28/06/2022
AMMLU ALERT!
JUNE 28, 2022
Nitong huling nagdaang mga linggo, ngayon patapos na ang termino ng rehimeng Duterte at pasimula ang rehimeng Marcos Jr, tila naghahabol ng qouta ang NTF-ELCAC sa katauhan ng PNP at AFP.
Sunod sunod ang mga ulat ng red tagging at black propaganda, pagmamanman, pagbisita, at pagpapasuko sa mga miyembro at lider ng mga legal na pangmasang organisasyon dito sa rehiyon at maging sa probinsya ng La Union.
Sa mga miyembrong organisasyon ng AMMLU gaya ng Timek ken Namnama daguiti Babassit a Manggalap ti La Union (TIMEK) at Timpuyog daguiti Marigrigat nga Umili iti Naguilian (TIMUN), pinapalabas ng NTF-ELCAC na ito ay mga Communist Front Organizations, isang walang basehang paratang na hindi naman nila mapatunayan.
Sa mga report na natanggap mula sa komunidad, hinahanap ng kapulisan si Edward Kuan, lider ng TIMEK-La Union, sa di malamang dahilan o rason, gustong kumpirmahin ng kapulisan kung pupunta siya sa inagurasyon ni Marcos Jr. sa katapusan ng buwan. Naghahanap din daw sila ng itim na motor.
Nitong hunyo 4, batay sa isang report, sa pinagsamang pwersa ng La Union Provincial Intelligence Unit, Aringay MPS Regional Intelligence Unit 1, Regional Intelligence Division 1, at Technical Support Company ng Regional Force Battalion 1, may sumuko umano na "alias Ka Leonardo" sa PNP RO1 na miyembro umano ng Timek ti La Union o TIMUN.
Sa pinagsamasamang intelligence unit na nabanggit, hindi man lang nila nakuha ng tama kung anong organisasyon ang kinabilangan ni alias Leonardo, kung sa TIMEK ba o sa TIMUN.
Mariing kinukundena ng AMMLU ang desperadong mga aksyon ng NTF-ELCAC para isalba ang kanilang sarili at pagtakpan ang kanilang hungkag na programang kontra insurhensya.
Naglulustay lamang sila ng pondo na sana ay mailaan sa pag ahon sa kahirapang nararanasan ng mamamayan imbes na gamitin sa kanilang mga proyektong puro chismis at haka haka lang ang puhunan.
Patuloy na tumataas ang presyo ng mga pangunahing bilihin, walang tigil ang pag sirit ng presyo ng petrolyo, pinakamataas na ang inabot ng mga presyo ng abono at pestisidyo habang pinakamura na ang pagbili sa mga produkto ng magsasaka at mangingisda.
Kung sinsero ang pamahalaan na solusyunan ang problema ng sambayanan, walang rason na mag reklamo sa gobyerno ang mamamayan.
Kilusang Magbubukid ng Pilipinas - KMP
PAMALAKAYA-Pilipinas
Northern Dispatch
Karapatan