20/02/2026
ALERT:
MGA KABATAANG NANGHINGI NG PAMPUBLIKONG KONSULTASYON BAGO MAGTAAS NG TUITION, BINANTAAN NG EXPULSION
Humaharap sa banta ng expulsion ang dose-dosenang mga estudyante ng Cebu Institute of Technology matapos nilang pasimulan ang petition signing campaign sa kapwa estudyante para manawagan sa administrasyon na magsagawa muna ng public consultation na bukas sa lahat ng estudyante bago magkaroon ng pagtaas ng matrikula para sa sunod na Academic Year 2026-2027. Ang petisyon ay pinangunahan ng Progressive Alliance of Concerned Technologians, isang organisasyon ng mga estudyante sa pamantasan.
Pinahayag din ng mga estudyante ang pagtutol nila sa muling pagtaas ng matrikula at iba pang bayarin sa pag-aaral. Sa nakaraang taon nagtaas ng 12% ang tuition at karaniwang nasa 45,000 pesos sa kasalukuyan ang tuiton payment kada semestre.
Ayon sa administrasyon, illegal assembly raw ang ginawa ng mga estudyante na labag sa handbook, ngunit wala namang iligal sa malayang pagpahayag at pagpanawagan ng pampublikong konsultasyon. Sa katunayan, obligasyon ng Private Universities na magsagawa muna ng konsultasyon ayon sa CHED Memo no. 3, series of 2012 bago makapag-apply ng pagtaas ng tuition. Madalas pinepeke na lang ang konsultasyon o ginagawang pribado para mabilis lumusot ang pagtaas ng tuition.
Kinukundena ng Kabataan Partylist ang pagbabanta na ito sa mga estudyante. Paglabag ito sa Students Rights and Welfare (STRAW) Ordinance ng Cebu City at sa 1987 Consitution.
Ayon sa Section 6 ng Ordinance: "the right of students to form, assist, or join organizations, alliances or federations shall not be abridged."
Samantalang sa Section 13 nakasaad na: "Students shall have the right ot freely express their views and opinions. They shall have the right to peaceably assemble and petition the government and school authorities for redress of their grievances."
Imbes na atakehin ang mga estudyante, panawagan ng Kabataan sa mga opisyal ng pamantasan na bukas na makipagdayalogo sa mga estudyante. Pakinggan natin ang hinaing ng mga ordinaryong estudyante at kanilang mga pamilya. Hindi dapat masagasaan ang batayang karapatan para lang pilit unahin ang pagkamal ng kita. Nakikiisa tayo sa panawagan ng mga estudyante ng CIT kontra sa Tuition and Other Fee Increase (TOFI).