BRGY 22-A LEO

BRGY 22-A LEO Brgy. 22 - A Leo Official Page

MAGANDANG UMAGA POSa mga residente nating PWD na nasa listahan mangyari lamang po na pumunta ng 10:00 am sa brgy.
04/09/2026

MAGANDANG UMAGA PO

Sa mga residente nating PWD na nasa listahan mangyari lamang po na pumunta ng 10:00 am sa brgy.

02/09/2026

Magandang araw po sa lahat.

Finally! Rice Distribution na po bukas. Magstart po tayo ng 8:00 am

No stub no rice po tayo. So pakiingatan po ang inyong mga stub. Salamat po❣️

24/08/2026

ATTENTION PWD RESIDENTS

May meeting po kayo bukas 5pm
Kailangan dalhin ang ID
Attendance is a must kung di available, guardian ang aattend

21/08/2026

PARA SA LAHAT NG RESIDENTE NG BARANGAY 22-A LEO

Para po sa lahat ng residente ng Barangay 22-A Leo, nais po naming magbigay ng paglilinaw tungkol sa pamamahagi ng sampung (10) kilong bigas mula sa ating national government sa ilalim ng programang “Bawat Bayan Makikinabang.”

Ang pamamahagi po ng bigas ay hindi per family at hindi per botante. Ang magiging basehan po ay HOUSEHOLD.

Ano po ang ibig sabihin ng household?

Ang household po ay tumutukoy sa mga aktwal na nakatira sa loob ng vicinity ng Barangay 22-A Leo, kahit hindi sila rehistradong botante ng ating barangay. Ibig sabihin, hindi po botante ang pinag-uusapan kundi ang mga taong aktwal na naninirahan dito.

Para naman po sa mga rehistradong botante ng Barangay 22-A Leo na hindi na kasalukuyang nakatira dito o wala nang bahay sa ating barangay, sa barangay kung saan na po kayo kasalukuyang naninirahan at kung saan kayo kabilang sa census/record ng PSA, doon po kayo dapat kumuha ng inyong ayuda.

Sa kasalukuyan, mahigit 260 lamang na household ang nakatalagang bilang para sa Barangay 22-A Leo sa listahang ibinaba sa atin, samantalang ang nasa barangay record ay humigit-kumulang 532 household.

Dahil dito, hindi po lahat ng household na nasa barangay record ay kasama sa listahang ibinaba sa ating barangay. Gayunpaman, makakaasa po kayo na ang buong pamunuan ng Barangay 22-A Leo ay gagawin ang lahat ng makakaya, ayon sa kakayahan ng budget ng ating barangay, upang mapunan ang mga kakulangan.

Hangad po namin na maging pantay-pantay ang pagkakataon at mabigyan ang lahat ng household na aktwal na naninirahan sa ating barangay, sa abot ng ating makakaya at sa kung ano ang kaya ng pondo ng barangay.

Ang pagbibigay po ng naturang stub at ibabahay bahay ng ating mga officials, at ipapaalam po sa mga kwalipikadong household ang schedule at iba pang kinakailangang detalye.

Maraming salamat po sa inyong pang-unawa, pakikiisa, at pasensya.

— Pamunuan ng Barangay 22-A Leo

(Para po sa mga katanungan, bukas po ang comment section at ating barangay hall)

20/08/2026

Tinatawagan po lahat ng mga magulang na may anak na 6 mos hanggang bagong mag 5 taong gulang. Babakunahan po natin ng anti tigdas dito sa brgy.

08/08/2026

Magandang gabi po,

Mangangamusta lang po sa ating mga kabarangay dyan.

06/08/2026

Magandang umaga po. Para po sa lahat ng PWD ng ating brgy kinakailangan po ng photocopy ng inyong pwd id. Ipapasa po ito sa ating PWD President. Maraming salamat po.

52? NAH25? YASHappiest birthday sa ama ng ating brgy Kap Joel Nepomuceno Andaya. Tanging hiling namin ang mahaba pang bu...
05/08/2026

52? NAH
25? YAS

Happiest birthday sa ama ng ating brgy Kap Joel Nepomuceno Andaya. Tanging hiling namin ang mahaba pang buhay, maayos na kalusugan at ang paglago ng buhok...este blessing sayo. No words can explain how thankful we are sa mga bagay na ginagawa mo even if it's beyond your means.

Happiest birthday, Captain. Always remember that we got your back at kakampi mo kami sa fight fight mo.

03/07/2026

Magandang hapon po, tinatawagan po ang lahat ng may pabyayan ng tahong. Punta lamang po sa brgy ngayon.

02/07/2026

ATTENTION:

Para sa mga 2nd year college student (except cvsu ccc at ccat) hanggang sa graduating or graduate ng 2026.

Mangyari lamang po na pumunta sa brgy ngayon. Salamat po.

Address

Padre Pio
Cavite
4100

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when BRGY 22-A LEO posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share