26/06/2023
PAGBATI||
Mula sa pangunguna ng Project WATCH - Diadi Region High School ay matagumpay na natapos at naisakatuparan ang patimpalak ng Creative W.A.T.C.H. Poster mula sa mga malilikhaing mag-aaral sa iba't-ibang baitang. (Category A Grade 7 at 8, Category B, Grade 9 hanggang 11).
Ang patimpalak na ito ay patungkol pa rin sa adhikaing ipalaganap ang pagiging isang makabayang WATCHER, at sa selebrasyon ng W.A.T.C.H. Month ngayong buwan ng Hunyo.