04/06/2026
๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐: ๐๐ฎ๐ฅ๐ ๐ฌ๐ ๐๐๐๐ค๐, ๐๐๐ญ๐ฎ๐ง๐ ๐จ ๐ฌ๐ ๐๐๐ ๐จ๐ฌ๐ฒ๐จ ๐๐ญ ๐๐๐๐ฎ๐ก๐๐ฒ๐๐ง!
Matagumpay na nagtapos ang huling araw ng โABAKABUHAYAN: LGU-Led Livelihood Training on Abaca Fiber Production Using Portable Spindle Machines and Abaca Fiber-Based Product Making (Bags, Slippers, at Scrunchies)โ, isang makabuluhang pagsasanay na naglalayong palawakin ang kaalaman at kakayahan ng ating mga lokal na samahan sa pagproseso ng abaka at paggawa ng mga produktong may mataas na halaga.
Pinangunahan ang pagsasanay ng PhilFIDA Regional Office 1 sa pangunguna ni Engr. ๐๐ข๐ณ๐ ๐. ๐๐๐ซ๐๐ฅ๐๐, Administrative Officer V, kung saan natutunan ng mga kalahok ang wastong paggamit ng portable spindle machines at ang paggawa ng iba't ibang produktong yari sa hibla ng abaka tulad ng mga bag, tsinelas, at scrunchies na maaaring maging dagdag-kabuhayan ng kanilang mga pamilya at komunidad.
Ang mga benepisyaryo ng programa ay ang Claveria Handicraft Association Organization sa pamumuno ni President Noenita D. Macalma at ang Claveria Cagayan First Fiber Crop Producers Association sa pamumuno ni President Edwin Valiente.
Nagbigay naman ng teknikal na suporta ang Municipal Agriculture Office sa pamamagitan nina Engr. Joel Angelo M. Apostol at Roselle H. Agcaoili, RAgr., sa ilalim ng gabay at superbisyon ni Municipal Agriculturist ๐๐๐ง๐ญ๐ ๐. ๐๐๐ฌ๐ญ๐ข๐ฅ๐ฅ๐จ, RAgr., Ph.D.
Ang matagumpay na pagsasakatuparan ng gawaing ito ay bunga rin ng buong pusong suporta ni Municipal Mayor Hon. ๐๐ฎ๐๐ข๐ฅ๐ฅ๐ ๐๐ง๐ ๐๐ฅ๐ฎ๐ฌ ๐๐ฎ๐ข๐ฅ๐ฅ๐๐ง-๐๐๐ฉ๐จ, na patuloy na nagtataguyod ng mga programang nagbibigay ng oportunidad sa kabuhayan at kaunlaran ng mga mamamayan ng Claveria.
Sa pagtatapos ng pagsasanay, bitbit ng mga kalahok hindi lamang ang bagong kasanayan kundi pati ang inspirasyon at kumpiyansa upang makalikha ng mga produktong de-kalidad mula sa abaka at makapagbukas ng mas maraming oportunidad para sa isang mas matatag at napapanatiling kabuhayan.
โMula sa simpleng hibla ng abaka, nabubuo ang mga produktong may halaga at mga pangarap na nagbibigay ng pag-asa sa kinabukasan.โ
โ๏ธM.Aguinaldo
๐ทR.Agcaoili, N.B Aguda