15/03/2026
Matagumpay na naisagawa ang Barangay Assembly Day para sa 1st Semester CY 2026 ng Barangay San Roque, Catanauan, Quezon.
Lubos ang aming pasasalamat sa lahat ng mamamayan na nakiisa at dumalo sa nasabing pagtitipon. Ang inyong aktibong pakikilahok ay patunay ng pagkakaisa at malasakit sa patuloy na pag-unlad ng ating barangay.
Sa pangunguna ng Sangguniang Barangay, kami ay nagpapasalamat sa inyong suporta at kooperasyon sa mga programa, proyekto, at gawain ng pamahalaang barangay. Nawaโy magpatuloy ang ating sama-samang pagtutulungan tungo sa isang malinis, maayos, mapayapa, at maunlad na Barangay San Roque.
Maraming salamat po sa inyong pakikiisa!