22/05/2026
๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐-๐๐๐๐!
Ang pag-ibig, hindi dapat pinagkakakitaan. Alamin kung paano pinalulusot ng mga scammers ang tinatawag na "Love Scam" o "Package Scam" upang hindi maging susunod na biktima:
1. The Meet-Up: Makikilala ang scammer sa social media (gaya ng Facebook) at magpapakita ng labis na interes.
2. The Promise: Mangangako silang magpapadala ng mamahaling regalo o pakete (gaya ng alahas) galing sa ibang bansa bilang patunay ng kanilang "pagmamahal."
3. The Trap: Biglang hihingi ng pera ang biktima dahil "na-hold" umano ang pakete sa Customs custody at kailangan ng bayad para ma-release ito.
4. The Pay-off: Dahil sa tiwala at pag-asa, magbabayad ang biktima sa hininging halaga.
5. The Heartbreak: Matapos makuha ang pera, hindi darating ang pakete at tuluyan nang mawawala o magre-block ang scammer.
TANDAAN: Ang Bureau of Customs (BOC) ay hindi gumagamit ng mga personal o pribadong bank accounts, GCash, o remittance centers para mangolekta ng customs duties at taxes.
Maging mapagmatyag! Protektahan ang iyong puso... at ang iyong pitaka.
Stay cyber-safe, everyone!