11/04/2026
📢 ANUNSYO SA BARANGAY SAN JULIAN📢
Paiigtingin ang SAFER CITIES INITIATIVE!
Magandang gabe po, mga kabarangay!
Alinsunod sa umiiral na batas at ordinansa, mas paiigtingin po natin ang pagpapatupad ng kaayusan at disiplina sa ating barangay para sa kaligtasan ng lahat.
🚫 MAHIGPIT NA IPINAGBABAWAL ANG MGA SUMUSUNOD:
❎ Inuman sa Kalsada
– Huhulihin ang mga nag-iinuman sa kalye at ang paglalatag ng mesa at silya para dito.
❎ Topless sa Kalye
– Bawal ang paglabas na walang damit pang-itaas sa pampublikong lugar.
❎ Videoke Lagpas 10:00 PM
– Mahigpit na ipinagbabawal ang pagvi-videoke o malakas na ingay pagkatapos ng alas-diyes ng gabi.
❎ Paggala ng Kabataan (Curfew)
– Ang mga menor de edad na makikitang pakalat-kalat lagpas 10:00 PM ay aaksyunan at pananagutin ang magulang o guardian.
⚠️ PAALALA:
Ang sinumang lalabag ay maaaring pagmultahin, patawan ng community service, o arestuhin alinsunod sa batas.
✅ Makipagtulungan po tayo!
Panatilihin nating ligtas, maayos, at disiplinado ang ating barangay para sa kapakanan ng bawat isa.
Maraming salamat po!
-BLGU SAN JULIAN