07/09/2026
๐๐๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐
๐, ๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐
LUPAO, NUEVA ECIJA โ Naglunsad ng outreach program ang mga tauhan ng 2nd Provincial Mobile Force Company (2nd PMFC), Nueva Ecija Police Provincial Office (NEPPO) para sa mga miyembro ng Barangay Peacekeeping Action Teams (BPATs) sa Barangay Namulandayรกn, Lupao, Nueva Ecija noong Agosto 31, 2026.
Pinangunahan ang aktibidad sa ilalim ng superbisyon ni PLTCOL Santi Frey DC Lorenzo, Force Commander ng 2nd PMFC.
Isinagawa ang programa ng mga PCADC 2026-01 students bilang pagpapakita ng pagpapahalaga sa aktibong partisipasyon ng BPATs sa isinagawang Arresting and Handcuffing Techniques Refresher.
Naging pagkakataon din ito upang kilalanin ang mga BPATs bilang mahalagang katuwang ng PNP sa pagpapanatili ng kapayapaan, kaayusan at kaligtasan sa komunidad.
Sa pamamagitan ng ganitong programa, patuloy na pinagtitibay ng 2nd PMFC, NEPPO ang ugnayan ng kapulisan at mga katuwang nito sa barangayโtungo sa isang mas ligtas at maayos na pamayanan. ๐ซก๐
PNP, NEPPO Second Provincial Mobile Force Company