08/09/2026
ZASK AWARDEE โ SAN ROQUE SK ๐
Ang parangal na ito ay hindi lamang para sa aming SK Officials, kundi para sa buong Barangay San Roque, lalo na sa ating mga kabataan na patuloy naming pinaglilingkuran.
Maraming salamat sa ating buong SK Officials, lalo na sa ating SK Chairperson, Hon. Trixia Daine L. Merigildo.
Taos-puso rin ang aming pasasalamat sa ating Barangay Officials, lalo na sa ating Punong Barangay, Hon. Ronnie T. Isidro, sa patuloy na tiwala at suporta sa SK.
Ang pagkilalang ito ay inspirasyon upang mas matuto, magsikap, at patuloy na maglingkod. Marami pa kaming dapat gawin at patunayan para sa ating mga kabataan.
Huwag po sana kayong magsawang suportahan ang SK San Roque. Tuloy-tuloy ang aming paglilingkod nang buong puso! Para sa Kabataan. Para sa Barangay San Roque. Para sa Serbisyo. ๐๐โค๏ธ