20/08/2026
Taos puso po ang aking pakikiramay sa pamilya at mga naulila ni Former Mayor/Vice Mayor Junio C. Dualan
Ikinararangal ko pong nakasama at nakatrabaho kayo sa loob ng tatlong taon sa Sangguniang Bayan bilang presiding officer. Maraming salamat po sa inyong pag-gabay at mahabang taon ng paglilingkod sa ating bayan.
Mananatili po sa aming alaala ang inyong naging ambag at dedikasyon sa serbisyo publiko. Paalam at maraming salamat po, Mayor Jun. Nawa’y makamtan ninyo ang walang hanggang kapayapaan.🤍🕊️