Sangguniang Barangay ng Tibatib

Sangguniang Barangay ng Tibatib Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Sangguniang Barangay ng Tibatib, Government Organization, Cavinti.

Tunghayan ang ganda ng kalikasan at makulay na kultura ng Cavinti, Laguna kasama si Miguel Tanfelix sa Planet XP! 🌿✨Mula...
09/05/2026

Tunghayan ang ganda ng kalikasan at makulay na kultura ng Cavinti, Laguna kasama si Miguel Tanfelix sa Planet XP! 🌿✨

Mula sa malikhaing pamumuhay ng mga taga-Cavinti hanggang sa makulay na selebrasyon ng Sambalilo Festival, tampok ang mga natatanging tradisyon at likas na yaman ng bayan. Kasama rin sa ipinakitang pasyalan ang Balon-Balon Falls sa Barangay Tibatib.


Aired (May 9, 2026): Mula kalikasan hanggang kultura, experience the simple and creative life of the people of Cavinti, Laguna with Miguel Tanfelix, plus the...

27/04/2026

PAGBATI! 🫶 PABULAKLAK 2026💐

Sa tuwing sasapit ang buwan ng Mayo dito sa ating bayan ay naka-ugalian na ang "Bulaklakan” kung saan ang mga kabataang binata at dalaga ang siyang nagsisilbing Kabisilya.

Kaugnay po nito, nais po naming ipabatid sa inyong kaalaman na kayo ay isa sa mga KABISILYA sa ating barangay, upang kayo ang magdaos ng pabulaklak ayon sa ating naka-ugalian upang ialay ng ating mga batang associada sa paanan ng Mahal na Birheng Maria.

Ang mga bulaklak po ay ating dadalhin sa kumbento ng ating simbahang Romano, Brgy Poblacion Cavinti, Laguna

Naririto po ang iskedyul ng bawat kabataan at ang inyong kapareha o kagrupo ay ang mga sumusunod

Abangan sa GMA Network ang pinakabagong infotainment show na Planet XP, na pagbibidahan ni Miguel Tanfelix.Isa sa mga ta...
19/04/2026

Abangan sa GMA Network ang pinakabagong infotainment show na Planet XP, na pagbibidahan ni Miguel Tanfelix.

Isa sa mga tampok na lugar dito ay ang bayan ng Cavinti, kung saan ipinakita ang paggawa ng sambalilo mula sa pandan. Bumisita rin siya sa Balon-Balon Falls sa Barangay Tibatib.

Ang Planet XP ay isang partnership ng National Council for Children’s Television at GMA Network.

28 likes, 7 comments. "Planet XP: Samahan si Miguel Tanfelix libutin ang Pilipinas!"

Pormal nang inaprubahan ng Sangguniang Bayan ng Cavinti ang Annual Budget ng Barangay Tibatib para sa Calendar Year 2026...
07/04/2026

Pormal nang inaprubahan ng Sangguniang Bayan ng Cavinti ang Annual Budget ng Barangay Tibatib para sa Calendar Year 2026.

Ang hakbang na ito ay sumasalamin sa patuloy na pangako ng pamunuan na maghatid ng mahusay na serbisyo, palakasin ang mga programang pangkaunlaran, at tiyakin ang kapakanan ng bawat mamamayan.

Maraming salamat po sa bumubuo ng SB Cavinti Laguna. 🤝

Ilang mga opisyal ng Sangguniang Barangay ng Tibatib, sa pangunguna ni Kapitan Allan Arroyo, ay dumalo sa isinagawang De...
31/03/2026

Ilang mga opisyal ng Sangguniang Barangay ng Tibatib, sa pangunguna ni Kapitan Allan Arroyo, ay dumalo sa isinagawang Deliberation for Community Mobilization Project bilang bahagi ng patuloy na pagpapalakas ng ugnayan at koordinasyon tungo sa mas epektibong pagpapatupad ng mga programang pangkomunidad.

Ito ay pinangunahan ng bagong hepe ng PNP Cavinti, Police Captain Ricky Lopez, at ginanap sa Camp General Vicente Lim Police Regional Office IV-A.

Patuloy ang ating pagtutulungan para sa kapayapaan, kaayusan, at kaunlaran ng ating komunidad.

BARANGAY ASSEMBLY DAY1st Semester, CY 2026Alinsunod sa itinatadhana ng Local Government Code of 1991 (Republic Act No. 7...
21/03/2026

BARANGAY ASSEMBLY DAY
1st Semester, CY 2026

Alinsunod sa itinatadhana ng Local Government Code of 1991 (Republic Act No. 7160) at sa mga alituntunin ng DILG Memorandum Circular hinggil sa pagsasagawa ng Barangay Assembly Day, matagumpay na naisagawa ng Barangay Tibatib ang Araw ng Barangay Assembly para sa Unang Semester ng CY 2026 noong Marso 21, 2026 sa Barangay Tibatib Hall.

Sa temang:
“Nagkakaisang Barangay Tungo sa Kalinisan, Kaayusan, Kapayapaan, at Kaunlaran!”,
layunin ng pagtitipon na isulong ang transparency (katapatan sa pamamahala), accountability (pananagutan), at aktibong pakikilahok ng mamamayan sa mga usaping pangkaunlaran ng barangay.

Lubos na nagpapasalamat ang Sangguniang Barangay ng Tibatib sa pagdalo ng ating DILG Municipal Local Government Operations Officer (MLGOO), Ma’am Michelle Mariano Garcia, sa kanyang pagbabahagi ng makabuluhang mensahe at kaalaman tungo sa patuloy na pag-unlad ng ating barangay at syempre sa ating miyembro ng Sangguniang Bayan Hon. JM Esguerra, sa ating kapulisan Cavinti Mps, at sa ating Cavinti Laguna Bfp.

Mga Opisyal ng Barangay Tibatib

Punong Barangay:
Kgg. Allan B. Arroyo

Mga Kagawad:

• Kgg. Isidro R. Reyes – Chairman, Committee on Environment
• Kgg. Jay M. Pereja – Chairman, Committee on Peace and Order
• Kgg. Eric T. Dela Cruz – Chairman, Committee on Appropriations and Tourism
• Kgg. Jomar L. Iwarat – Chairman, Committee on Agriculture
• Kgg. Marilou F. Aranza – Chairman, Committee on Social Services
• Kgg. Gemarie F. Notario – Chairman, Committee on Health
• Kgg. Lorino D. Arroyo – Chairman, Committee on Infrastructure

Sangguniang Kabataan:
• Kgg. Gerald R. Ramos – Chairman, Committee on Youth Development and Education

Inaanyayahan po ang lahat ng mga residente ng Barangay Tibatib na dumalo at makilahok sa gaganaping BARANGAY ASSEMBLY DA...
19/03/2026

Inaanyayahan po ang lahat ng mga residente ng Barangay Tibatib na dumalo at makilahok sa gaganaping BARANGAY ASSEMBLY DAY sa darating na ika-21 ng Marso 2026 araw ng Sabado, sa ganap na ika-1:00 ng hapon.

Lahat po ay inaanyayahan na makiisa at makilahok.

PAUNAWA SA MGA RESIDENTE NG BARANGAY TIBATIBIpinapaalam po namin sa lahat na may pagbabago sa layout ng ating mga barang...
17/02/2026

PAUNAWA SA MGA RESIDENTE NG BARANGAY TIBATIB

Ipinapaalam po namin sa lahat na may pagbabago sa layout ng ating mga barangay clearances, certificates, at certificates of indigency.

Ito po ay alinsunod sa Memorandum Circular 2026-006 ng Department of the Interior and Local Government (DILG), na mas kilala bilang “Anti-Epal Policy.”

Layunin ng nasabing patakaran na tanggalin ang paglalagay ng pangalan, larawan, o anumang personal na marka ng mga opisyal sa mga dokumento at proyektong pinopondohan ng pamahalaan. Ito ay upang mapanatili ang pagiging patas, propesyonal, at makatao ng serbisyo publiko, at maiwasan ang paggamit ng mga dokumento para sa personal o pampulitikang interes.

Patuloy po nating paiigtingin ang ganitong uri ng pamamahala bilang patunay ng tapat, patas, at responsableng paglilingkod sa ating komunidad.

Maraming salamat po sa inyong patuloy na suporta at pakikiisa.

Address

Cavinti

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Sangguniang Barangay ng Tibatib posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share