10/06/2026
OPLAN BALIK ESKWELA MONITORING
Sta. Maria Elementary School
June 09, 2016
Isinagawa ang masusing monitoring sa Sta. Maria Elementary School bilang bahagi ng pagpapatupad ng Oplan Balik Eskwela, na naglalayong matiyak ang maayos, ligtas, at organisadong pagbubukas ng klase para sa Taong Panuruan 2026-2027
Pinangunahan nina G. Nathaniel Carbonel-AO IV at Gng. Joyce Ann Antalan-YFP Coordinator. Ang monitoring ay nakatuon sa pagtaya sa kahandaan ng paaralan sa iba’t ibang aspeto tulad ng pasilidad, kalinisan, kaayusan ng mga silid-aralan, at ang pangkalahatang kapakanan ng mga mag-aaral at g**o sa unang araw ng pasukan.
Sa pamamagitan ng pagtutok at pakikipagtulungan ng bawat isa, layunin ng gawaing ito na matiyak na ang bawat mag-aaral ay masisimulan ang kanilang pag-aaral sa isang ligtas, maayos, at positibong kapaligiran. Ang patuloy na suporta ng komunidad at dedikasyon ng mga g**o at kawani ng paaralan ay nagsisilbing susi sa matagumpay na pagbubukas ng klase.
Isinabay din ang monitoring ng mga Taga DOLE para sa interview ng mga Tupad members na nagsilbing volunteers sa Brigada Eskwela ng sampung araw kasama si G. Joel M. De Leon.
✅ Sama-sama para sa dekalidad na edukasyon!