Los Baños Tourism Office

Los Baños Tourism Office Welcome to the official page of Los Baños Culture, History, Arts and Tourism Office.

The LOS BAÑOS CULTURE, HISTORY, ARTS, AND TOURISM OFFICE (LB CHATO) was created to promote and develop eco-tourism as one of the primary activities to generate profits and employment and to broaden the gains of tourism to all sectors. In line with the municipality’s vision to make the town of Los Banos as an eco-friendly science community, the LB CHATO guarantees that its activities will coincide

with the LGU’s environmental programs. In addition, LB CHATO also seeks to promote native products, culture and arts not only to visitors but also among the local residents. Moreover, the office also aims to produce high quality souvenirs and other Los Baños mementos. Lastly, with the newly enacted Tourism Code (Ordinance No. 2015-1439), enhancements in accessibility and standards of tourist destination and services can be anticipated. The LB CHATO also ensures the smooth flow of communication information to better put in the picture the tourism activities, plans, and programs of the municipality. In 2013, through the Resolution No. 2013-08, the Los Banos Municipal Tourism Council (LBTMC) was adopted, recognized its reconstitution. The LBTMC acts as an anchor in institutionalizing the plans and programs of local tourism development. The Council is also responsible for recommending policies, regulations and management, proposing and conducting training regarding tourism related personnel/establishments, putting forward and implementing income generating projects, updating the inventory of Los Baños tourism sites and establishments, and formulating package tours and promotional materials for all tourism related activities.

🎶🙏 MISA AT MUSIKA SA MERCADO 🙏🎶Isa na namang makabuluhan at masayang aktibidad ang handog ng Bayan ng Los Baños para sa ...
04/06/2026

🎶🙏 MISA AT MUSIKA SA MERCADO 🙏🎶

Isa na namang makabuluhan at masayang aktibidad ang handog ng Bayan ng Los Baños para sa ating komunidad!

Tara na at makiisa sa isang hapon ng pananampalataya, musika at pagkakaisa sa ating paboritong pamilihan.

📅 June 6, 2026
📍 2nd Floor, Batong Malake Public Market

🕓 4:00 PM – Holy Mass
🎵 5:00 PM – Live Performance by Afterclass Band

Sama-sama nating ipagdiwang ang biyaya ng pananampalataya habang tinatangkilik ang masiglang himig ng musika.

Dalhin ang inyong pamilya at mga kaibigan para sa isang makabuluhan at masayang pagtitipon para sa buong komunidad.

Tara na at magpasalamat, makinig at magsaya!

Kita-kits sa Paseo de Mercado! 💚





Magandang araw po! 😊Ang ating “Sunset at the Park” na gaganapin sana ngayong gabi, Hunyo 5, 2026 sa Gen. Paciano Rizal P...
04/06/2026

Magandang araw po! 😊

Ang ating “Sunset at the Park” na gaganapin sana ngayong gabi, Hunyo 5, 2026 sa Gen. Paciano Rizal Park ay pansamantala munang ipinagpaliban.

Ngunit inaanyayahan pa rin po namin kayo na makisali sa ating Open Mic sa Sunset at the Park bukas, Hunyo 6, 2026.

Maraming Salamat po sa inyong pag-unawa at patuloy na pag suporta sa Sunset at the Park!

Kita-kits po bukas! 💛

📍 LOS BAÑOS TOURISM OFFICE ASSISTANCEPatuloy ang Pamahalaang Bayan ng Los Baños sa pangunguna ni Punumbayan Mayor Neil A...
02/06/2026

📍 LOS BAÑOS TOURISM OFFICE ASSISTANCE

Patuloy ang Pamahalaang Bayan ng Los Baños sa pangunguna ni Punumbayan Mayor Neil Andrew Nocom katuwang ang Los Baños Tourism Office sa pagsasagawa ng mga programang nagtataguyod ng kasaysayan, kultura, turismo at pakikipag-ugnayan sa iba't ibang sektor upang higit pang mapalakas ang turismo sa bayan.

🚶‍♂️ Lakbay Los Baños Heritage Walk with Malikhaing G**o
Noong Mayo 23, matagumpay na isinagawa ang Lakbay Los Baños Heritage Walk kasama ang mga kasapi ng Malikhaing G**o. Sa pamamagitan ng makasaysayang paglalakbay na ito, mas napalalim ang kanilang kaalaman at pagpapahalaga sa mayamang kasaysayan at pamana ng Los Baños.

📚 Tourism Assistance for Student Researchers
Nagbigay rin ang tanggapan ng turismo ng kinakailangang impormasyon at tulong sa mga mag-aaral na nagsasagawa ng pananaliksik kaugnay ng turismo, kasaysayan at mga atraksyon ng bayan.

🤝 Bañamos Festival Coordination Meeting
Bilang paghahanda para sa nalalapit na Bañamos Festival, nagsagawa ng coordination meeting noong Mayo 29 upang pagplanuhan at tiyakin ang maayos na pagpapatupad ng mga aktibidad at programa para sa pagdiriwang.

🏞️ Assistance to TIEZA Site Visit
Kasama ang Los Baños Tourism Office sa paghalili sa mga kinatawan ng Tourism Infrastructure and Enterprise Zone Authority (TIEZA) sa mga tourism sites ng bayan bilang bahagi ng kanilang assessment at tourism development initiatives.

🌅 Sunset at the Park with PHSA and MSI
Nakiisa rin ang tanggapan sa isinagawang Sunset at the Park kasama ang Philippine High School for the Arts (PHSA) at Marine Science Institute (MSI), isang makabuluhang pagtitipon na nagtaguyod ng sining, agham, at pagpapahalaga sa kalikasan.

🏛️ Lakbay Los Baños Heritage Walk with PhilNoni, TIEZA, and Navieslane
Patuloy ding isinagawa ang Lakbay Los Baños Heritage Walk para sa mga kinatawan mula sa PhilNoni, TIEZA, at Navieslane upang maipakilala ang makasaysayan at natatanging mga pamanang lugar ng Los Baños.

💚 Sa pamamagitan ng mga gawaing ito, patuloy na isinusulong ng Los Baños Tourism Office ang adhikaing mapanatili, maitaguyod, at maipagmalaki ang mayamang kultura, kasaysayan, at turismo ng ating bayan.






25th Bañamos Festival 1st Steering, Working and Events Committee Meeting | May 29, 2026
29/05/2026

25th Bañamos Festival 1st Steering, Working and Events Committee Meeting | May 29, 2026

🌅🎶 MAQUIPAG-MUSIKAHAN SA SUNSET AT THE PARKSama-sama nating ipagdiwang ang makulay na legasiya sa edukasyon ng Maquiling...
27/05/2026

🌅🎶 MAQUIPAG-MUSIKAHAN SA SUNSET AT THE PARK

Sama-sama nating ipagdiwang ang makulay na legasiya sa edukasyon ng Maquiling School Inc. sa pamamagitan ng isang gabi ng musika ngayong Mayo 29, 2026 sa Gen. Paciano Rizal Park simula 6:00 PM! ✨

🎸 May 29 (Friday)
Tampok ang makabuluhang pagtatanghal nina Greg & Sim Zuniega at ng grupong Diwang Pinoy, kasama rin ang relaxing at makabagbag-damdaming acoustic performances nina Nestor Leviste, Sonny Sumangil, at Garry Apolinario.

🎤 May 30 (Saturday)
Open Mic Night - ilabas ang inyong talento sa pag kanta!

Isama ang pamilya at mga kaibigan at samahan kami sa dalwang masayang gabi ng awitan habang pinagmamasdan ang ganda ng paglubog ng araw sa Los Baños!🌇✨

Kita-kits sa park! 💛

Bilang paghahanda sa nalalapit na pagdiriwang ng National Flag Days 2026, nagsimula na ang Pamahalaang Bayan ng Los Baño...
26/05/2026

Bilang paghahanda sa nalalapit na pagdiriwang ng National Flag Days 2026, nagsimula na ang Pamahalaang Bayan ng Los Baños, sa pamamagitan ng Tanggapan ng Turismo sa paglalagay at pagpapakita ng mga watawat ng Pilipinas sa harapan at loob ng Munisipyo ng Los Baños bilang pakikiisa sa pagdiriwang at bilang sagisag ng pagkamakabayan, pagkakaisa at paggalang sa kasaysayan at pamana ng ating bansa.

Alinsunod sa Seksyon 30 ng Republic Act No. 8491 o mas kilala bilang Flag and Heraldic Code of the Philippines, idineklara ang panahon mula Mayo 28 hanggang Hunyo 12 ng bawat taon bilang National Flag Days. Sa panahong ito, hinihikayat ang lahat ng tanggapan at ahensya ng pamahalaan, mga establisimyento, paaralan at maging ang mga pribadong tahanan na buong pagmamalaking magpaskil at magwagayway ng pambansang watawat bilang pagpapakita ng diwa ng nasyonalismo at pagkakaisa ng sambayanang Pilipino.

Makiisa tayo sa pagdiriwang at patuloy na ipamalas ang ating pagmamahal sa bayan sa pamamagitan ng marangal na pagpapakita ng ating pambansang watawat.

𝗦𝘂𝗻𝘀𝗲𝘁 𝗛𝗲𝗿𝗶𝘁𝗮𝗴𝗲 𝗪𝗮𝗹𝗸 𝗮𝘁 𝗠𝗮𝗹𝗶𝗸𝗵𝗮𝗶𝗻𝗴 𝗚𝘂𝗿𝗼 𝟮𝟬𝟮𝟲Onsite participants of Malikhaing G**o 2026 took part in the Sunset Heritage...
23/05/2026

𝗦𝘂𝗻𝘀𝗲𝘁 𝗛𝗲𝗿𝗶𝘁𝗮𝗴𝗲 𝗪𝗮𝗹𝗸 𝗮𝘁 𝗠𝗮𝗹𝗶𝗸𝗵𝗮𝗶𝗻𝗴 𝗚𝘂𝗿𝗼 𝟮𝟬𝟮𝟲

Onsite participants of Malikhaing G**o 2026 took part in the Sunset Heritage Walk, an immersive cultural experience exploring significant historical and heritage sites in Los Baños, Laguna.

The heritage walk featured visits to Pook Pinagtatagan ng UPLB, the Ruins of the PNR Tracks in Bambang, Agua Santa Resort Ruins, Ruins of Old Pantalan, and Bahay ni Paciano Rizal.

The activity offered participants a deeper appreciation of local history, heritage, and community narratives while highlighting the importance of preserving cultural spaces and historical memory for future generations.

Special thanks to the Los Baños Tourism Office for facilitating the tour.

**o2026

Thank you again spot.ph 💙
22/05/2026

Thank you again spot.ph 💙

🌅🎶 Tara na at damhin ang musika at ganda ng dapithapon sa Los Baños!Makisaya sa Los Baños Sunset at the Park ngayong May...
20/05/2026

🌅🎶 Tara na at damhin ang musika at ganda ng dapithapon sa Los Baños!

Makisaya sa Los Baños Sunset at the Park ngayong Mayo 22 at 23, 2026 sa Gen. Paciano Rizal Park simula 6:00 PM! ✨

🎤 May 22 (Friday)
Open Mic Night — ipakita ang inyong talento at ibahagi ang inyong musika at sining!

🎸 May 23 (Saturday)
Open Jam kasama ang Musicians’ Corner at Jarhead — isang gabi ng kantahan, tugtugan, at masayang samahan!

Dalhin ang inyong pamilya, barkada, at kapwa music lovers para sa dalawang gabing puno ng musika, talento, at relaxing sunset vibes dito sa Los Baños! 🌇🎵

Kita-kits sa parke! 💛

15/05/2026

Sa mga nagse-search ng "art studios near me" para mag-gallery hopping… Hindi niyo na kailangang magpakalayo pa.

Isang bayan. limang studio. Isang artist na gumagamit ng blowtorch sa kanyang obra, isang sculptor na nagbibigay ng buhay sa mga patay na puno, mga socio-political painter, mga artistang nakaugat sa komunidad, at ang Ama ng Philippine Installation Art — lahat ay matatagpuan diyan lang sa kabilang kanto.

The Science City allegations are true. Pero may bagong alegasyon ang Elbi na dapat mong tuklasin.

Basahin ang buong ulat ni Angel R. Dobles: https://lbtimes.ph/indie-artsy-at-medyo-esoteric-ka-ba-tuklasin-ang-mga-art-studio-dito-sa-los-banos-na-naghihintay-lamang-na-mabisita/

Address

TOURISM OFFICE, 2ND FLOOR NEGOSYO CENTER, MUNICIPAL HALL, LOS BAÑOS
College
4030

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Telephone

+63495394589

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Los Baños Tourism Office posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Los Baños Tourism Office:

Share