawa ang MR SIA (Measles-Rubella Supplemental Immunization Activity) sa Barangay Tara, bilang bahagi ng patuloy na pagsisikap na maprotektahan ang ating mga kabataan laban sa measles at rubella.

Malaking pasasalamat sa ating masisipag at dedikadong Nurses, Midwives at Barangay Health Workers (BHWs) ng Barangay Tara sa kanilang walang sawang serbisyo, oras, at malasakit para sa kalusugan ng ating mga anak..

Ang inyong sipag at pagtutulungan ay malaking bahagi ng tagumpay ng programang ito. Saludo kami sa inyong serbisyo at commitment! πŸ‘πŸ‘

Maraming salamat din sa mga magulang at guardians sa kanilang tiwala at pakikiisa sa MR SIA. Sama-sama nating protektahan ang ating mga anak at komunidad!

Bakuna ay Proteksyon. Bakuna ay Pagmamahal. ❀️
MR SIA 2026 β€” Sama-sama para sa ligtas at malusog na komunidad!

-Coron




Address

Brgy. II (Poblacion)
Coron
5316

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when CORON Municipal Health Office posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to CORON Municipal Health Office:

Shortcuts

Share