18/03/2026
PAHAYAG NG MATAAS NA PAARALAN NG LIBERTAD
Mariing pinabubulaanan ng Libertad National High School ang kumakalat na pahayag na inilabas ng BicoldotPh hinggil sa umano’y pagpasok o panlulusob ng mga armadong grupo sa loob ng paaralan.
Nais naming linawin na ang naturang pahayag ay hindi tugma sa aktwal na pangyayari. Noong ika-9 ng Marso,2026 araw ng lunes ang mga kinatawan ng Philippine Army ay bumisita sa paaralan upang magsagawa lamang ng isang courtesy call bilang bahagi ng kanilang ugnayan sa komunidad. Ang pagbisitang ito ay isinagawa nang maayos, at may pahintulot.
Taliwas sa ulat na nagsasabing may naganap na panlulusob noong ika-10 ng Marso,2026 walang ganitong pangyayari na naganap sa loob ng paaralan, dahil ang araw na iyon at ideneklarang Local Holiday sa bayan ng Cawayan para sa pagdiriwang ng Kahamugaway Festival kaya walang g**o at mga mag-aaral sa loob ng paaralan.
Ang ganitong uri ng maling impormasyon ay nagdudulot ng kalituhan at pangamba sa mga mag-aaral, g**o, at sa buong komunidad.
Patuloy naming pinangangalagaan ang kaligtasan at kapakanan ng aming mga mag-aaral at kawani.
Hinihikayat din namin ang publiko na maging mapanuri at tiyaking ang mga impormasyong ibinabahagi ay nagmumula sa beripikado at mapagkakatiwalaang sanggunian.
Maraming salamat.