10/03/2026
Taos-pusong pasasalamat po ang ipinapaabot ng Liga ng mga Barangay β Tarlac Chapter sa lahat ng naging bahagi ng matagumpay na pagdaraos ng Liga ng mga Barangay Tarlac Chapter Congress na ginanap noong Marso 4β6, 2026 sa Princesa Garden Island Resort and Spa, Puerto Princesa City, Palawan.
Ang tagumpay ng kongresong ito ay bunga ng sama-samang pagtutulungan, suporta, at dedikasyon ng bawat isa.
Lubos po naming pinasasalamatan ang lahat ng ABC Presidents, mga delegado, tagasuporta, suppliers, event coordinators, at mga staff na naglaan ng panahon, pagod, at husay upang maging maayos at makabuluhan ang ating pagtitipon. Ang inyong aktibong pakikilahok ay patunay ng matibay na pagkakaisa at malasakit sa patuloy na pagpapalakas ng pamamahalang barangay sa lalawigan ng Tarlac.
Isang espesyal na pasasalamat din po sa Department of the Interior and Local Government (DILG) β Tarlac Province sa kanilang patuloy na gabay at suporta sa Liga.
Lubos din po naming kinikilala ang mahalagang suporta ng Sangguniang Panlalawigan ng Tarlac sa pangunguna ni Vice Governor Estelita Aquino, gayundin ang Pamahalaang Panlalawigan ng Tarlac sa pamumuno ni Governor Christian Tell A. Yap, na patuloy na nagsusulong ng mga programa at inisyatiba para sa kapakanan at pag-unlad ng ating mga barangay at ng ating kagalang-galang na Congressman Noel "B**g" Rivera, Kinatawan ng Ikatlong Distrito ng Tarlac a kanyang walangs awang suporta sa Liga.
Ang kongresong ito ay hindi lamang isang pagtitipon, kundi isang pagkakataon upang higit pang patatagin ang ating ugnayan, palawakin ang kaalaman, at pag-isahin ang ating layunin para sa mas maayos, mas epektibo, at mas makabuluhang paglilingkod sa ating mga komunidad.
Maraming salamat po sa inyong lahat. Nawaβy magpatuloy ang ating pagkakaisa at pagtutulungan para sa patuloy na pag-unlad ng mga barangay sa buong lalawigan ng Tarlac.