16/06/2025
๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐
๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ ๐
๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐
๐๐๐ ๐๐
๐๐๐๐๐๐๐๐ (๐๐๐) ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐/ ๐๐๐
๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐, ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐
๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐ ๐๐
[๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐: ๐ท๐๐ ๐๐๐๐๐ก๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐ฅ๐ข๐๐ ๐ด๐๐ข๐ ๐]
Lubos na nababahala at kinukundena ng Council for the Welfare of Children (CWC) ang dumaraming nauulat na kaso ng Online Sexual abuse and Exploitation of Children (OSAEC) at Child Sexual Abuse and Exploitation Materials (CSAEM).
Sa Angeles, Pampanga, nasakote ng PNP WCPC Luzon Field Unit ang isang ina na di umanoโy inaalok online ang kanyang mga menor de edad na anak. Ang nasabing Ina ay may karelasyong dayuhang online at syang nag impluwensya upang gawin ang nasabing karumaldumal na krimen sa sariling anak.
Isang single mom na influencer naman, tumangis ng malaman niyang d iumanoโy nabiktima sila at ang kanyang walang kamuwang-muwang na paslit na anak sa isang CSAEM na ginawa ng Artificial Intelligence o AI. Ayon sa influencer, ginamit ang kanilang post na kasama ang batang paslit, gamit ang makabagong teknolohiya, pinalitan ng malaswang video ang inang influencer nang sinasabing ari ng lalaki.
Ang pang-aabusong sekswal sa mga bata sa paggagawa at pagbebenta ng malaswang nilalaman ay isang anyo ng OSAEC. Ipinagbabawal ito sa ilalim ng Republic Act No. 11930, na mas kilala bilang Anti-OSAEC and CSAEM Act. Ayon sa Seksyon 4, pati na rin sa Seksyon 10 (a) ng nasabing batas, ang sinumang mapatunayang may kinalaman sa paggawa, pamamahagi, o pagbebenta ng anumang uri ng sekswal na materyal na kinasasangkutan ng mga bata ay papatawan ng parusang habambuhay na pagkakakulong at multang hindi bababa sa dalawang milyong piso. Layunin ng batas na ito na tuldukan ang malupit na krimeng ito at tiyaking mapanagot ang mga salarin sa ilalim ng batas.
Ang OSAEC ay hindi lamang simpleng paglabag sa batas, kundi isang matinding paglabag din sa karapatan ng bawat bata na mamuhay nang ligtas at may dignidad. Higit pa rito, ang ganitong traumatikong karanasan ay nag-iiwan ng malalim at pangmatagalang epekto sa emosyonal at sikolohikal na kalagayan ng mga biktima.
Bilang pangunahing ahensya ng pamahalaan na nangunguna sa pagtataguyod at pangangalaga sa kapakanan ng mga bata sa bansa, hindi matatanggap ng CWC ang anumang uri ng pang-aabuso o pagmamalupit laban sa kanila. Pinapalakas ng CWC ang panawagan para sa mas malawak na edukasyon sa mga komunidad hinggil sa pagprotekta sa karapatan ng mga bata. Naniniwala kami na ang bawat bata ay may karapatang lumaki sa isang ligtas, mapagmahal, at mapag-alagaing kapaligiran.
Ang MAKABATA Helpline 1383 ay patuloy na tumatanggap ng mga ulat at konsultasyon ukol sa karahasan, abuso, diskriminasyon, at pagpapabaya sa mga bata. Maaaring:
๐ Tumawag sa 1383
๐ฑ Smart: 0919-354-1383 | Globe: 0915-802-2375
๐ฉ Magchat sa Makabata Helpline 1383 Facebook at Instagram
I-click ang Makabata logo sa website ng CWC
๐ฅ๏ธ Magreport sa e-Gov Super App ng DICT (I-click ang "Child Abuse")
Ang bawat bata ay may karapatang lumaki nang ligtas at malaya sa pang-aabuso. Sama-sama nating siguruhing natutupad ang batas at naipagtatanggol ang kanilang karapatan.