Cervantes, Ilocos Sur Municipal Health Office

Cervantes, Ilocos Sur Municipal Health Office This is the Official page of Cervantes, Ilocos Sur Municipal Health Office.

Palagip Kakailyan, Ngumangato ladta ti kaso tayo ti Sakit nga  Dengue karo daytoy kalkalpas nga habagat.Kanayon tayo kum...
10/09/2026

Palagip Kakailyan, Ngumangato ladta ti kaso tayo ti Sakit nga Dengue karo daytoy kalkalpas nga habagat.

Kanayon tayo kuma nga agdalus ti arubayan tayo, haan tayo bay-bay an nga adda mabalin nga pagitlogan ti lamok.

Biruken, Idalemanek wenno kalleban dagiti pagurnungan ti danum.

Protektaran ti Bagi babaen ti panagusar ti mosquito repellant, muskitiro wenno long sleeve ken pajama karo ti oras ti malem.

Agpakosulta no adda marikrikna ti sintomas ti dengue (on and off fever, sakit ti ulo, rashes, panagkapsot).

Mangrugi ti kinadalus ti pagtaengan ken aglawlaw tapnu ti Sakit nga Dengue ket maawan.

01/09/2026

ALAM MO BA?
Ang Leptospirosis ay isang bacterial infection na maaaring makuha mula sa tubig, putik, o lupa na kontaminado ng ihi ng infected na hayop, lalo na ng daga. ๐Ÿ€

โ“ PAANO ITO NAKUKUHA?

โš ๏ธ Maaaring pumasok ang bacteria sa katawan sa pamamagitan ng:
โ€ข Paglusong o paglalakad sa tubig-baha
โ€ข Pagkakadikit sa kontaminadong putik o lupa
โ€ข Mga sugat, galos o may lamat na balat
โ€ข Mata, ilong at bibig na nadikit sa kontaminadong tubig

Kahit walang nakikitang sugat, may panganib pa rin kapag nalantad sa kontaminadong baha.

๐Ÿ›ก๏ธ ANO ANG DAPAT GAWIN?

โœ… Iwasan ang paglusong sa baha kung hindi kinakailangan.
โœ… Kung hindi maiiwasan, magsuot ng waterproof boots at takpan ang mga sugat.
โœ… Pagkatapos malusong sa baha, hugasan agad ang katawan gamit ang malinis na tubig at sabon.
โœ… Panatilihing malinis ang paligid at kontrolin ang populasyon ng daga.
โœ… Magpakonsulta agad sa pinakamalapit na Health Center o doktor kung nalantad sa baha, lalo na kung may sintomas.

๐Ÿšจ MGA SINTOMAS NA DAPAT BANTAYAN

๐ŸŒก๏ธ Lagnat
๐Ÿค• Matinding sakit ng ulo
๐Ÿ’ช Pananakit ng katawan o binti
๐Ÿ‘๏ธ Pamumula ng mga mata
๐Ÿฅถ Panginginig
๐Ÿคข Pagduduwal o pagsusuka
๐ŸŸก Paninilaw ng balat o mata
๐Ÿšฝ Kaunti o maitim na ihi

Maaaring lumitaw ang mga sintomas ilang araw hanggang ilang linggo matapos ang exposure.

โš ๏ธ Huwag hintayin na lumala ang sintomas!
Kung ikaw ay lumusong sa baha o nadikit sa putik, magpakonsulta agad sa pinakamalapit na Health Center/YAKAP Clinic para masuri ang iyong risk at mabigyan ng tamang payo.

โ— HUWAG basta-basta uminom ng antibiotics tulad ng Doxycycline nang walang payo at reseta ng health professional. Hindi lahat ng na-expose sa baha ay nangangailangan nito.

๐Ÿ’™ IWAS LEPTO!
Iwas sa baha. Panatilihing malinis ang paligid. Magpakonsulta agad kapag kinakailangan.






๐ŸŒง๏ธ PAALALA KONTRA DENGUE! ๐ŸŒง๏ธ๐ŸฆŸTULOY TULOY PA RIN ANG TAG-ULAN โ€” MAG-INGAT SA DENGUE! ๐ŸšจSa panahon ng tag-ulan, mas maramin...
01/09/2026

๐ŸŒง๏ธ PAALALA KONTRA DENGUE! ๐ŸŒง๏ธ๐ŸฆŸ

TULOY TULOY PA RIN ANG TAG-ULAN โ€” MAG-INGAT SA DENGUE! ๐Ÿšจ

Sa panahon ng tag-ulan, mas maraming lugar ang maaaring pamugaran ng lamok. Kaya naman, sama-sama nating protektahan ang ating pamilya at komunidad! ๐Ÿ’ชโค๏ธ

๐Ÿชฃ TAOB โ€“ Itapon ang tubig na naipon sa mga lalagyan.
๐Ÿ’ง TAKTAK โ€“ Alisin ang tubig sa mga bagay na maaaring pamugaran ng lamok.
โ˜€๏ธ TUYO โ€“ Panatilihing tuyo at malinis ang paligid.
๐Ÿ›ข๏ธ TAKIP โ€“ Takpan ang mga lalagyan ng tubig.

๐Ÿ”Ž Sundin ang 4S Kontra Dengue:
1๏ธโƒฃ Search and Destroy
Hanapin at sirain ang mga pinamumugaran ng lamok. Alisin ang naipong tubig sa paligid ng bahay.

2๏ธโƒฃ Self-Protection
Gumamit ng mosquito repellent, magsuot ng long sleeves, at gumamit ng mosquito nets.

3๏ธโƒฃ Seek Early Consultation

Kung may mataas na lagnat, pananakit ng katawan, panghihina, pantal, pananakit ng tiyan o pagsusuka, agad na magpakonsulta sa pinakamalapit na health center o pagamutan.

4๏ธโƒฃ Support Fogging/Spraying kung may hotspot o outbreak

๐Ÿ’™ WALANG LAMOK, WALANG DENGUE!
๐ŸŒฟ Linisin ang paligid. Alisin ang STAGNANT na tubig. Protektahan ang bawat pamilya.

๐Ÿ“ Paalaala mula sa
CERVANTES MUNICIPAL HEALTH OFFICE



Data Source: Philippine Integrates Disease Surveillance and Response
Ilocos Sur District Hospital-Bessang Pass Cervantes
Cervantes Municipal Health Office

๐Ÿ•Š๏ธ REST IN PEACE, MANANG LEA ๐Ÿ•Š๏ธYour kindness, warmth, and beautiful memories will always remain in the hearts of those w...
24/08/2026

๐Ÿ•Š๏ธ REST IN PEACE, MANANG LEA ๐Ÿ•Š๏ธ

Your kindness, warmth, and beautiful memories will always remain in the hearts of those who knew and loved you. May you rest peacefully in the loving embrace of the Lord. ๐Ÿ™๐Ÿค

From your Cervantes Municipal Health Office Family, our sincerest condolences.

May God grant comfort, strength, and peace to the bereaved family during this difficult time.

๐Ÿ•ฏ๏ธ Rest in Peace, Manang Lea. You will be deeply missed. ๐Ÿค

โ€” Cervantes Municipal Health Office

๐Ÿ“ข **PAUNAWA SA LAHAT**Dahil sa hindi magandang kondisyon ng panahon, ang nakatakdang Launching ng Ligtas Tigdas Bakuna s...
09/08/2026

๐Ÿ“ข **PAUNAWA SA LAHAT**

Dahil sa hindi magandang kondisyon ng panahon, ang nakatakdang Launching ng Ligtas Tigdas Bakuna sa Barangay San Juan bukas (August 10, 2026) ay **IPINAGPALIBAN**.

๐ŸŒง๏ธ Para sa kaligtasan ng ating mga bata, magulang, at health workers, pansamantalang ipinagpapaliban ang aktibidad.

Mangyaring abangan ang bagong iskedyul ng Launching.

Maraming salamat sa inyong pang-unawa at patuloy na pakikiisa sa programang pangkalusugan ng ating komunidad. โค๏ธ

Ligtas Tigdas Bakuna โ€” Para sa Batang Protektado, Malusog at Ligtas! ๐Ÿ’‰๐Ÿ‘ถ

07/08/2026

๐Ÿ“ข MR SIA 2026 | Measles-Rubella Supplemental Immunization Activity ๐Ÿ’‰

Mga minamahal naming kababayan,

Ang kalusugan ng ating mga anak ay isa sa ating pinakamahalagang responsibilidad. Inaanyayahan at hinihikayat namin ang lahat ng mga magulang at tagapag-alaga na makiisa sa Measles-Rubella Supplemental Immunization Activity (MR SIA) 2026 na gaganapin mula August 10โ€“28, 2026.

๐Ÿ‘ถ Lahat ng batang edad 6โ€“59 buwan (wala pang 5 taong gulang) ay maaaring makatanggap ng LIBRENG Measles-Rubella (MR) vaccine.

โœ… Libre. Ligtas. Epektibo.

Sa pamamagitan ng pagbabakuna, napoprotektahan natin ang ating mga anak laban sa tigdas (measles) at rubella, habang sama-sama nating pinananatiling ligtas at malusog ang ating buong komunidad.

Dalhin ang inyong anak sa itinakdang araw at lugar ng pagbabakuna. Ang inyong pakikiisa ay isang mahalagang hakbang tungo sa mas ligtas at mas malusog na kinabukasan ng bawat batang Pilipino.

Bakuna ay Proteksyon. Sama-sama nating pangalagaan ang kalusugan ng bawat bata.

Dโ€™BEST Cervantes

๐—”๐—น๐—ฎ๐—บ๐—ถ๐—ป. ๐— ๐—ฎ๐—ด๐—ฝ๐—ฎ๐—ฏ๐—ฎ๐—ธ๐˜‚๐—ป๐—ฎ. ๐— ๐—ฎ๐—ด๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—Ÿ๐—ถ๐—ด๐˜๐—ฎ๐˜€.๐—ฆ๐—ฎ๐—บ๐—ฎ-๐˜€๐—ฎ๐—บ๐—ฎ ๐˜€๐—ฎ ๐—ฃ๐—ฎ๐—ด๐—ฝ๐—ฟ๐—ผ๐˜๐—ฒ๐—ธ๐˜๐—ฎ ๐˜€๐—ฎ ๐—•๐—ฎ๐˜„๐—ฎ๐˜ ๐—•๐—ฎ๐˜๐—ฎ, ๐—œ๐˜€๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—•๐—ฎ๐—ธ๐˜‚๐—ป๐—ฎ ๐˜€๐—ฎ ๐—•๐—ฎ๐˜„๐—ฎ๐˜ ๐—›๐—ฎ๐—ธ๐—ฏ๐—ฎ๐—ป๐—ดProtektahan ang ...
29/07/2026

๐—”๐—น๐—ฎ๐—บ๐—ถ๐—ป. ๐— ๐—ฎ๐—ด๐—ฝ๐—ฎ๐—ฏ๐—ฎ๐—ธ๐˜‚๐—ป๐—ฎ. ๐— ๐—ฎ๐—ด๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—Ÿ๐—ถ๐—ด๐˜๐—ฎ๐˜€.
๐—ฆ๐—ฎ๐—บ๐—ฎ-๐˜€๐—ฎ๐—บ๐—ฎ ๐˜€๐—ฎ ๐—ฃ๐—ฎ๐—ด๐—ฝ๐—ฟ๐—ผ๐˜๐—ฒ๐—ธ๐˜๐—ฎ ๐˜€๐—ฎ ๐—•๐—ฎ๐˜„๐—ฎ๐˜ ๐—•๐—ฎ๐˜๐—ฎ, ๐—œ๐˜€๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—•๐—ฎ๐—ธ๐˜‚๐—ป๐—ฎ ๐˜€๐—ฎ ๐—•๐—ฎ๐˜„๐—ฎ๐˜ ๐—›๐—ฎ๐—ธ๐—ฏ๐—ฎ๐—ป๐—ด

Protektahan ang ating mga anak laban sa Tigdas (Measles) at Rubella (Tigdas-Hangin) sa pamamagitan ng Measles-Rubella Supplemental Immunization Activity (MR-SIA) ng Department of Health.

Ang MR-SIA ay isang libreng pagbabakuna na nagbibigay ng karagdagang proteksyon upang maiwasan ang pagkalat ng tigdas at rubella at mapanatiling ligtas ang ating mga komunidad.

๐Ÿ“Œ Sino ang dapat magpabakuna?
๐Ÿ‘ถ Lahat ng batang 6โ€“59 buwan (wala pang 5 taong gulang), kahit nabakunahan na dati, ay hinihikayat na tumanggap ng karagdagang dose para sa mas matibay na proteksyon.

๐Ÿ“Œ Bakit mahalaga ang bakuna?
โœ… Ligtas
โœ… Mabisa
โœ… Libre

Ang tigdas at rubella ay maaaring magdulot ng malubhang komplikasyon, lalo na sa mga bata. Sa pamamagitan ng pagbabakuna, maiiwasan ang malalang sakit at mapoprotektahan ang kalusugan ng bawat bata at ng buong komunidad.

๐Ÿ’™ Magpabakuna. Magprotekta. Magkaisa para sa mas ligtas at mas malusog na kinabukasan ng ating mga anak.

12/07/2026
15/06/2026

โฐAlas Kwatro Kontra Mosquito na!โฐ

Itaob ang mga lalagyang may naimbak na tubig para maiwasan ang pangingitlog ng mga lamok!




Address

Cervantes, Ilocos Sur
Cervantes
2718

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Cervantes, Ilocos Sur Municipal Health Office posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share