20/07/2026
๐ข๐ช๐ช๐, ๐ฝ๐ฎ๐๐๐น๐ผ๐ ๐ฎ๐ป๐ด ๐ฝ๐ฎ๐ด๐ต๐ฎ๐ต๐ฎ๐ป๐ฑ๐ผ๐ด ๐ป๐ด ๐ฟ๐ฒ๐ถ๐ป๐๐ฒ๐ด๐ฟ๐ฎ๐๐ถ๐ผ๐ป ๐ฎ๐ ๐๐ฝ๐๐ธ๐ถ๐น๐น๐ถ๐ป๐ด ๐ป๐ฎ ๐๐๐ฝ๐ผ๐ฟ๐๐ฎ ๐๐ฎ ๐บ๐ด๐ฎ ๐ฟ๐ฒ๐๐๐ฟ๐ป๐ฒ๐ฒ ๐ข๐๐ช๐
Patuloy na tinututukan ng pamahalaan ang ligtas na repatriation ng ating mga Kababayang OFWs na apektado ng tensyon sa Middle East, kasabay ng pagpapalakas ng mga programang tutulong sa kanilang muling pagbangon at reintegration pagbalik sa bansa.
Sa panayam sa programang "Boses," ibinahagi ni OWWA Administrator Patricia Yvonne "PY" Caunan na bukod sa agarang assistance na natatanggap ng mga repatriated OFWs, nakatuon din ang ahensya sa pangmatagalang suporta sa pamamagitan ng mga livelihood, upskilling, at iba pang reintegration programs.
Ayon kay Admin PY, batay sa isinagawang survey ng OWWA sa mga returnee OFWs, mahigit 4,000 ang nagpahayag ng pangangailangan para sa livelihood assistance. Dahil dito, patuloy na pinalalawak ng OWWA at mga katuwang na ahensya ang mga programang makatutulong sa mga OFW na makapagsimula ng kabuhayan, makapag-upskill, at makahanap ng mas maraming oportunidad sa kanilang pagbabalik sa Pilipinas.
Ibinahagi rin ni Admin PY na ๐น๐ฎ๐น๐ฎ๐ด๐ฑ๐ฎ๐ฎ๐ป ๐ป๐ด๐ฎ๐๐ผ๐ป๐ด ๐ฎ๐ฟ๐ฎ๐ ๐ป๐ด ๐ถ๐น๐ฎ๐ป๐ด ๐ฎ๐ต๐ฒ๐ป๐๐๐ฎ ๐ป๐ด ๐ฝ๐ฎ๐บ๐ฎ๐ต๐ฎ๐น๐ฎ๐ฎ๐ป ๐ฎ๐ป๐ด ๐ถ๐๐ฎ๐ป๐ด ๐ธ๐ฎ๐๐๐ป๐ฑ๐๐ฎ๐ป ๐ฝ๐ฎ๐ฟ๐ฎ ๐๐ฎ ๐ฝ๐ฎ๐ด๐ฝ๐ฎ๐ฝ๐ฎ๐๐๐ฝ๐ฎ๐ฑ ๐ป๐ด ๐ถ๐๐ฎ๐ป๐ด ๐๐ฝ๐๐ธ๐ถ๐น๐น๐ถ๐ป๐ด ๐ณ๐ฟ๐ฎ๐บ๐ฒ๐๐ผ๐ฟ๐ธ ๐ฝ๐ฎ๐ฟ๐ฎ ๐๐ฎ ๐บ๐ด๐ฎ ๐ข๐๐ช. Layunin nitong magsilbing gabay sa pagbibigay ng angkop na suporta at mga programa batay sa kalagayan, pangangailangan, at plano ng bawat OFW.
Sa pamamagitan ng mas pinagtibay na koordinasyon ng mga ahensya ng pamahalaan, patuloy na isinusulong ng OWWA ang mga programang magbibigay ng mas matatag na oportunidad para sa mga OFW at kanilang pamilya sa ilalim ng .
Panoorin ang buong panayam dito: https://www.youtube.com/watch?v=3iZZuEFgZw4
Video Courtesy of Radyo Pilipinas