02/09/2026
๐๐๐๐๐๐ 31, 2026 โ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐: ๐๐
๐ ๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐, ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐
Idinaos sa Kapitolyo ng Cebu ang ikalawang State of the Province Address (SOPA) ni Cebu Governor Pamela S. Baricuatro, na dinaluhan ng mga pangunahing opisyal ng Cebuโkabilang ang mga miyembro ng Provincial Board, mga alkalde, at mga bise-alkaldeโpati na rin ng mga kinatawan mula sa iba't ibang ahensya ng pamahalaan at mga ahensya ng pambansang pamahalaan. Nakilahok din ang National Food Authority Cebu Branch Office, na pinangunahan nina Acting Branch Manager Khristine T. Vincoy at Acting Assistant Branch Manager Maria Odessa G. Mercado.
Sa kanyang SOPA, binigyang-diin ng Gobernador na pangunahing tungkulin ng pamahalaang panlalawigan ang pagtugon sa kagutuman at pagpapaigting ng seguridad sa pagkain sa Cebu. Kabilang sa mga programa ang suporta sa mga magsasaka at mangingisda, pagbibigay ng makinarya, pasilidad, hayop, buto at serbisyong pangkalusugan para sa livestock, pagtatayo ng Peopleโs Markets, at paglulunsad ng Agrilink-Cebu. Iniulat din ng Gobernador ang 312,500 benepisyaryo mula sa ibaโt ibang sektor ang nakatanggap ng tig-10 kilong bigas sa ilalim ng Bigay-Bigas sa Masa.
Inihayag din ang plano ng Gobernador na dagdagan ang badyet para sa agrikultura upang mapalawak ang mga programa at mas maraming magsasaka at mangingisda ang makinabang sa suporta ng pamahalaan. Ang pagpapalakas ng sektor ng agrikultura ay mahalaga upang matugunan ang kagutuman, mapabuti ang kabuhayan ng mga Cebuano, at maiangat ang kalidad ng buhay ng mga magsasaka at mangingisda.
Samantala, nakahandang makipagtulungan at sumuporta ang NFA Cebu Branch Office sa mga inisyatiba ng lalawigan para sa patuloy na pag-unlad ng agrikultura sa Cebu lalong-lalo na ang siguraduhin na may sapat na buffer stock o reserba ng bigas na kukunin mula sa mga lokal na magsasaka at ilalabas lalong-lalo na sa panahon ng kalamidad at emerhensya gayundin para sa iba pang programa ng pamahalaan na may kinalaman sa seguridad sa pagkain.
โ๐๐๐ฎ๐๐ ๐๐ฃ๐ ๐ฝ๐๐๐๐จ, ๐๐๐ฃ๐๐ฉ๐๐ ๐๐ฃ๐ ๐ฝ๐ช๐ ๐๐จโ
#๐ฝ๐๐๐ค๐ฃ๐ ๐๐๐ผ #๐๐๐ฎ๐๐๐ก๐๐จ๐๐ ๐๐ฉ #๐๐ช๐ข๐ช๐ฉ๐ช๐๐ค๐ฃ #๐๐๐๐๐จ๐๐๐๐ฃ